Vincent sa walang bituing langit
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;}
Ang maghapon mo
ay isang CDng paulit-ulit na tumutugtog
habang ang liriko’y paulit-ulit ring tumatalon.
Sapagkat ikaw ri’y tumatalon-
sapagkat ayaw mong ilapat ang iyong mga paa
sa stereotypical mong landas.
At ni ayaw mo na ring marinig
ang pambobola ng CD mong paulit-ulit,
katulad ng paulit-ulit na pagsasabi ng nanay mo
na magaganda ang iyong mga mata
(ngunit nakakubli naman sa 2-inch thick na salamin).
Nabibingi ka na
sa kanta mo Vincent, na parang ikaw si Vincent van Gogh;
isang nilalang na itinakwil at itinangi-
subalit hindi mo pa alam kung alin ka sa dalawa.
Minsa’y hiling mong marinig man lamang si Lady Gaga.
mahigit isang taon na mula nang huli akong nagpost. nakakainis mang aminin, tinamaan ako ng writer's blackout o baka boredom o kawalan ng tiwala sa sarili, sa aking mga likha, sa musang tila nawawala. muli kong hinahanap ang aking sarili- isang maliit na manunulat- sa lugar na ito. sana meron pa. sana nandito pa.
Maraming salamat.
Maraming salamat. 
Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing
Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang likha!
-


meron pa... nandito pa!
Hindi naman marahil nawala ang isang espasyo para sa iyo dito sa FW... Dahil magpahanggang ngayon narito pa ang mga bakas na iyong iniwan (pangsamantala)... Pagpatuloy mo lang ang paghatbang patungo sa kung saan mo nais makarating...
"And now I think I know what you tried to say to me"
Magaganda ang iyong mga akda na akin nabasa!
"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"
-Lemmor-