ngiti

ellise dominic's picture
| |

Kung may pioneer ang mga tanga sa pag-ibig malamang ako na iyon.  Paano ba naman sa kadakilaan ng aking angking katangahan candidate na ako sa mga nakapilang tatayuan ng rebulto sa tabi ni Rizal sa Luneta Park.  As in. 

 

Nakalimutan na naman nyang monthsary namin.  Tatlong oras akong naglibot sa mall kakahanap ng regalo para sa kanya.  Nalugi na yata ang smart sa unlitext ko dahil sa dami ng text ko sa kanya pero hindi pa ata umabot ng lima ang reply nya.  Nakakaloka di ba?  Nagamit ko na nga lahat ng linya eh, “wer n u? san kn? D2 n q wer n u? hui txtbk asap., inis, arrrgh, hmp, tzk, at kung anu-ano pa.  Dedma.  Parang nakikipagtextmate ako sa sarili ko, buti pa nga ang hangin kahit di mo makita nararamdaman mo, eh siya wala talaga parang dedbat lang, wala talagang sinyales na buhay pa siya.  Ay naku! Magdadalawang oras na akong naghihintay sa fastfood na ito nakakahiya naman kanina pa ako dito buti nalang di ko pa rin nauubos ang order ko kaya ayos lang tumambay. Nakakainis talaga!

Ti ti tit ti tit… ti ti tit ti tit…

May text!  Himala!  Si Joan pala.  “Sis, d2 q haus jelai.  Kita ko bf u ksma c Rian.  Punta k now n.”  Si Joan ang bestfriend ko noong high school, pinsan nya si Jelai na kapitbahay naman nina Rhianne.  Batchmate namin ng boyfriend ko si Rhianne noong college.  Hindi kami close kasi maganda sya kaya suplada.  Dinadaan-daanan nya lang kami sa lobby.  Kung sa bagay noon pa naman alam ko ng may crush ang boyfriend ko sa kanya hindi nga lang siya pinapansin ni Rhianne noon dahil may boyfriend siyang varsity player.  Hmmm, ano na kaya ang nangyari sa boyfriend nyang iyon? 

Unang nagging issue ang pangalan ni Rhianne two months ago, nang magkaroon ng get together ang batch namin.  Hindi ako nakasama dahil nag-over time ako.  Pumunta ang boyfriend ko.  At mula noon bukambibig na nya lagi si Rhianne.  Nakakaselos minsan pero iniisip ko magmumukha lang akong insecure kung aawayin ko siya kaya hinayaan ko na lang tutal hindi naman siya papansinin nun lalo na ngayon na malapit na yung maging manager sa isang bangko. 

Hindi ko napansin kung uminit ba ang ulo ko o tumaas lang ang presyon ko sa sobrang inis.  Nanginginig ang kamay ko habang pinipilit kong mapindot ng tama ang keypad ng cellphone ko.  “nu gwa nya jan?” Parang ang tagal ng 2 mins sa pagreply ni Joan.  “usap cla, taz gtara.” Doon na nagpanting ang tenga ko.  Kinakantahan nya siya?  Magaling kasing mag-gitara ang boyfriend ko at maganda din ang boses kaya nga madali akong na-inlove sa kanya.  Gusto kong sabunutan ang malanding Rhianne na yun.  Alam naman nyang boyfriend ko siya bakit hinaharot pa nya?  Arrrrghhh!!!!  Nag-walk-out ako kahit wala naman akong kasama.  Basta super exit with matching tabig ng mga silya at mesa.  Dali-dali akong tumawag ng taxi at nagpahatid sa bahay nila jelai.

Traffic! 

Pagdating ko sa lugar nila nakaalis na ang boyfriend ko.  Si Rhianne nalang ang naabutan ko.  Kinumpronta ko siya agad, nakita ko sina Joan at Jelai na nananakbo sa gilid ko, “Hoy bruha kang malandi ka tigilan mo ang boyfriend ko!!!” wala akong pakialam kahit pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. 

Hindi siya nagulat nang makita ako at natawa pa sa sinabi ko.  “uy, musta?” nakangiti siyang parang walang kaalam-alam, napaka-inosente.  Tumayo siya at humarap sa akin na tila wala siyang kinatatakutan, na parang hindi siya nag-aalala kung iskandaluhin ko siya.  Mayabang talaga!  “Candy right?” tanong niya.  Sobrang sweet ng boses nya parang nananadya.  “what brings you here?”

Napanganga ako.  Hinawakan ako ng mga kaibigan ko.  “sis, ano ka ba? Tara na!  madaming tao nakakahiya,” nagpumiglas ako sa hawak nila.  Hindi ako papayag tuturuan ko siya ng leksyon.  “ikaw, wag ka ng mag-maang-maangan dyan.  Alam mo kung bakit ako narito.  Tigilan mo ang boyfriend ko!” tumawa siya ng malakas.  “siya ang nangungulit sa akin.  Bakit hindi siya ang awayin mo?” tumaas ang kilay nya, at nakapamewang.  “oh bakit di ka na makapag salita?  Alam mo kasing ako ang gusto niya talaga kaya hindi ka na makapagtaray.  Just go and tell him na sinugod mo ako dito para iwanan ka nya ng tuluyan.  You know I can tell him to leave you.”

Nanlambot ang mga tuhod ko.  Tama siya.  Alam kong iiwan ako ng boyfriend ko for her.  Madami na kasing nagbago sa kanya after nya makita ulit si Rhianne.  Ang sweet at napakaromantic kong boyfriend ay unti-unti nang lumalayo sa akin.  At kahit anong gawin ko hindi ko na siya maibalik.  Basta parang ayaw na nya kaya gumagawa siya ng excuses para magalit ako to break up with him.  Pero ayoko.  Basta kahit anong gawin nya dinededma ko dahil ayokong makipagbreak sa kanya.  Tumalikod ako.  Alam kong talo na ako.  

Ilang baldeng luha ang iniiyak ko dahil sa sobrang sakit.  Ganun pala yun kapag alam mong matatapos na ang relasyon nyo, kapag alam mong wala ng pag-asang mabawi pa ang mahal mo.  Ayokong sumuko pero anong gagawin ko kung ako na lang ang nakikipaglaban.  Tatlong araw akong hindi pumasok.  Tatlong araw ding hindi nagparamdam ang boyfriend ko.  At dahil nararamdaman kong nagsumbong na si Rhianne sa kanya, hinihintay ko nalang na sabihin nyang tapos na tayo.  

Pagpasok ko sa work himalang tumawag ang boyfriend ko.  Susunduin daw nya ako.  Kinabahan ako ng sobra.  Matagal tagal na din kasing hindi nya ako sinusundo sa opisina.  At gaya nga ng kinatatakutan ko nakipaghiwalay na siya sa akin.  Gumuho ang mundo ko.  As in nawasak lahat ng pangarap na binuo namin.  Ang sariling bahay, ang tatlong anak, ang pangakong habang buhay.  Masakit.  Sobrang sakit.   Sa kanya na kasi nabuo ang mga pangarap ko, ang mundo ko.  Kaya parang pinutulan ako ng dalawang paa ng sabihin nyang ayaw na nya dahil hindi na nya ako mahal.  Ganun lang.  ganun lang kadali sa kanya.

Impyerno?  Kung nakarating na ako sa impyerno malamang sasabihin kong parang impyerno ang buhay nang nawala siya.  Laging malungkot, laging may masakit sa puso ko, laging nakakaiyak, laging nakakalambot at nakakawalang ganang mabuhay.  Basta mahirap.  Malungkot, sobrang lungkot.  Para akong robot, sa umaga tuloy ang buhay, pero pag dating ng gabi doon ako humahagulgol.  Namayat ako, di nakakakain, di nakakatulog.  In short, pumangit ako ng bonggang-bongga.  Wala akong pakialam kahit nag-abot na ang eyebags at cheekbones ko, walang paki-paki kung nadry na ang hair ko dahil sa sobrang stress, dedma din kahit nagmukha akong 45 dahil sa pangit ng skin ko dahil di na ako kumakain at natutulog.  At lalong dedma kahit sabunin ako araw-araw ng sup ko dahil mali-mali ang report ko dahil laging wala ako sa sarili ko.  Basta dedma lahat.  Kahit yata bagsakan ako ng eroplano sa kalsada balewala lang sa akin, mabuti pa nga ang mamatay kaysa ang maramdaman ang ganung klaseng lungkot at sakit.

Limang buwan ding para akong adik.  Konting kain, konting tulog, konting tawa at madaming-madaming emote.  Basta ewan paano ako nabuhay basta nakaabot ako ng limang buwan na humihinga pa.   sa loob ng limang buwan na iyon siguro mga tatlong beses lang nagparamdam ang ex ko.  Puro musta naman ang text nya tapos wala na.  adik ba siya?  Matapos nya akong saktan mangangamusta siya?  Sapakan nalang kaya para kasi siyang nakakaloko.

Paano nagpatuloy ang buhay para sa ex ko eh di hayun, naging sila ni Rhianne.  Nabalitaan ko kay Joan at Jelai.  Limang araw lang yata after nya akong hiwalayan naging sila na.  ayos naman ang bilis nyang makamove on parang balewala ako ah.  Ganun lang ba talaga ako kadaling kalimutan.  Kung sa bagay di na nga pala ako ang mahal.  Kaya no choice ang drama ng lola mo.

Dahil single and available na ulit ang status sa facebook ko, kanya-kanyang reto ang mga kaibigan at kaopisina ko sa mga kaibigan nila, dating katrabaho, mga dating kaklase, mga kababata, mga pininsan, mga kapatid ng barkada nila pati nga ata kapitbahay ng mga kaprobinsya nila na binata pa inaalok sa akin.  Hello!  Ano ba ako?  Karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain?  Di ba ako allowed maghanap para sa sarili ko, yun ay kung gusto ko pang maghanap.  Sa ngayon kasi ayoko ng commitment sobra akong nasaktan.  At di pa ako nakakaget-over sa ginawa sa akin ng ex ko at ng malanding Rhianne na yun.  Karmahin sana sila.

Lumipas ang mga araw na tila ang bagal bagal.  Kahit busy sa trabaho kapag wala kang gana ang 24 oras akala mo katumbas ng tatlong araw.  Lahat ng pwedeng pagkalibangan ginawa ko na, nag-gym, sumali sa mga marathon-marathon na yan, kinarir ko ang mga company outings, pati nga lakad at gimmick ng mga barkada sinama ko na sa schedule ko para lang hindi ko siya maisip at hindi ako magmukmok sa kalungkutan ko.  Basta ginawa ko lahat ng hindi ko magawa noong kami pa dahil bawal o kaya dahil wala akong time.  Ngayon, kahit anong mapagtripan ko ginagawa ko, lahat ng gusto kong kainin, kinakain ko, dedma kung tumaba pakialam ko naman kung pumangit na ako wala na akong gana sa mga pasaway na lalaki na yan, pare-pareho sila, mga manloloko o kung di ka man lokohin, pag tapos na sayo iiwan ka na pag may nakita ng iba.  Asus!

“hoy caloy! Tumabi ka nga!” sigaw ko sa dakilang istambay ng kalye naming. 

“ay pasensya na po miss sungit,” natatawang sagot ng pasaway.

Kababata ko si caloy.  Magkaklase kami noong elementary.  Valedictorian nga naming yan ewan bakit pag dating ng high school nagloko na siya sa pag-aaral at di na din tinapos ang college dahil nagsasawa na daw siyang mag-aral at makinig sa kakadada ng professors.  Natatawa nga ako kapag naaalala kong naging crush ko siya dati dahil sa talino nya.  Ay naku, sayang na nilalang…

 “Candy, kamusta ka na?” inosente ang ngiti ni caloy.  Sigurado akong nabalitaan na nya ang tsismis na wala na akong boyfriend. Naisip ko mula noong nag-highschool ako hindi ko na nakausap si caloy ng maayos.  Hindi kami nagkikita madalas at bihira na ding magkausap.  Busy kasi sya sa pagsira ng buhay nya samantalang ako busy sa pag-aaral.  Lagi ngang sinasabi ng tatay ko nakikita daw nya si caloy na nakikipag-inuman doon sa may terminal kasama ang mga sunog baga.  Madami ng naiba kay caloy.  Ang dating palaaral, tahimik, at mataas na mangarap ngayon heto na, mahaba ang buhok, nanlilimahid ang nangitim ng balat dahil sa kakababad sa initan, tumanda na ang dati’y mala-aga muchlach na mukha, nakahubad ng t-shirt, maong na short na parang tatlong araw ng di nalalabahan at amoy pawis, alak at yosi.  Eeeww!!! Ito ba talaga si caloy?  Hindi talaga ako makapaniwala.

“okay ako,” hindi ko na pinahaba ang sagot ko at di na rin dinagdag ang musta ka din dahil ayoko ng humaba pa ang usapan namin.  Naaalibadbaran ako sa itsura nya.  Tumalikod na ako. 

“oy, miss sungit minsan date kita ha!” pahabol nya.  Natawa ako.  Asa ka pa unggoy! 

Halos anim na buwan na kaming hiwalay, akalain mo, nakaya kong mabuhay ng anim na buwan na wala siya.  Sabi ko nga okay na ako, ayoko ng iyakan ang walang kwentang yun.  Kaya naman para malaman kung matapang na nga ba ako eh pumayag akong sumama sa birthday ni Jelai.  Sigurado makikita ko ang ex ko dun dahil Sunday yon at gabi pa kaya malamang nasa bahay na nun ang maharot na Rhianne na yun. 

Tamang-tama ang dating ko, ala sais na.  nag-aagaw na ang dilim.  Naupo ako sa veranda at patay malisyang tinanaw ang bahay nina Rhianne.  Walang tao sa labas nila.  Hmmm, baka wala sila.  Isa-isa nang dumating ang mga kaibigan namin.  Nagdatingan na din ang mga kapitbahay at kamag-anak.  Nagvivideoke ang mga bisita sa labas habang nagtsitsismisan naman sa loob.  Tumulong ako sa pagseserve ng pagkain. 

Kuntodo ang kwentuhan namin ni Joan habang naghahain ng shanghai ng biglang nasalubong ko si Rhianne kasunod ang ex ko.  Syempre ang lola mo nagulat.  Muntik ko ng mabitiwan ang bandehado ng shanghai pero dahil medyo mataas ang iq ko naisip ko agad na wag Candy! Wag mong sayangin ang shanghai, bukod sa nakakahiya, eh magmumukha ka pang affected.  Pero I swear hindi kinaya ng powers ko ang nakita ko.  Gusto kong magcollapse kaya lang ayaw naman akong panawan ng ulirat, gising na gising ang mga senses ko, paano naman ang gagawin ko?  Pekein kong nahimatay?  Nakakahiya naman yun.  Mag-walk-out?  Haler! Gumawa ba ng eksena sa harap ng mga kaibigan ko?  Hindi na oy baka habang buhay nila akong pag-usapan.  Umiyak?  Teka hindi ako naiiyak.  Magalit?  Teka ulit wala naman ako sa lugar para magalit.  Ay naku naloka ako ng bonggang bongga dahil hindi pala ako prepared sa mga ganitong kaeksenahan sa japan.

Kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti.  Hello?  Bakit ko ginawa yun?  Bakit ako ngumiti?  Bakit ko sila nginitian?  Okay na ba ako?  Okay lang ba ang ginawa nila?  Friends ba kami?  Close kami?  Ngiti?  Bakit naman sa dinami-dami ng magiging reaksyon eh ngiti pa ang naisip ng napakataas na I.Q. ko?  Ay naku hindi ko talaga kinaya.

Sa sobrang pagkapahiya ko sa award winning na reaksyon ko ay lumabas ako agad at doon nagsisi.  Bakit!  Bakit?  Bakit?  Bakit ako ngumiti kay Rhianne at ex ko?  Adik ba ako?  Ano ba Candy!!!

At doon palang nagsink-in ang lahat.  Ang sakit, ang lungkot, ang pakiramdam na iniwan ako sa ere, ang lahat lahat ng pinagdaanan ko sa nakalipas na anim na buwan.  Naghalo-halo ang galit, inis, takot, kaba, basta mahirap ipaliwanag basta para akong mababaliw.  Nasaktan na naman ako.  akala ko okay na ako.  akala ko nakamove on na ako, hindi pa pala.  ang tanga ko bakit hindi ko yun alam.  hindi pa pala ako okay. Hindi ko na nagawang magpaalam ng maayos sa mga kaibigan ko dahil umuwi na ako.  Hindi naman ako si superwoman para mag-stay pa doon at kumanta ng I will survive sa videoke.  Magtatumbling muna ako bago ko gawin yun no.

Habang pauwi nasalubong ko si Caloy na medyo susuray-suray.  Lasing na naman ang walang kwentang sunog bagang ito.  Sinubukan kong umiwas kaya lang nakilala nya agad ako kaya hinarang na nya ako.  “oy, miss sungit, kamusta na?” ambaho ng hininga nya amoy gin.  Gusto kong masuka.  “ayos lang ako caloy,” nagmadali ako sa paglakad pero hinawakan nya ang braso ko.  Nagulat ako at muntik nang mapatili, natakot kasi ako baka kung anong maisipan nyang gawin sa akin.  Nakita nya siguro ang takot sa mga mata ko kaya natigilan sya at tila biglang nahimasmasan.  “sorry candy, hindi kita gustong takutin.”  Naluluha na ako.  Binitiwan nya ang braso ko at yumuko sabay lumakad palayo.  Ewan parang naawa ko sa kanya.  Para kasi syang napahiya. 

Ilang araw ding hindi ko napagkikita si caloy na pakalat-kalat sa kalsada.  Hindi rin sya nababanggit ng tatay na lasing na naman kasama ang mga lasinggero sa lugar namin.  Himala! Si caloy mawawala sa mga inuman? 

Byernes nun dumaan ako sa simbahan, hihingi ako ng tulong sa langit sa bigat ng dinadala kong sakit sa puso ko.  Baka kasi maawa na sa akin sa wakas at bigla akong pagalingin.  Pagtapos ng mass nakasalubong ko si Caloy sa paradahan ng tricycle.  Nakapolo, slack pants at naka-clean cut ang buhok.  May dala din syang envelope.  Nang makita nya ako ngumiti lang siya at tumungo.  Nanibago ako kasi lagi nya akong binabati ng miss sungit.  “Caloy!” ako na ang naunang bumati kasi mukhang wala siyang balak na batiin ako.  “Candy,” sagot nya.  Napatulala ako sa itsura nya.  Hindi na siya nanlilimahid.  Malinis at mabango na siya.  Medyo pumuti na rin at tumaba ng kaunti.  Hiyang ata sa aircon at pagkain sa mga fastfood.  “nagwowork ka na?” tanong ko, medyo napahiya naman ako sa tema ng tanong ko kasi para namang hinahamak ko sya.  Kung sa bagay lagi ko naman siyang hinahamak eh.  “oo eh, dalawang linggo pa lang nga.”  Hindi ako sanay na bigla siyang tumatahimik.  Sanay ako na kinukulit na nya ako kahit na naiirita ako sa kanya.  “ah talaga?  Saan?”  tumindig sya at humarap sa akin.  Grabe bakit parang nahihiya ako sa kanya?  “sa call center pinasok ako ng pinsan ko kasi bisor na yun dun eh kaya madali akong natanggap.  Training palang pero sa tingin ko papasa ako,” kwento nya.  Wow! Call center, aakalain mo bang ang sunog bagang ito na patapon na ang buhay ay magiging call center agent?  “congratulations kung ganun!” bati ko sa kanya.  “Salamat candy.”  Biglang may dumaang anghel sa sobrang tahimik.  Naconscious naman daw ako.  “sige candy kailangan ko pang daanan si vanessa eh.”  Bigal daw akong nagselos.  Si vanessa ang bestfriend nya, kaklase din namin sya noong elementary.  “ah okay, sige caloy, uwi na rin naman ako eh,” palusot ko. 

Hanggang sa pagtulog wala akong ibang naisip kundi si caloy.  Hindi pa rin ako makapaniwala.  Kaya pala nyang magbago bakit hindi pa noong medyo bata bata pa siya bakit kailangan pa nyang sirain muna ang buhay nya?  Napangiti ako dahil sa unang pagkakataon sa loob ng anim na buwan mula nang hiwalayan ako ng ex ko ngayon lang hindi sumagi sa isip ko ang mokong na iyon at ang mang-aagaw na Rhianne na yun.  Si caloy lang ang naisip ko… hmmmm… masaya akong nakatulog.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako dahil hindi ko nakakasalubong si caloy sa tuwing uuwi ako o papasok sa trabaho.  Oo nga pala baligtad ang mundo nun, sa araw tulog sa gabi naman gising, malamang talagang hindi kami magkita.  Teka, bakit ko ba siya hinahanap-hanap?  Isang araw mula sa kawalan nakasabay ko sa jeep si caloy at vanessa.  Hindi ko talaga maintindihan kung bakit selos na selos ako habang magkatabi sila at nagkukwentuhan at nagtatawanan.  Binati nila ako pero pagtapos nun ay hindi na nila ako ulit inimik.  Nakakaimbyerna talaga.  Walangyang caloy yan nakatikim lang magtrabaho hindi na ako kilala?  Gusto ko siyang upakan on the spot kaya lang wala naman akong maisip na valid na reason para gawin yun.  kahit paano ko tingnan wala ako sa lugar magmataray.  Dahil sa dinededma nila ako kaya nagkunwari nalang akong tulog.  Maya-maya ay may naramdaman akong kumakalabit sa braso ko.  “candy, pwede ko bang kunin ang number mo?” tanong ni caloy.  Sa sobrang gulat ko na-mental block ang lola mo.  Ano nga ba ang number ko?  Pasaway ka candy chance mo na wag mong palampasin!  “ahm, nakalimutan ko eh teka eto sa cp ko kunin mo nalang.”  Timing namang bababa na sila.   “ay saka nalang candy dito na kami eh.”  Nakakairita.  Alam nyo ba ang pakiramdam ng inis na inis ka pero kailangan mong ngumiti?  Ganun ang pakiramdam ko.  Gusto ko siyang sigawan!  “ah okay, sige ingat kayo,” sabaky kaway habang pinapanood ko si caloy na alalayan si vanessa pababa ng jeep.  Feeling kagandahan?  Teka bakit ba ako naiinis kay vanessa?  Eh ano naman kung sila?  Hala!  May gusto ba ako kay caloy?  Nanlamig ang buo kong katawan.  Hindi pwede!  Hindi si caloy!  Never! Never! Never!  Kung pwede ko lang sabunutan ang sarili ko at sampalin ng paulit-ulit para magising ako sa mga kahibangan ko ginawa ko na.  si caloy?  Naku candy maghunos dili ka nga!

Tatlong araw bago magpasko biglang may tumawag sa cp ko.  Number.  Di ko alam kung sino.  Sasagutin ko ba?  Ayaw tumigil.  Baka emergency.  “hello?”  putol-putol ang boses sa kabilang linya.  “hello?” medyo naiinis na ako.  “hello!”  di ko sya maintindihan kaya pinatay ko na.  tumunog ulit.  “hello!  Sino ka ba?”  biglang sobrang clear ng boses, “candy si arjay to!” napanganga ako sa sobrang gulat.  Ang ex ko!  “candy?”  hindi ako makapagsalita.  Bakit siya tumatawag?  Anong kailangan nya?  “candy kausapin mo naman ako oh,” nagmamakaawa ang boses nya.  “baket ka tumawag?” ang sungit ko.  “pwede ba tayong magkita?”  ang kapal ng mukha nito ah, gustong makipagkita?  Hello sino sya sa akala nya! Ano sinuswerte?  “Busy ako eh ano bang sasabihin mo sabihin mo na.”  ang tagal bago sya sumagot.  “pwede pa ba kitang puntahan dyan sa inyo?  Gusto sana kitang dalawin eh.”  Kung hindi lang mahal ang bili ko sa cp ko malamang ibinato ko na sa pagmumukha nya ito kaya lang sayang naman masisira lang sa walang kwentang tao.  “at baket mo naman gagawin yun?”  ang sumunod na sinabi nya ay talagang hindi kinaya ng powers ko.  “namimiss na kita,” sagot nya.  Hala!  Bigla daw bumilis ang pintig ng puso ko.  “Candy? Please naman oh, candy?”

Okay sabihin nyo na na tanga ako, oo inaamin ko na yan.  Tanga nga eh.  Kaya hayun pumayag akong puntahan nya ako sa bahay.  Nag-usap kami, kamustahan, paliwanagan.  Break na daw sila ni Rhianne at narealize daw nya na ako pala ang talagang mahal nya.  Na naaliw lang daw sa kanya si Rhianne kaya siya sinagot pero hindi daw love ang naramdaman nito sa kanya.  Mga ganung drama.  At kung papayag daw ako eh liligawan nya ulit ako para magkabalikan kami.  Yung mga tipong ganung effect ba.  Heto namang lola mo ang bilis mapaniwala.  Kaya sige go lang.  wala pang isang buwan nagkabalikan na ulit kami.  At si caloy?  Well, nalimutan ko na siya dahil bumalik na ang ex ko.  Magpakita sya o hindi wala na akong pakialam sa kanya.  

Pero parang adik talaga ang tadhana.  Kasi ba naman itong boyfriend ko nag-uumpisa na naman.  Nahuli ko ba namang katext ang Rhianne na yun.  unang offense di ko pinansin dahil baka medyo di pa maayos ang paghihiwalay nila kaya may mga bagay-bagay na kailangan nilang pag-usapan.  Sige lang kaya ko naman basta ako ang girlfriend carry lang kahit pa anong itext nya.  Martir na kung martir ganun ko kamahal ang boyfriend ko.  Pangalawang offense medyo may inis na pero okay pa rin, text lang naman.  Third offense may kasama ng tawag ay naku doon na ako naloka.  Kinausap ko siya kung bakit di pa nya tapusin kung tatapusin nya ang mga issues nya kay Rhianne.  Ano pa ba ang pinag-uusapan nila at hanggang ngayon ay umi-eksena pa rin ang harot na yun.  “wala lang nangangamusta lang siya,” palusot ng boyfriend ko.  At bakit pa nya kailangan mangamusta aber?  Close kayo?  Pinalampas ko pa rin yun.  pero nang makita silang magkausap sa isang kainan sa mall doon na ako nag-ala rambo.  This time hindi ko sinugod si Rhianne dahil malandi yun at kahit anong sabihin ko ay hindi naman nun pakikinggan at ipipilit nun ang kalandian nya kahit anong mangyari, syempre kahit naman ang mga kabit ngayon sila pa ang mas matapang kaysa sa mga legal na asawa.  Kaya wala akong sasabihin sa kanya.  Kinompronta ko si Arjay.  Hayun naman pala eh, mahal pa din nya si Rhianne at ang malanding girl ayaw syang tigilan panay pa din ang paramdam.  Para talagang demonyita ang lakas mang-inis.  Iniwan nya ang boyfriend ko tapos panay pa din ang text at tawag?  Adik ba sya?  Paano makakamove-on ang boyfriend ko?  Paano kami matatahimik?

Ang ending?  Break ulit kami.  Ang masaya lang ngayon eh ako ang nakipaghiwalay at hindi ako ang iniwan.  Kahit masakit nakabawi din ako ng kaunti dahil this time ako ang mapride at siya ang parang basahang isinantabi na lang.  akala nya mauunahan nya ako makipaghiwalay? 

Hindi ko masyadong ininda ang break up namin ngayon kaysa noong una.  Siguro sanay na ako or baka may nagbago na rin sa nararamdaman ko sa kanya.  Kung noon halos magpakamatay ako sa sobrang sakit ngayon eh dedma nalang.  Mas naging maganda pa nga ako dahil finally nawalan na ako ng kunsumisyon sa buhay.  Ewan basta masaya ako dahil nalaman ko ang tunay nyang kulay.  Mabuti nalang at hindi pa kami kasal.  Mabuti na rin na nauntog na ako at nagising sa katotohanang hindi pala siya ang gusto ko sa buhay ko.  Siguro iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako umiyak kahit pa wala na siya. 

At sa wakas narinig ng langit ang mga iyak ko, paano ba naman nakarma ang mokong.  Hindi na siya binalikan ni Rhianne kahit lumuhod pa sya sa harap nito.  Kaya hayun naghanap ng pagmamahal sa iba at ang nakuha nya ay isang babaeng disgrasyada.  Ngayon may dalawang bata syang pinapakain at pinapag-aral na hindi naman niya anak.  Gustuhin man nyang humiwalay wala na syang choice dahil on the way na ang baby nila.  At balita ko pa lagi daw silang nag-aaway at napapabayaan daw siya ng kinakasama nya.

Si Rhianne? Hayun papalit-palit ng boyfriend.  Kung sino ang matype-an nya go lang ng go.  Hindi nya alam pinagkakatuwaan na sya ng mga lalaki sa batch namin dahil naging girlfriend na siya ng halos lahat ng lalaki sa batch namin.  So what maganda at mayaman pa rin naman sya yun nga lang pagtalikod nya pinagtatawanan sya.

Ako? Ano bang nangyari sa akin after that?  Well, kami na ngayon ni caloy.  Magdadalawang taon na kami next month at going strong pa din.  Yung number ko na hindi nya nakuha eh sa pinsan ko na nya kinuha.  Nag-umpisa sa pa-good morning good morning, tapos pa-goodnight goodnight.  At isang araw sinadya na nya ako sa bahay may dalang chocolates at flowers.  Hay naku sana nakita nyo ang reaction ng tatay ko parang gustong kainin ng buhay si caloy.  Pero nang ipinakita ni caloy na nagbago na siya unti-unti na rin syang tinanggap ng tatay ko.

“miss sungit!” naupo si caloy sa tabi ko.  “kamusta?” tanong nya.

Nakatingala ako sa mga stars.  Binabalik-balikan ko ang mga nangyari sa akin noon at hanggang ngayon na katabi ko na ang future husband ko.  “okay lang ako,” nakangiti kong sagot.

“thank you candy,” nakatingin din sya sa mga stars.

“thank you saan?”

“for loving me,” sagot nya.

Natawa ako.  “ang corny mo ha!” kunwari pa ako pero kinikilig talaga ako.

“remember that night nung natakot ka sa akin?”

Tiningnan ko siya.  Nakatingala pa din sya sa langit.  Malilimutan ko ba naman yun? nakakaawa ang itsura nya nun kasi napahiya sya sa akin.

“ikaw ang nagbago sa akin eh.  Kung hindi mo ako tiningnan na parang takot na takot ka sa akin siguro hanggang ngayon nakatambay pa din ako sa kalsada umiinom mula umaga hanggang gabi.  Hindi ko kasi malimutan ang mga mata mo nung tiningnan mo ako, para akong kriminal na handang manakit.  Doon yata ako natauhan.  Doon ko nakita kung anong ginawa ko sa buhay ko at sa sarili ko.”  Tiningnan nya ako.  Tumutulo na ang luha ko.

“kaya salamat candy, dahil sayo ginusto kong baguhin ang buhay ko para pag tiningnan mo ako ulit hindi ka na matatakot o mandidiri sa akin.”  Grabe noon ko lang siya nakitang magseryoso ng ganun.

“ikaw ang angel ko candy.  At walang araw na hindi kita minahal mula pa noong elementary tayo.  Hindi ko na mababago ang mga ginawa ko noon pero may magagawa ako para ayusin yun ngayon.  Basta kasama kita.”

O sige na.  sino bang hindi matutunaw sa ganyan.  Ako angel?  Hello kung alam lang nya kung paano ko sya iwasan.  Aakalain mo bang siya pa ang makakatuluyan ko?  Si caloy ang istambay ng kalye namin?  hay nakakatuwa talaga ang tadhana.  kung saan saan ka pa naghahanap eh nasa harapa mo lang pala ang para sayo.  halos magpakamatay ka sa kakaiyak sa taong nang-iwan sayo yun pala hindi naman pala yun ang talagang gusto mo.  kailangan mo lang buksan ang mata mo at makikita mo na lahat ng nangyayari sa buhay mo ay nagtuturo kung ano talaga ang para sayo.  basta wag kang makulit at wag kang magpasaway, makikita mo na hindi nagkakamali ang destiny.  ibibigay ka nya sa taong talagang para sayo at dadalin ka nya sa talagang pupuntahan mo.

oo nga pala pinamigay ko na ang budget para sa itatayong rebulto ko sa tabi ni rizal sa luneta dahil sa angking katangahan sa pag-ibig.  madami pa kasing candidate ang hindi pa naililista sa listahan ng mga tanga at martir sa pag-ibig...

   

the end...


nyah!

nabitin naman ako ellise...parang ang seryo-seryoso na tapos biglang to b continued antok na ako. 2oinks..2loy mo naman...gusto kong malaman kung ano nangyari.hehe...

ellise dominic's picture

ay sorry

 

 sorry kasi di ko matapos ng isang upuan eh inantok na ako sige tuloy ko na... ahaha

my soulmate  is worth the wait..

Sarap sabunutan ng ex mo at ni rhianne.

SSShh.. Secret lang natin toh

Di ka nag iisa. naku. sa akin dati kalokohan ang magmahal.

pero ngayon di na, pinagpapasalamat ko pa nga ngayon at naghiwalay kami ng ex ko na manloloko e, eiiii

 

tuloy mo na po...

ellise dominic's picture

oo tama ka

 

itutuloy ko na ... 

my soulmate  is worth the wait..

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 braVO!!!!!

bravo!!!1 ang Ganda talaga..

ellise dominic's picture

kala ko naman kung ano yung secret

salamat sa pagbasa... ahahaha

 

 

 

my soulmate  is worth the wait..

willinspirado's picture

alright!

ang ganda ng story ellise (uy, feeling close ako..)

 pero no, really, na appreciate ko. ini-imagine ko, si Nicole Hyala ang nagkukuwento... with matching emotional punto..

natuwa ako sa kuwento :) it's a reality. A lot of women today will relate sa kuwento mo. And even worse. Hindi naman siguro katangahan yon, as they would define it, sa perspective ng "in-love"... pero once you get detached to it, and finally move on, makikita mo how blinded you were dati... and I am happy, if this is a true story (though nakita ko, fiction siya)... kasi finally, diba, someone respects you, takes care of you, value you, and love you... dapat ganon eh.. all because you deserve it. :)

mahirap makisama nang habambuhay with someone who can't even be firm to his words/decisions. Walang backbone yan and papalit-palit ng decision.

ellise dominic's picture

close na tayo will

 

i agree... hmmm kelan ko kaya makikita yang gaya ng sinasabi mo... ahahaha. feeling ko kasi pinagtataguan ako ng soulmate ko ... asus baka di ka naniniwala sa soulmate... wala lang isa lang tong bagay na sobrang kinakapitan ko kasi feeling ko ang corny ng buhay kung walang soulmates... ahahaha pasensiya na ha may pagka addict kasi ako eh...

okay lang maging close tayo... at fan ako ni nicole dati.  i heard married na siya, buti pa siya parang kelan lang iniiyakan pa nya ang ex nya... hay paambon naman ang swerte sa love... ahahaha...

thanks sa comment... 

my soulmate  is worth the wait..

willinspirado's picture

hi ellise!

sana lahat ng tao dito, kasing positive mo... mas magaan ang buhay at mas babalik-balikan... bagong salta ko pa lang dito, may nega na agad. :D

 naku, siya (yung soulmate mo) ang makakakita sayo. :) he is surely in the search now. don't worry, nandyan lang yan sa tabi-tabi, parang si caloy lang :) 

ellise dominic's picture

soulmate ko?

 

pag nakita ko ang soulmate ko uupakan ko sya agad kasi ang tagal nyang dumating. ang dami ko na tuloy luhang iniiyak kasi ang bagal nyang maghanap... ahaha...

salamat natawa ako sa mga comment mo.  madaming makukulit dito at magagaling talagang magsulat, yung iba maiiyak ka sa kakatawa, basta search ka lang ng mga stories kahit mga dati na.  try mo i read yung kay luca at kay spike... madaming magagaling dito...

basta sulat ka lang hayaan mo lang kahit mga nega ang comment at least napapansin ang gawa mo... ahahaha... ang importante nalalabas mo ang gusto mong sabihin... besides sa mga comment ka makakakuha ng tips sa pagsusulat lalo na yung gustong maging writer

part lahat yan ng life... Tongue out

my soulmate  is worth the wait..