Unang Pag-Ibig
Tulad
Ka pa rin
Ng hanging mahirap hulihin
Kung gaano kabilis ng pagtakbo ko papalapit sa iyo
Ganun din kabilis ng pagtakbo mo
Papalayo.
Labing-
Siyam na taon
Ang mabilis na lumipas
Marami na ring bulaklak ang sinamyo at pinitas
Ngunit pangalan mo pa rin paulit-ulit
Na binibigkas.
Hilda,
Mga labi mo pa rin
Ang pangarap mahagkan
Sa panaginip ko’y lagi ka pa ring inaasam-asam
Kahit ikaw ang nagsimula ng
Pagluha’t kasawian.
...sadyang ang unang pag-ibig ay hindi namamatay.
Hi Aireen, Si Hilda
Hi Aireen,
Si Hilda nga ang aking unang pag-ibig at niligawan ko siya ng dalawang taon almost 20 years na ang nakalilipas... isa na lang siyang ala-ala sa ngayon... pero masarap balik-balikan kasi siya ang unang babaing nagpatibok ng puso ko.
Nakapag-move on na ako pero lahat naman kasi ng babaing minahal ko ay nananatili ang kanilang pitak sa puso ko... andun lagi ang ala-ala masaya man o nakakalungkot at kung bibigyan ako ng pagkakataon ay babalikan ko pa rin kahit isa sa kanila.
Salamat sa pagdaan...
"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."
Mr. Journeyman
Mabuti naman po at nakapag-move on ka na..
mabait ka pala, gud or bad man gusto mo pa rin balikan ang isa sa kanila..
cheers!
hmmmm...
Para sa akin hindi epektib ito - I tried it. Inisip ko yung mga negative sa kanya hanggang sa ang feeling ko ay hatred na at hindi na love, pero ng makita ko siya ulit NOON ay may na-reveal sa akin. Kaya pala hatred ang feeling ko kasi nasaktan talaga ako and in truth tinakpan lang ng galit yung pag-ibig ko sa kanya. Isang smile lang niya at binati ako in a nice way, humingi ng sorry at biglang nawala ang galit sa aking dibdib- umibabaw ulit ang pagibig.
What worked with me is nung tanggapin kong hindi kami para sa isa't-isa. At inisip ko na lang na merong mas hihigit pa sa kanya na mas iibigin ako kung sino ako - at tama ako.
Good to hear at naka-recover ka na journeyman. Ipagpatuloy!
====
Mga Patok sa Takilya
Kabiguan!
Yan ang unang karanasan ko sa pag-ibig, hehehe, basted ika nga nila. Walang nagawa yung dalawang taon kong panliligaw seguro kasi 14 lang ako nun at ganun din siya. Pero matagal na yun at yun ang simula ng mahaba-habang kuwento ko ng kabiguan...marami pang sumunod dun bagaman yun ang una at huling tikim ko ng rejection sa panliligaw eh marami pang babaing nagpaiyak sa akin dahil sa pang-iiwan naman...
Balak ko lang silang gawan ng tula bawat babaing naging sanhi ng pagtawa ko at pagluha. Naka-dalawa na ako kaya apat pa, hehehe...
Salamat bro sa pagdaan... sayang nung naliligaw pa ako sa Jeddah eh wala pa ako nun dito sa fw sana nagkita tayo... 2 years ako sa Yanbu nun.
Ingat-ingat!
"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."
kuya noel
Naku! di pala epektibo yun..
may nakapagsabi kasi sa akin na ganun yung ginawa niya para makalimutan yung taong mahal niya..
pero tama ka nga.. sa una aakalain mong wala na kasi puro galit na lang ang natitira, yun pla natatakpan lang ng galit yung tunay na nararamdaman.. which is yung love mo para sa kanya..
tanggapin kong hindi kami para sa isa't-isa-- positibong pananaw.. mukhang mas effective nga ito... 
salamat kuya noel!
cheers!
Awwwwtttsss...!!! At
Awwwwtttsss...!!!
At nakakagawa ka pa ng tula para sa pers lab mo... (Insert Jelly Icon Here) hehehhe.
Pers lab never dies, I do agree!
But... it will only die when you start living with him... or her in your case... heheheh...
Bato... bato... sa langit ang tamaan, sabi nga nila ay sapul!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
Excuse me...
Do i know you?
Asan ka na ba? Ang hirap naman kasi sa iyo eh kung saan-saan ka nagpupunta at nakakalimutan mong merong naghihintay sa iyo... akala mo kasi walang nakaka-miss sa iyo eh. (seryoso ito ha, hehehe)
Labidabs, masyadong matalinghaga ang iyong tinuran, nagseselos ka lang eh. Hindi man ikaw ang una kong minahal eh ikaw naman ang huli kong mamahalin (pero teka pang-ilan ka na ba sa sinabihan ko? hehehe)
Ok, lahat naman ng babaing naugnay sa akin ay nananatili ang kanilang alaala... at mananatili silang espesyal dahil hindi lang sila basta dumaan kundi nag-iwan sila ng matatamis na karanasan at minsan ay nagsilbing inspirasyon sa musmos kong damdamin (di bale na yung luha at kalungkutan).
Si Hilda? Yung bahagi niya sa puso ko ay hindi na mababago ilan man ang dumaan... mananatili siyang pangunahin at pinaka-mahalaga... ang unang babaing pinangarap kong makasama sa buhay... ang maging ina ng aking mga anak.
"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."
kilig to the bones!!
"Yung bahagi niya sa puso ko ay hindi na mababago ilan man ang dumaan... mananatili siyang pangunahin at pinaka-mahalaga... ang unang babaing pinangarap kong makasama sa buhay... ang maging ina ng aking mga anak."
Ewan ko ba...pero kinikilig ako sa pahayag mong ito, Journeyman!
nakaka-inlab naman..napansin ko,parang "lab is in the air" ngayon sa FW ah...
Sulat lang ng sulat...
"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"
hi ms. yien!
Pers lab never dies, I do agree!-- siguro po, iba-iba kasi yung naging karanasan natin pag dating sa first love, kaya iba't-iba rin ng pananaw..
In my case po kasi, narealize ko in the end na di pala yun true love... kasi bata pa nga ako nun, at inakala ko na parang fairy tale nga ang pag-ibig... kahit nauwi sa wala yung relationship.. nagpatuloy pa rin ako na mahalin siya.. pero nung magkita kami ulit... akala ko mahal ko pa rin siya.. yun pala Hindi na...
cheers!







Hilda.. yun ba ang ngalan
Hilda.. yun ba ang ngalan nya kuya journeyman?
naku, ako hindi ako naniniwala sa first love never dies...
Try mo sa pagkikita nyong muli... malalaman mo kung worth it ba talaga na makulong ka sa mga alaala ng inyong nagdaan.. hehehe
ang technique po diyan kuya para maka-move on..
ilista mo po yung mga negatibo tungkol sa kanya
iwasang isipin ang matatamis na alaala
huwag hanapin sa iba kung anong meron Siya
Maging positibo na magiging epektibo ito
Tiyak luha mo ay mauuwi na rin sa pagtawa...
cheers!