VIDEO - Kislap Alitaptap gabi ng tula at tulong

Rom's picture


 

direct link: http://www.youtube.com/watch?v=usg4CdCHQ2E

 

 


spike_west's picture

Kislap pwede na!

Pare ang galing mo na ah, wala ng gaanong niryebos! Isa ka talagang makata!

 

Congrats sa iyong makabagbag damdamin pagtula! GALINGGGGGG!!

Ingat sana magkasama tayo sa isang pagtula rin! Balagtasan kaya tayo parekoy?heheh

Ingat

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

 yan si K. hehehe " hindi

 yan si K.

hehehe

" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang  mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"

paul h roquia's picture

...

... kapag nawala ako sa buhay mo, sisiguraduhin kong hindi ka makapag-MOVE ON! Ever!

 

ang galing nga ni kislap, laid back pero may anghang... hanggang ngayon parang umeecho pa yong message ng tula niya...

Amos Tarana's picture

aha

mukhang naluma rito si ginoong b.lumbera ha 

- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/ 

kislapalitaptap's picture

...

...

sa mga dumaan.

sumusubok lang magparamdam

at makiramdam.

 

 

at ang teksto ng tula......

Awit Sa Pag-ahon
Ni Kislap Alitaptap
06 Oktubre 2009

Umaga, maghapon, magdamag,
Nang walang patid na paglagapak
Ng mga patak sa bubungang pilak.

Umaga, maghapon, magdamag,
Nang walang patid na pagpagaspas
Ng mga pakpak ng hanging hamak.

Umaga, maghapon, magdamag,
Nang walang humpay na pagpalakpak
Ng mga dahon sa silong ng ulap.

Umaga, maghapon, magdamag,
Ang ilog ay humahalakhak;
Halakhak ng masigwang dagat.

Umaga, maghapon, magdamag,
Mabilisang naging patag
Ang dibdib ng Bayang lubak.

Putik, basura, baha, tahanang nawasak,
Kabuhayang nilamutak ng burak.
Mga buhay na nilamon ng lusak,

Mga lumulutang na pangarap,
Saan itatanim ang hinaharap?
Magpakatatag ka, Bayan ng Perlas.

Umahon ka sa kinasasadlakang lumbay,
Umahon ka sa kinalulubugan mong lamay.
Sa umaga’y muli mong itanim ang binhi ng buhay,

Sa maghapo’y muli mong itindig ang tahanan ng araw,
At sa magdamag ay muli mong tanganan,
Ang ngiting taglay ng bukang liwayway. #

*unang binigyang buhay sa AHON: Pagtatanghal ng awit at Tula Para sa mga nasalanta ng Bagyo.
Conspiracy BAr, Oktubre 6, 2009