untitled
Submitted by anjulie16labs on July 13, 2006 - 9:53am.
Filipino | Fiction
Ako ngayo'y nag-iisa,walang magawa, walang makasama. Nakatingin sa kalangitang makulimlim, Sa aking pag-iisa bigla kang naalala at ang mga sandaling nakasama kita. Kay sarap balikan mga sandaling iyon, pagkat akin ka lamang noon, ngunit ngayon, nagbago ka na, ako'y iwinaglit sa iyong alaala, kinalimutan ang lahat at sumama ka sa iba, itinatwa't itinanggi sa harapan ng marami, ako'y walang nagawa kundi umiyak sa isang tabi. AKo'y nasaktan, nagdusa, nawalan at naulila sa iyong presensiya aking sinta, bakit bigla kang nawala na parang isang bula? AKing panalangin sana'y dinggin, ika'y muling bumalik sa akin, pagkat di ko kaya kung wala o aking sinta
angeli "anjulie16labs"

