Valen-Tayms Wan, Tayms Tu, Tayms Tri
Malapit na naman ang Valentine’s Day. Ito ang araw kung saan tadtad ng fhuzoh ang dekorasyon sa mga tindahan, computer shops, grocery stores, malls, maging class rooms, opisina, at lalo’t higit ang mga flower shops na mabenta sa mga bulaklak nilang pang-alabyu, pang-sori, pambuhay, at pampatay!
Ito ang panahon para sa mga mag-labidabs, mag-syu(ta), mag-chuvachuchu, mag-jowa, mag-boyfriend, mag-asawa, magkasintahan, magsing-irog, magkatipan, at mag-kung ano pang gusto niyong itawag sa species ng mga ito. At kahit ayaw mong maki-selebreyt sa kanya-kanyang trip ng mga tao sa ikalabing-apat na araw ng Pebrero, wala ka pa ring kawala kahit inlababo ka o hindi. Kukuyugin ka ng sandamakmak na text messages, emails at friendster comments na iisa lang naman ang sinasabi…Heypi Balentayms Dey! Wala kang ring magagawa kung kahit single ka at walang ka-chuvachuchu eh may biglang bumati sa ‘yo ng, Wish you all the best for you and your lover! At kung sakaling maiwasan mo man ang mga mensahe nila, hindi mo naman maiiwasan ang nagkalat na lab kopols sa daraanan mo na magka-holding hands, magka-akbay, magkayakap, at kung mamalasin ka ng konti, makaka-witness ka pa ng kissing scene in public place. Walanjow!
Kanya-kanyang trip lang talaga sa araw na iyon. Walang pakialaman.
Tayms Wan.
Drama ng mga nag-iisa sa panahong halos lahat ay may kapareha. Ito ang drama ng mga katulad kong NBSB at ng mga iniwan, nang-iwan, at nagpa-iwan. Noong college ako, ganito ang trip ko. Palibahasa halos lahat ng katropa ko ay may boypren at gelpren, solowista ako sa araw na iyon. Pero di tulad ng ibang affected at malungkot sa pagiging alone, ako masaya. Iyon nga ang araw na pinakahihintay ko. Kasi, may ka-deyt naman ako eh. Ang sarili ko. Yep! Ka-deyt ko ang sarili ko. Nag-iipon talaga ako para makapanood ako ng sine, o makapunta ako sa isang lugar na tanging me, myself and I ang kasama ko. Masaya naman ako sa ganon. At akalain n’yo ba, may kaibigan pala akong katulad ko rin na dine-date ang sarili niya sa araw ng mga puso! Kaya, nauwi kami sa Tayms Tu.
Tayms Tu.
Ang pinakapatok sa takilya sa lahat ng drama sa Valentine’s day. Kanya-kanyang paek-ek ang mga mag-labidabs. Sa pinasukan kong university, School Fair kapag February 14. Kaya naman nagkalat ang sandamakmak na partners-partners sa open field kung saan nagkalat din ang booths. At ang mabenta, Wedding Booth. Nasa third year na ako nang maging isa ako sa student OIC ng fair. Kaya wala akong pakialam at malakas ang loob kong gumala sa field dahil walang huhuli sa akin kung makatapak man ako ng patibong ng Wedding Booth at Prison’s Corner. Naging iba ang Valentine’s day na iyon dahil iyong nakilala kong idine-date din ang sarili niya ay nagyayang isabay ako sa date nila ng sarili niya. Double date???!!! Nyahaha. Ganoon nga ang nangyari. Sabay kaming nag-lunch, sabay naming idineyt ang aming mga sarili. At pagkatapos noon, hindi ko alam kung anong espiritu ang sumanib sa kanya, at bigla na lang niyang sinadyang tapakan ang nagkalat na heart sa field. Nahuli siya para ikasal sa wedding booth. Okay lang sana iyon, kaso ako ang nahilang bride! Nagmistulang gag show ang kasalan na iyon! Pero aminado ako na hanggang ngayon, itinatago ko pa rin iyong pinatuyong petals ng bouquet na props ng kasal. Memorabol kasi. Hindi pa doon natapos. Napagtripan naming magpakulong sa Prison’s Corner. Dalawang oras ata kami doon. Wala man lang kasing nagmagandang-loob sa mga kaibigan namin na piyansahan kami. Kung hindi pa kami nadaanan ng mabait naming prof eh baka doon na rin kami naghapunan.
Tayms Tri.
Eto naman ang union ng mga walang ka-date sa araw na iyon. Madalas nagsasama-sama ang magkakatropa. Barkada date. Matapos kong i-deyt ang sarili ko at makipag-dobol deyt sa kaibigan ko, barkada ko naman ang kasama ko. May mga friendships pa rin naman ako na wala ring date kaya nagsasama na lang kami. Mas magulo, mas masaya, mas makulit. Noong college ako, nagba-badminton kami, minsan piko, minsan patintero. Minsan naman, tatambay sa Time Zone o Quantum para maglaro o kaya naman ay mag-videoke kahit na pare-pareho kaming walang talent sa pagkanta. Kakaibang trip sa panahon ng mga inlababo.
Pero kahit ano pa ang trip ng tao sa araw na ito, isang lang ang importante. Ang araw na ito ay simbolo ng iba’t ibang mukha ng pagmamahal. Pagmamahal mo sa iyong sarili, pagmamahal sa taong pinili ng puso mong mahalin, at pagmamahal sa mga importanteng tao sa buhay mo.
At sa darating na Balentayms dey, wala pa rin akong ka-deyt kundi ang sarili ko.(wala kasing nagyayaya at wala rin naman akong boyfriend) Medyo iba na nga lang ngayon dahil may trabaho ako sa araw na iyon. Makikipag-bonding na lang muna ako sa computer ko sa opisina at sa gabundok na files ng kliyenteng magre-renew ng kanilang loan sa aming branch.
Tayms Wan. Tayms Tu. Tayms Tri. Kung saan man mapunta roon, ayos lang. Sa araw na iyon, kahit ano pang trip ang gawin ng mga tao, ang mahalaga, masaya ang lahat.
yow!
ngayon ko lang nabasa ang mga comments. napaka-in demand ko kasi sa mga kaibigan ko kaya naistorbo na naman ako kagabi sa paglalagi ko sa site... hehehe...
buti naman mareng ruthie, naaliw ka... after few months, ngayon lang hinangin ulit ang utak ko eh... hehehe...
malapit na akong mag-FLYLALOO sa pinagtatrabahuhan ko kaya marami din akong deadlines na nakaka-dead talaga...
salamat ate ruthie este, mare pala!
ingatski,
melay
oo nga
nakakaaliw basahin.
sige, hapi balentayms din sayo melay =)
hapi balentayms din!
anne, hapi fhuzoh din... musta? salamat sa pagbabasa...
ingatski,
melay
Ito talaga ang gawang Melay...
paliliguan kita ng pagmamahal--------------->
Ito talaga ang gawang melay, nakakakilig at bumabalik ang teen-age days ko.ahihihi. Sana marami ka pang oras para makagawa ng mga ganito.
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
yown si kuya bumabanat!
gusto ko kuya pagmamahal mula sa anak mo! hehehe... kras ko talaga anak mo, ang kyut na bata! paliliguan mo ako ng pagmahahahal ng isang ama! Nyahaha... Ama, ikaw ba iyan?? hehehe...
naku kuya, doncha wori. dahil mawawalan na ako ng trabaho (ay! ang saklap!) at wala pa akong nakikitang kapalit na trabaho, magkaka-oras na akong isulat ang hangin ng utak ko na ilang buwan na ring naka-preserve... hehehe...
maraming salamat kuya!
Ingatski,
melay
hahahaha..SAYA!
para nasa tayms tri ata ako..hahahaha..
in a way ok parin kahit walang kadate this 14!! hahahaha *sour grapping mode*
hahahaha





wahahahah!
ang galing! nakaka-aliw. hehehe, haay, huli man daw at magaling, naihahabol din...mantakin mo, ngayon ko lang to nabasa, haay, magtratrabaho ako ngayong nakangiti (kasi may pagpupuyatan akong papel, huhuh deadline bukas) ayos na ayos Melay!
salamat sa pagbabahagi, mare!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*