UUnahin ko kayo (susan fernandez)
Uunahin kita, Inay
Sa malubha mong karamdaman
At kakalungin sa bisig ko ang mahinang katawan
Magdamag kitang babantayan
Sa luksa’t lumbay ng kadiliman
At ipapanalagin kong makita mo ang kariktan
Uunahin kita, Anak
Upang ika’y makapag-aral
At sa bawat layunin mo’y karamay sa pagpapagal
Sa kandungan ng kapayapaan
Sa landas ng pagkakapantay-pantay
Ihahanda ko ang daigdig
Sa masagana mong buhay.
Mas mahalaga sa akin ang iyong kinabukasan
Ang mga mas pangunahin na mga pangangailangan
Ang pangarap nang marami samundo
Ay hindi ko hahayaang mabigo.
Uunahin kita, Mahal
Sa munti nating tahanan
Dito sa lupang binubungkal
Lupang ating kinagisnan
At palagi kong pagsisikapan
Matagal na nating adhikain
Isang malayang sambayanan
Sa malayang lupain.
-- una ko siyang narinig na inawit ni bayang barrios sa Baguio Convention Center, simula noon, nahuli ko ang aking sarili na umibig sa kanya. Ito ang himig na lagi naming kinakanta ng aking mga kaibigan sa Science Annex sa UP Baguio hanggang sa mga kabundukan ng Kibungan. ang sarap alalahanin ang mga araw na mayroong nakaka-intindi ng mga awiting ganito.
ngayon sa ginagalawang mundo ko, muli k siyang narinig sa boses ni susan fernandez, laking gulat ko na mas maganda ang bersyon niya kaysa kay bayang (patawad). Natutuwa akong muli ko syang kapiling ngayon, kahit ako na lang ang umaawit......


