Viet poachers caught on palawan sea...
ngayong araw, mayroon nanamang nahuling mga vietnamese national na lumapastangan ng aming karagatan..
hindi ko maipigilang maaawa sa kanilang hitsura pagdating sa aming tanggapan at hindi ko din mapigilang maawa sa aking ilong dahil sa kanilang kasang-sangan.
at tulad ng dati, tinupok kami ng mga elemnto ng media na kumuha ng bawat anggulo ng mga bihag na viet.. at ng militar na naghanda ng kanilang pagkain.
ang inquest officer namin ay isa sa mga batang piskal. bagito at takot sa kamera..
kumpara sa mga lokal na pulitiko na nais makita ang mga nagsasalitang ulo sa telebisyon, ang aming piskal ay nangangatog na makita kahit hibla lang ng kanyang buhok.. ayaw niyang magpa-interbyu kung hindi lang sa pagsisikil ng aming pinaka boss.
nakakatawa ang mga sumunod na eksena...di ko na ilalahad, personal na..
ngunit nang na-ihanda na ang resolusyon at ang habla, nanlumo ako sa aking nakita.. sa mga pahina ng mga ebidensiya, naroon ang larawan ng mga isda at ang isangdaan at isang pawikan na kanilang hinuli....
nakakaawa.. nakakahabag isipin na kami ngang mga taga-Palawan, tinitiis na wag silang hulihin kahit malaki ang halaga nila... dahil mas mahalaga sila sa pagpapanatili ng balanse ng aming kalikasan. heto itong mga dayuhan na ito walang pakundangang gumambala sa tahimik namin karagatan..
hindi ko alam kung kailan sila titigil... mayroon naman silang sariling kalikasan
kung hindi nila kaya itong irespeto, wag nilang idamay ang sarili nating pampang....
kung hindi hayaan nang ang inang kalikasan ang gumanti sa kanilang paglabag sa kanyang kabuuan...
sa isang punto tama ka
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
"ang lahat ng bagay ay magkaugnay"-Joey Ayala
sang-ayon ako sa'yo na ang kalikasan ay iisa, magkakarugtong ang dagat at himpapawid. sa ganang akin lang ang pambabastos nila ng ating kalikasan na nasa teritoryo ng ating bansa at pinagkakaingatan natin ay gaya din ng pambabastos nila sa ating bansa. kung sa bansa nila wala silang respeto sa kanilang sarili, wag na silang mandamay pa.
"hindi ko alam kung kailan sila titigil... mayroon naman silang sariling kalikasan
kung hindi nila kaya itong irespeto, wag nilang idamay ang sarili nating pampang.... "
mas mainam nga na sana hanggang sa kanilang bansa, inaalagaan nila ang kalikasan, ngunit kung dahil sa pag-aalaga ng kanilang kalikasan ay sanhi ng di nila pagkabuhay, ay wag naman silang dumayo pa ng ibang teritoryo upang lamang mabuhay isasakripisyo na lang ang likas yaman ng iba.
" ang isangdaan at isang pawikan ay tinapon nilang walang buhay" dahil alam nilang sila'y huhulihin na. ang isangdaan at isang pawikan sana'y malaya pang makakapangitlog sa buhanginan ng linapacan.. sayang...
at ito ay higit pa sa usapang pangkalikasan...
salamat din sa pagpapaliwanag.. masarap naman maging grade one paminsan minsan.
feel free again to leave your mark..


talulot wrote: hindi ko alam
hindi ko alam kung kailan sila titigil... mayroon naman silang sariling kalikasan
kung hindi nila kaya itong irespeto, wag nilang idamay ang sarili nating pampang....
Eh ang pagkakaalam ko ay iisa lang ang kalikasan magkakarugtong ang dagat natin at himpapawid sabi nga ni Al Gore at hindi ito direktang quote ha kasi nakalimutan ko na kaya paraphrased na ito, sabi nya what happens in the rainforests of asia affects the cities of the world... so kung aawatin mo na rin lang mambastos ng kalikasan awatin mo na kahit sa bayan nila sa kasi damay damay na din yan.
Para akong akong grade one nito ayoko ng mag-explain uuwi na ako.