UP Press Launches Fifteen New Titles

noid's picture
11/25/2011 - 5:00pm
11/25/2011 - 8:00pm
Etc/GMT+8

Reposted from Panikan.com.ph:

The University of the Philippines Press will be launching fifteen titles on November 25, 5 p.m., at the Balay Kalinaw, UP Diliman. The books represent the best of the best: writings from scholars here and abroad and literary work from the country’s up-and-coming writers. The public is cordially invited and buyers will enjoy 20 percent discounts at the Paglulungsad 2011: Ikalawang Yugto.

The new UP Press books are:

  1. A Movement Divided: Philippine Communism, 1957-1986 by Ken Fuller
  2. Almanak ng Isang Aktibista by Rolando B. Tolentino
  3. Babae, Obrera, Unyonista: Ang Kababaihan sa Kilusang Paggawa sa Maynila (1901-1941) by Judy M. Taguiwalo
  4. Balagen:  Edukasyong Pangkapayapaan at Panitikang Pambata by Rosario Torres-Yu
  5. Basics of Occupational Health and Safety: A Guidebook For Practitioners and Industries by Jinky Leilanie Del Prado-Lu
  6. Bugtong ng Buwan at Iba Pang Kuwento by Will P. Ortiz
  7. Dead Stars: American and Philippine Literary Perspectives on the American Colonization of the Philippines by Jennifer M. McMahon
  8. From Wilderness to Nation: Interrogating Bayan by Damon L. Woods, editor
  9. Gramatikang Filipino: Balangkasan by Resty Mendoza and Ricardo Ma. Duran Nolasco
  10. Lagalag ng Paglaya by Rommel Rodriguez
  11. Miss Dulce Extranjera: O ang Paghahanap kay Miss B by Sir Anril Pineda Tiatco
  12. Sawikaan 2010: Mga Salita ng Taon by Robero Anonuevo and Romulo P. Baquiran Jr., editors
  13. The Rhetorics of Sin by Mary Jannette L. Pinzon
  14. Things Fall Away: Philippine Historical Experience and the Makings of Globalization by Neferti X. M. Tadiar
  15. Welgang Bayan: Empowering Labor Unions against Poverty and Repression by Rosario Torres-Yu

More information about the books follow:

In A Movement Divided, Ken Fuller continues the story until the fall of Ferdinand Marcos in 1986. Fuller traces the PKP’s painstaking attempts to rebuild, its conclusion of a political settlement with Marcos in 1974, and the development of the increasingly anti-imperialist stance which informed its approach to Marcos. The three congresses held by the PKP during this period are considered in detail, as are the two splits which occurred—that leading to the formation of the Communist Party of the Philippines (CPP) in 1968, and the “Marxist-Leninist Group” split in 1972.

Ang Almanak ng Isang Aktibista ay babasahin sa politika ng pang-araw-araw: pagbubukas ng klase, paglalakad sa kalsada na nahahanayan ng akasya, pagtatrabaho sa opisina, pagsama sa rali, pagdalaw sa mga kamag-anak sa probinsya, tag-ulan at bagyo, Todos los Santos at Pasko. Ito ay pagninilay sa posibilidad ng kondisyon ng kontemporaryong buhay: ang swabe at hayagang paniniil at panunupil ng negosyo, institusyon, at estado sa isang banda, at ang pagmamahal sa buhay at imperatibo ng pakikibaka sa kabilang banda.

Binibigyang-linaw ng Babae, Obrera, Unyonista: Ang Kababaihan sa Kilusang Paggawa sa Maynila (1901–1941) ang mahalagang papel ng kababaihan noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas sa pagsusulong sa mga kahilingan ng manggagawa para sa mas mataas na sahod, karapatang mag-unyon, dagdag na benepisyo, at ang paghapag ng mga partikular na isyu ng kababaihang manggagawa tulad ng hiwalay na palikuran, maternity leave, pasilidad para sa day care, at paglaban sa seksuwal na pang-aabuso. Sa proseso ng partisipasyong ito, lumitaw ang mga lider na kababaihan tulad nina Pilar Lazaro at Narcisa Paguibitan na nagtaguyod  ng mga kahilingan ng mga manggagawa at ng makabayang kilusan para sa kalayaan sa naturang panahon. 

Galing ang salitang balagen sa balagen ha lintukan.  Ito ang tawag ng katutubong Bukidnon sa “uway na makapangyarihan” na napagtitipon-tipon ang magkakaaway upang matukoy ang sanhi ng alitan at mapagkasunduan ang kapayapaan at pagkakaisa. Mag-ala-balagen sana ang Balagen sa pamamagitan ng paglaganap ng kamalayang nagpapahalaga sa kapayapaan sa hanay ng mga bata. Maging batis sana ang mga katutubong panitikan, ang mga orihinal na kuwentong pambatang isinulat ng mga manunulat na Filipino, at ang panitikang kinatha mismo ng mga bata, sa pag-unawa sa minimithing kultura ng kapayapaan para sa bansa. 

Basics of Occupational Health and Safety outlines the basic elements of implementing occupational safety and health programs in various types of industries—manufacturing, service, agriculture, mining, construction, small enterprises, among others. The solutions offered to address hazard and safety issues are exhaustive, technical, and practical, as well as cost-effective for management, and beneficial for workers

Sasagutin ng isang dosenang kuwentong nasa Bugtong ng Buwan ang mga tanong ukol sa mga batang iniwan sa kagubatan at ang mga makapangyarihang nilalang na nagmamasid sa kanila sa gitna ng dilim.

Dead Stars:  American and Philippine Literary Perspectives on the American Colonization of the Philippines examines the American colonization of the Philippines from three distinct but related literary perspectives.  The first is the reaction of  anti-imperialist American writers Mark Twain, W. E. B. Du Bois, and William James to America’s first foray into the role of colonizer and how their varied essays, letters, and speeches provide an incisive delineation of fundamental conflicts in American identity at the turn of the twentieth century.  The book then analyzes how these same conflicts surface in the colonial regime’s use of American literature as a tool to inculcate American values in the colonial educational system.  Finally, Dead Stars considers the way three early and important Filipino writers—Paz Marquez Benitez, Maximo Kalaw, and Juan C. Laya—interpret and represent these same tensions in their fiction.

From Wilderness to Nation’s essays seek to explore various aspects of bayan and what it/she represents.  This collection contains eight essays, four in English and four in Filipino; four are written by authors residing in the Philippines and four in the United States.

Ang Gramatikang Filipino ay isang “sariwang” pagsusuri ng balarila ng Filipino para mapayaman pa ang karanasan sa pag-aaral ng wika mula sa mga iskolar na sina Cena at Nolasco, mga guro sa UP Diliman.

Nasa Lagalag ng Paglaya ang kuwento ng isang environmentalist na may bulok na ngipin, aliping sinagip ng dunong sa tiyak na panganib, mga mandirigmang mailap, at batang manggagamot na nilason ng digmaan ang puso’t isip.  May sumasayaw na anino ng mga poon, paglisan ng pag-ibig sa syudad, at paghanap sa kadugong nawalay sa kabundukan. May kuwento tungkol sa bawal at huwad na disiplina ng estado, pagbuo sa naputol na ugnayan, paglaro sa kulay ng imahinasyon, at pananatili sa kawalang-katiyakan. May salaysay para magsilbing bago ang kakaiba, lumikha ng tiwalag na tala, at humubog ng mamamatay-tao sa anyo ng mistulang pinuno ng isang bansa.

Ang Miss Dulce Extranjera ay isang dula base sa maraming dokumentong historikal. Ang mga pangunahing tauhan ay dalawang mandudula. Maaari silang usisain bilang "biktima" ng awtoridad at manipulasyon [halimbawa ay manipulasyong ideolohikal (ideological manipulation) at hegemony ng kasaysayan (historical hegemony)]. Kagaya ng patuloy na debate hinggil sa "text versus performance" ng diskurso sa teatro, ang dalawang mandudula ay isinakatawang-tao itong debate hinggil sa kung alin ang awtoridad sa teatro: teksto o pagtatanghal sa pamamagitan ng kanilang komprontasyon sa arkayb at ang komprontasyon ng mapaglarong dokumentong historikal. Gayumpaman, hindi ito isang bersiyon ng kasaysayan. Ang adhikain ng dula ay maipakita kung papaanong ang kasaysayan ay maaaring basahin bilang nagtatanghal na naratibo o nagtatanghal na paninindigan (ideology).

The Rhetorics of Sin focuses on Jaime Cardinal Sin, the Archbishop of Manila, who figured prominently in the political life of the Philippines. His position as a Roman Catholic cardinal from 1976 to 2005 enabled him to influence Philippine social and political affairs. This book analyzes selected rhetorical discourses of Sin within the period 1972 to 1992. It describes the identifiable forces in configured interplay and the exigential flows of antecedents-events-consequences. Cardinal Sin’s rhetoric was created and shaped by these forces leading to a rhetorical role and persona he played within the historical configuration period.

Ang Sawikaan: Mga Salita ng Taon ay isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan ng nakalipas na taon. Itinataguyod ito ng Filipinas Institute of Translation (FIT), isang samahang non-stock, non-profit na itinatag noong Setyembre 3, 1997, ng ilang manunulat at tagasalin na naniniwalang kailangan na itampok ang pagsasalin bilang mahalagang bahagi ng kultura at gawaing pang-akademya.

In Things Fall Away: Philippine Historical Experience and the Makings of Globalization, Neferti X. M. Tadiar offers a new paradigm for understanding politics and globalization. Her analysis illuminates both the power of Filipino subaltern experience to shape social and economic realities and the critical role of the nation’s writers and poets in that process.

Welgang Bayan follows the trade union movement from 1972 to 1984 as it braves the martial law years; celebrates May 1 milestones; metamorphoses into the BMP, TUCP, and KMU, among others; and struggles for both workers’ rights and rewards—from the tiny shops along Avenida Rizal to the export processing zones, from the batilyos’ indignation Mass in Navotas to the legendary strike at La Tondeña—and along the way, leaves lessons for all employees, employers, labor leaders, and legislators today.

Visit www.uppress.com.ph to order online.

Source