UP Namin, Mahil!
UP Namin, Mahal Na!
24 May 2009

Ikinararangal ko ang pagiging Iskolar ng Bayan, kahit hindi naman ako gradweyt ng UP. Una, dahil hindi lang naman estudyante ng UP ang Iskolar ng Bayan, gayundin, hindi rin lahat ng estudyante ng UP ay Iskolar ng Bayan. Pangalawa, sa grabeng komersyalisasyon na nangyari na sa UP, hindi na marangal ang ginagawa ng administrasyon doon.
Ang pagiging tunay na Iskolar ng Bayan ay may dalawang aspeto. Una, siya ay pinag-aaral ng sambayanan mula sa buwis na kinokolekta sa kanila at inilalaan para sa UP.
Pero malaking pinaguho ito ng namamayaning patakaran ng gubyerno para sa buong sektor ng edukasyon, at patakaran ng komersyalisasyon sa mga ari-arian ng UP, sa partikular, bilang bahagi ng neo-liberal na globalisasyon. Unti-unti, ngunit malaki na, ang inuk-ok ng patakarang ito sa edukasyon sa buong bansa. Malaki na, at patuloy, ang ibinaba ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Sa UP, hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako sa katotohanan na P900 na ang isang yunit. Kung noong P300 pa na inabot ko, umaaray na ang maraming estudyante, ngayon pa kaya. Dalawa lamang ang magiging kalutasan sa problemang ito, ang ibaba ulit ito, o pagbawalang pumasok sa UP ang mahihirap.
Sa unang tingin, mukhang magandang pakinggan, ang UP bilang nakakatayo na sa sarili at hindi na nangangailangan ng subsidiya mula sa gubyerno. Hindi na babalikatin ng mamamayang Pilipino ang edukasyon ng mga Iskolar ng Bayan. Pero mangyayari naman ito sa kapahamakan ng kalidad ng edukasyong matatanggap ng mga estudyante. Ang kumersyalisasyon ng edukasyon ay may matinding epekto sa mismong kalidad edukasyon. Sa paghahangad nilang tanggalin sa balikat ng gubyerno ang edukasyon, inilalagay naman nila ito sa bunganga ng mga buwayang kapitalista na walang pakialam kundi ang ikalalaki ng tubong makakamal nila at ikalalakas pa ng kanilang kapangyarihang pang-ekonomya. Halimbawa na lang ang nangyari sa pagpihit ng UP Econ pabor sa Neo-Liberalisasyon bilang kapalit ng mga pamumuhunan ng malalaking kumpanya para dito. Maging sa PUP, pinalitan pa ang kurikulum ng isang kurso para tumugma sa mga pangangailangan ng mga dambuhalang kumpanya.
Dahil sa pagpapabaya ng gubyerno sa edukasyon, isang litaw na pakana ng UP ngayon ang pagpapaupa ng mga “ari-arian” nito. Natatandaan ko noong nasa UP pa ako, isa ito sa mahigpit naming tinututulan. Hindi ko na inabot ang pagbago ng admin sa charter ng UP, na nagbigay-daan sa maitim na pakana para pahintulutan ang mga pribadong kumpanya na maglagay ng negosyo sa UP, “sa ngalan ng edukasyon.” Samakatwid, ang Techno Hub na matatagpuan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, bago dumating sa Philcoa, na katatagpuan ng ilang kumpanya ng outsourcing.

Akala ko noon, napakaitim na ng pakanang ito ng pagbebenta sa UP. Ang pakana palang ito ay may katuwang pang kasing-itim na pakana para maganap ang bentahang ito. Kasuklam-suklam na nga ang ibenta ang mga ari-arian ng UP para sa pribadong negosyo, lalo pa kung ang ibebenta ay hindi naman talaga ari-arian ng UP!
Batay sa balita, ang lupang kinatitirikan ng Techno Hub ngayon ay pinag-aawayan ng UP at ng mga Chin at Mallari. 1998, nagdesisyon ang RTC pabor kina Chin at Mallari. Iniangat ang kaso sa CA at gayundin ang naging desisyon nito. Noong una, kinatigan ng Unang Dibisyon ng SC ang desisyon. Naghain ng petisyon ang UP. At sa mahiwagang kumpas ng pera, biglang binaliktad ng SC ang desisyon nito, at ipinagkaloob sa UP ang lupa. Kakatwang banggitin na naganap ito nang halos kasabay ng pagpapalit ng charter ng UP. Ilang ulit nang naghain ng rekonsiderasyon ang kabilang kampo, ngunit lagi lamang itong isinasantabi ang kaso. Kaya napilitan sila ngayong ipa-annull na mismo ang huling desisyon ng SC, kung saan lumalabas ang ilang baho sa sistema ng hudikatura sa bansa.
Sa paglitis sa kaso, malinaw na hindi napatunayan ng UP na ito nga ang nagmamay-ari ng nasabing lupain. Hindi ito makapaglabas ng sinasabi nilang OCT o titulo na pinagmulan umano ng kanilang titulong hawak. Ang ilang kakatwang ditalye ng kaso ay: nagbatay lang ang huling desisyon ng SC sa makaisang-panig na interpretasyon ng UP mismo sa inilabas na ulat ng pagsarbey sa nasabing lupain, na inilinaw naman na ng isang memo ng naturang ahensyang nagsagawa ng sarbey; kopya na nga lang ang nailabas na titulo ng UP, kwestyunable pa ang petsa ng paglabas ng dokumento na pumapatak sa araw ng Linggo; at marami pang ibang hokus-pokus.
Pero ang pangalawang aspeto ng pagiging Iskolar ng Bayan ay hindi magigiba ng kahit na anong kasuklam-suklam na pakana at pagpapabaya ng gubyerno, iyon ay, ang pagiging Iskolar ng Bayan ay nangangaulugan ng pag-aaral mula at para sa masa. Dahil ang aspetong ito ay mapagpapasyahan lamang ng bawat estudyante mismo. At ito ang pangunahing magtatakda kung tunay ngang Iskolar ng Bayan ng isang estudyante ng UP at iba pang State U.
Ang nakakalungkot lang, marami nang kabataang Pilipino ang pinagkaitan na ng pagkakataon na patunayan ang pangalawang aspetong ito, dahil pinagbawalan na silang mag-aral sa UP.
Sa pagmumuni-muni ko, para tuloy hindi ko na nakikilala ang UP ngayon. Pati ang himno ng UP pinalitan na rin nila sa esensya: “UP namin, MAHAL!”
...
ganun ba? mula iyan sa P900? hindi na talaga ako updated.
(MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)
Oo, tas di pa kasama ang
Oo, tas di pa kasama ang miscallaneous fee pati yung (sa pagkakaintindi ko) buwis ng estudyante.
kawawang mga iskolar ng bayan...
lumalabas talagang sa sistemang ito, pribileheyo na ang edukasyon at hindi na karapatan.
napadaan lang...
student fund pala tawag nila
student fund pala tawag nila dun. student fund, isang libo tas may bayad na ang PE
...
grabe, anong buwis iyon? hindi ko na alam ang mga ito. grabe na talaga ang ginawa nila sa UP.
(MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)
.
yung anak ko ang huling batch nakaabot ng 5,000+ per sem. yung sumunod sa kanyang batch biglang tumalon sa 30,000 and kada sem. mapapamura ka talaga sa itinaas. ang kwestyon ng YANO sa kanta nilang state U "bakit walang nagrarally?"
katwiran ng isang propesor ng UP: e kasi naman kailangan na talagang magtaas kakarampot lang ang sweldo namin unti-unti nang nag-aalisan ang mga propesor para magtrabaho sa private company o mag-abroad.
walang masyadong umangal na estudyante kasi oks lang naman nakakotse karamihan sa kanila e.
!
dating Isko ako, at ilang taon lang matapos kong gumradweyt e tumaas na nga talaga ang tuition fee.
sa totoo lang, okay lang naman sakin na tumaas sa 1000 per unit ang tuition fee. kasi marami naman na talagang estudyanteng may kaya ng ganoon. at sa pangit ba naman ng facilities ng UP, dapat gumawa na talaga siya ng paraan para iangat ang sarili niya.
kung hihintayin natin ang gubyerno na magtaas ng bajet sa edukasyon, mapag-iiwanan lang ang mga estudyante. Basura ang gubyerno, at kung ayaw nila tayong tulungan shiyet sila.
sana lang, ayusin nila ang STFAP bracketing, para maimprove yung exemptions para sa mga estudyanteng walang pera.
wag kang pipikit...
.
STFAP? bwisit sila nag apply ako ng STFAP tapos na isang semestre di pa naaprubahan, ang siste nangutang muna ako pang tuition ng anak ko hoping na mababayaran iyon at reimbursible pag approve ng STFAP sa awa ng diyos naka isang taon na wala pa rin ni 'ha' ni 'ho' kung naaprubahan ba nila. nung sinuwerteng lumabas ang resulta bracket 9. red tape talaga.
kahit yung discount nga isang semestre bago ma grant e.
sa UP rural High School naman ang nagtpapatakbo na lang nito e mga pondo na donation ng mga alumni, sabi nung isang titser dun wala na daw talaga binibigay sa suporta ang gobyerno. Buti pa nung panahon ni Raul Roco todo suporta sya sa pondo ng edukasyon.
kawawa naman tayong
kawawa naman tayong lahat...
pakingshiyet talaga ang mga politiko. mga drowing. nitong nakaraan Pebrero, nagfile ako ng income tax sa BIR, sobrang proud ko pa dahil naging mabuti akong citizen.
nakakainis ang pakiramdam na ang perang pinagtrabahuhan mo sa bulsa lang ng mga ganid na trapo napupunta.
i am usually apathetic, sa buong pagstay ko sa UP, one time lang ako sumama sa rally.
pero kakalungkot talaga. haaay, maagnas sana mga nguso nilang lahat.
wag kang pipikit...
ang plano ata nila ay maging
ang plano ata nila ay maging private in a few years e, kaya gumagawa na sila ng mga hakbang patungo dun
...
marami kung marami ang kaya pa ang P1,000. pero di hamak na mas marami ang hindi kaya ang ganito kataas na tuition. kung sa UP molang titingnan, natural,halos lahat ng makikita mo doon, kaya ang isanglibo. pero lumabas ka lang sa gilid ng UP, marami ka nang makakasalubong na hindi kakayanin ang ganoon kataas. maling sabihin na hindi dapat asahan ang gubyerno, kasi obligasyon nila iyan. kung hindi nila gagawin, dapat pinapanagot sila sa kapabayaan. totoong dapat itaas ang sweldo ng mga guro, pero hindi dapat kunin ito sa bulsa ng mga kawawang Iskolar ng Bayan. aanhin mo ang magagaling na guro kung hindi na mabibigyan ng pagkakataong makapag-aral ang malaking mayorya ng populasyon. kaya nga natin gustong manatili dito ang mga guro, para turuan ang mga kabataan, bakit naman natin itataboy palayo ang mga gusto nating turuan.
STFAP? dati nang gimik iyan. ang tagal nang napatunayang depektibo ang sistemang ito.
hindi rin pala totoong walang tumutol dito. kahit ang pagtaas na ito, grabe ang ginawa ng BOR. tinaon nilang wala ang SR at FR, nagtago sila at biglang ipinasa ang pagtataas. sinikap hanapin ng ilang estudyante kasama at ang USC, pero nahuli na sila. ito iyong nangyaring insidente noon sa Law na nagkainitan pa ang USC at Law SC.
(MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)
hindi rin ako naka graduate
hindi rin ako naka graduate sa UP pero masasabi kong Iskolar pa rin ako ng Bayan, at kung nagkataon na inabutan ko ang mga pagbabagong ito malamang hindi na rin ako nakapasok sa UP.
ganto pala, 1.5k yung
ganto pala, 1.5k yung tuition, pero nagpasa ka nung declaration na less than 1 million yung income niyo per year, 1000. so discounted price kumbaga yung 1000
bracket A yung 1.5k tapos B
bracket A yung 1.5k tapos B naman yung 1k. pero applicable lang yung ganung bracketing system sa upd, upm ska uplb. sa ibang campus, 1k yung bracket A tapos 600 naman yung bracket B.
onga muntik na kong
onga muntik na kong mapa-bracket a naiwala nila yung declaration ko. san yung 1k yung bracket a?
hala kung nagkataon pala e
hala kung nagkataon pala e sobrang mahal ang babayaran mong tuition.
yung 1k bracket B sa diliman, manila ska los baños campus. pero bracket A na yung 1k dun sa iba.
I am an OFW dependent at
I am an OFW dependent at wala po kaming ITR. If you declared Bracket B (With Certification) during registration , what other requirements pa ang hihingin ng OUR after registration? Will the Bracket B Certification be enough and final?
Tsk tsk.
Una sa lahat, ay gustung-gusto ko yung sinabi mo sa una sa lahat mo sa taas.
Baliktanaw lang.
December 15, 2006 nang aprubahan ng BOR ang TOFI sa UP, at sa hindi makatarungang paraan. Matatandaan na sa itinakdang meeting na ito ng BOR ay parang mga duwag na tuta ang administrasyon nang mapilit nilang literal na tumakas mula sa mga estudyante ng UP. Ang pagpupulong na dapat na idinaos sa Quezon Hall ay inilipat sa Malcolm Hall - nang walang pamamaalam sa mga estudyante na noo'y nakaabang na maghain ng mga saloobin.
Naulit ang ganitong scenario noong January 26, 2007 nang ang regular na BOR meeting na dapat sana'y sa UP Clark ginawa ay muli na namang inilipat papunta sa isang hotel sa Pampanga - sa dahilang nais daw nilang iwasan ang maaaring maging bayolenteng pagkilos na dulot ng pagtutol ng mga estudyante. At dahil nga dito, hindi nakadalo ang mga estudyante upang mapakinggan at makinig sa meeting. Kaya't walang ka-abog-abog ay TADA! From PhP300 ay naging PhP1000 na per unit ang bayad.
Kung tutuusin, ang pagtaas ng matrikula sa UP ay hindi lang naganap noong taong 2007. Noong 2005 ay tumaas na rin (bagamat hindi 300%) ang tuition ng mga estudyante. At kami naman ay siningil ng mas mataas na MF mula PhP615 na naging PhP1015.
Mariing tinutulan ito ng mga mag-aaral at maging ng ilang mga guro sa UP.
Matatandaan na si Prof. Simbulan, na faculty regent, ay nagpamalas ng hindi pag-sang-ayon sa malaking pagtaas ng matrikula.
Ayon sa kanya, dahil dito, nawawalan na ng saysay ang pagiging public school at state university ng UP. At ang mga nakakapasok na estudyante na mahihirap ay patuloy na kumakaunti habang dumarami ang mga kotse sa campus. Kaya tuloy ang mga tunay na matatapang at matatalino ay halos wala nang pagkakataon na palawigin ang kanilang kaalaman at karanasan na maging Iskolar ng Bayan. At ang biglaang pagtaas ng halaga ng edukasyon ng tatlong beses, ay hindi makatarungan. Lalo na't ang UP. AyalaLand ay itinayo upang makatulong sa pagtustos sa gastusin ng paaralan.
Ayon sa CHED, sa pagkakataong ang isang unibersidad ay magtaas ng matrikula, ang pagkakahati ay ganito: 70% para sa pagtaas ng sweldo ng mga guro, 20% para sa ibang gastusin at 10% para sa ROI o return of investment. Kung ganito nga ang naging paghahati ng matrikula sa UP, hindi natin alam.
Malamang din na ang TOFI na ito ay maging simula ng mas marami pang pagtaas ng halaga para sa edukasyon sa mga susunod na taon.
At kung ganoon, mawawalan na nga ng saysay ang UP bilang isang state-subsidized university.
http://forcedengineer.wordpress.com









P1000 na ngayon per unit,
P1000 na ngayon per unit, bad trip