Vincent sa walang bituing langit

| |

Ang maghapon mo

ay isang CDng paulit-ulit na tumutugtog

habang ang liriko'y paulit-ulit ring tumatalon.

Sapagkat ikaw ri'y tumatalon-

sapagkat ayaw mong ilapat ang iyong mga paa

sa mga stereotypical mong landas.

At ni ayaw mo na ring marining

ang pambobola ng CD mong paulit-ulit,

katulad ng sinabi ng nanay mong

maganda ang iyong mga mata

(ngunit nakakubli naman sa 2-inch thick na salamin).

 

Nabibingi ka na

sa kanta mo Vincent, na parang ikaw si Vincent Van Gogh:

Isang nilalang na itinatakwil at itinatangi...

Hindi mo alam kung alin ka sa dalawa.

Minsa'y hiling mong marining man lamang si Lady Gaga. 

 

random scribble resulting to overflowing angst...

 

matagal na rin akong hindi nakasulat dito.

ang pressure sa totoong mundo'y pilit akong inilalayo sa aking musa =(

alibughang anak na ako ng literatura. 

 

sana makahabol pa ako.