WaaaaH! Multo!!!!
Nakakita ka na ba ng multo? Naransan mo na ba ang mangilabot sa takot, mangatog ang tuhod, at hindi makakilos at makapagsalita dahil sa nilalang na hindi mo mawari na biglang nahagip ng iyong mga mata? Paano kung habang binabasa mo ito ay kasalukuyan ding nakikibasa ang isang multo sa tabi mo?? Anong gagawin mo kung ang kausap mo pala ngayon ay isa palang multo? Takot ka ba???
Noong bata pa ako, uso iyong takutan. Para mapatahimik ang maingay sa klase, sasabihin ni Teacher, “Tumahimik kayo…ang maingay ay kukunin ng multo mamayang labasan!” O kaya naman sa bahay, ‘pag gusto na kaming papasukin sa loob at tumigil na sa paglalaro, sasabihin ni inay, “Hoy, pasok na kayo at may multo diyan, kukunin nila kayo at di na kayo ibabalik!”
At dahil sa likas na ata sa akin ang kalikutan ng isip, na-curious ako noon sa usaping multo. Nagpapaiwan pa nga ako sa classroom kahit hindi ako cleaners para lang magpakwento sa teacher tungkol sa mga multo daw na pakalat-kalat sa luma naming school. Nakipagkwentuhan na rin ako sa canteen owner at sa janitor. Pero hindi pa rin ako lubos makapaniwala noon. Naisip ko kasi, kwento lang iyon. Walang ebidensiya…kaya ko ring maggawa-gawaan ng kwento kung gugustuhin ko lang. Hanggang sa dumating ang araw na iyon…
Taong 1996… nasa grade four palang ako noon. Dahil sa public school ako nag-elementarya, obligado ang mga estudyante na maglinis muna ng classroom at CR bago ang simula ng klase. At dahil kasama ako sa top list ng Teacher (top 1 ako sa kaingayan at kalikutan), natoka akong maglinis ng banyong ginagamit ng nasa grade two, three, and four. Kasama ko ang kaibigan kong nasa top list din pagdating sa kalikutan…
Inabutan kami ng flag ceremony. Hindi na kami um-attend. Bagkus ay isinara na lang namin ang pinto ng comfort room na mayroon dalawang cubicle, for girls and for boys. Naging madilim tuloy ang CR. Tuloy lang kami ng kaibigan ko sa kwentuhan at paglilinis. Lumuhod pa ako para linisin ang sahig nang mahagip ng mata ko ang kakaibang bagay sa loob ng isang cubicle. Noong una duda ako sa nakita ko kaya, kinurap-kurap ko ang aking mga mata. Pero ang siste, lalong luminaw ang imahe ng pugot na kamay at paa sa loob ng cubicle! Natatarantang hinila ko ang manggas ng polo ng kasama ko. Nakita rin niya ang nakita ko. Nagkatinginan kami. Parehong hindi alam ang dapat gawin. Napaatras kami at napasandal sa entrance door ng CR. Ang sunod na nakita namin ay mga anino na waring nagmamartsa sa pintuan ng magkatabing cubicle. Doon na kami natakot. Mabilisang tumakbo kami palabas ng CR at ikinuwento ang lahat sa teacher namin. Sabi ni Teacher, “Wala lang iyon mga anak… Imagination n’yo lang iyon.” Gusto ko sanang paniwalaan pero bakit nagtipun-tipon ang teachers ng grade one, two, three, and four? Pagkatapos ay lumabas ang mga teachers na may dalang rosaryo at kandila at nagdasal sa loob ng CR…
Mula noon, natuwa na ako sa mga horror…Cool pala ang takutan… kapag horror na ang pelikula, nakatutok talaga ako sa tv kahit pinipilit na ako ng ate ko na matulog na lang (takot sa mumu ang ate ko).
1999. Grade six na ako. Tuluy-tuloy pa rin ang pangangalap namin ng mga kabarkada ko ng kwentong multo mula sa mga teachers at staff ng school. Minsan, nakwento sa amin ng janitor na may na-rape daw doon sa school naming noong 1980’s. Ang bata ay palaging nasa library at nagta-type sa makinilya at mahilig daw iyon sa manika. Scholar daw ang batang na-rape ng sekyu. At pagkatapos pagsamantalahan, pinatay ang bata at inilibing sa silong ng hall. Nagmumulto daw ang babae at ang manika nito. Madalas daw maririnig sa may library ang takatak ng typewriter tuwing alas-sais ng gabi. May naririnig din daw silang sigaw na pawang humihingi ng tulong.
Dala ng sari-saring kabalbalang alam ng mga bata, pinatos namin ang pagtawag sa espiritu gamit ang improvised ouija board. Spirit of the coin. Pumunta kaming magkakabarkada sa silong ng hall at doon gumawa ng ritwal. Ipinatong namin ang aming hintuturo sa piso. Habang nagdarasal kami, humahampas sa mukha ko ang kakaibang lamig ng hangin. May narinig din akong tinig na pawang humihingi ng tulog. Deadmahin ko na lang sana kaya lang biglang literal na umangat ang barya ng one inch mula sa ouija board… ako ang naglakas ng loob na magtanong since pakiramdam ko nasa tabi ko lang ang espiritu. “Anong pangalan mo?” Nagkatinginan kaming magkakaibigan ng kusang umibo ang barya habang nakalutang sa ere! M-I-K-A. May itatanong pa sana kami nang biglang nagpalakpakan ang mga tao sa hall. May PTA meeting nga pala. Nabuwag tuloy ang connection namin sa multo dahil sa ingay. Mula noon, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na tatawag ng espiritu sa kahit anong paraan. Bago rin ako magtapos, nakumpleto ko ang background ng school namin. Dati pala iyong palengke noong panahon ng Hapon. Niloko ng Hapon ang mga Pilipino. Nagpakalat ang mga Hapon ng impormasyon na mamimigay sila ng pagkain sa mga Pinoy. Mahaba ang pila sa isang gusali kung saan isa-isang pinapapasok ang mga Pinoy. Pero wala ng lumabas pagkapasok ng gusali. Niyuyurakan na pala ng bayoneta ang lahat ng pumasok roon. Lahat, patay.
2002. Third year high school na ako sa The Mabini Academy, isa sa mga antigong paaralan sa lugar namin. Tuloy pa rin ang kwentong takutan, lalo na’t ang mga building namin sa school ay pang horror movie din. Napag-alaman ko mula sa canteen owner na may issue rin doon ng rape. Na-rape ng kapwa kaklase ang isang babae sa CR ng boys sa may room 103 noong 1990’s. Kaya pala noong dumating ako sa school eh sarado lang iyong CR na iyon. Pinasara daw ng korte hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon. Wuuu! Nalaman ko lang ang detalye na iyon pagkatapos lang namang ma-apruban ng principal ang request naming slot sa locker area. Naka-locate ang locker malapit sa room 103. Ayos! Lagi pa man ding gabi ako umuuwi dahil kailangan ko pang mag-practice ng sayaw at teatro. At ugali ko na ang dumaan muna sa locker area para mag-ayos ng gamit bago umuwi.
Minsan kasama ko ang mga katropa ko. Naglalakad kami doon sa hallway. Malamig ang hangin dahil malapit na ang Pasko. Pero pakiramdam ko, hindi ang Pasko ang dahilan kung bakit nanunuot ang kakaibang lamig sa braso ko. Tahimik ang hallway. At sa dinami-dami ng panahong mananahimik ang maiingay kong kaibigan ay nataon pa noong araw na iyon na nawalan sila ng imik. Tanging mga yabag namin ang aming naririnig. Paghinto namin sa locker, biglang kumalabog ang pinto ng CR ng boys. Pagkatapos ay may narinig kaming parang umiiyak. Wala ng tanung-tanong! Kumaripas na kami ng takbo! Mula noon, hindi na kami nagpupunta sa locker namin na hindi kami magkakasama. Hanggang sa dumating iyong araw na nag-iisa lang ako. Nagdidilim na ang langit. Pagabi na rin kasi natapos ang rehearsal namin ng sayaw para sa JS Prom. Wala akong choice kundi ang pumunta ng locker dahil naiwan ko ang libro ko. May exam kinabukasan kaya di pwedeng di ko iyon kunin.
Nilakasan ko ang loob ko… nagmantra pa ako. “Walang multo…hindi iyon totoo… praning lang ako… wala talagang multo…”
Hanggang sa marinig ko ulit iyong pag-iyak ng isang babae mula sa CR. “Wala akong naririnig…hangin lang iyon… walang multo!” Binuksan ko ang locker ko at madaliang hinagilap ang aking libro. Pagsara ko ng pinto ng locker, nahagip ng peripheral vision ko ang apparition ng isang babaeng nakaputi, mga tatlong metro lang ang layo sa akin. Nakatayo siya sa may CR. Natigilan ako. Gusto kong sumigaw, tumakbo, o gawin iyon ng sabay pero hindi ko magawa. Parang napako na ako sa tayo ko. Hindi ko tuluyang nilingon ang nakita ko sa takot na makumpirma na multo nga iyon. Pumikit ako at nag-ipon ng lakas ng loob para makatakbo.
Pinilit kong itinanggi sa sarili ko na nakakita ako ng multo. Pero hindi naman nakisama si mareng white lady. Ilang beses pa siyang nagpakita sa akin, buti na lang medyo malayo ang distansiya niya sa akin tuwing nagpapakita siya. Pero dahil ang weird ng pakiramdam na nakakakita ako ng di nakikita ng iba, minabuti kong ikwento lahat sa kaibigan kong bukas ang third eye. Doon ko na rin nakumpirma na multo nga ang nakita ko at nagpaparamdam sa akin. Hindi ko iyon imagination lang at hindi iyon dahil bangag ako sa choki-choki. Tinanong ko sa kaibigan ko ang dapat gawin. Hayaan ko lang daw. Hintayin kong hingin ng multo ang tulong ko. Ako? Tutulong sa multo? Naku naman! Pwede bang pass muna? Katakot naman iyon.
Lumipas ang isang buwan at lalo akong nagiging aware sa mga espiritung ligaw sa paligid ko. Muli kaming nagkita ni mareng white lady. Takot pa rin ako at palaging tumatakbo kapag nakikita ko siya. Hanggang sa umiwas na ako sa locker area. Naisipan kong sa likod na gate dumaan. Pero anak ng gate! White lady din ang guwardiyang sumalubong sa akin! Doon na nagsimula na matakot ako at mapraning. Paano kung dumami silang magpakita sa akin? Paano kung dumating sa puntong hindi ko na alam ang pinagkaiba ng multo sa buhay na tao? Baka sa mental institution na ang kabagsakan ko noon kaya agad akong nagpasara ng third eye. Isinara ng kaibigan ko…pero ang sabi niya kapag nakakita ulit ako ng multo at bumalik ang ability ko, wala na daw siyang magagawa.
2004. Nasa college na ako, 2nd year. Bagama’t mahilig pa rin ako sa usaping multo at horror movies, hindi na naman ako nakakakita ng multo sa mahabang panahon. Akala ko magtatagal iyon. Hindi pala. Isang araw, wala sa mood na nagpunta ako ng CR sa second floor ng MTDC building ng school namin. May klase kami noon sa nasabing floor at nakakaantok ang pagtuturo ng prof namin sa tax na parang lasing kung magsalita.
Tahimik ang CR. Walang tao. Kampante akong pumasok sa cubicle para mag-ritwal nang may talipandas na nangalampag ng lahat ng pinto ng cubicle. Asar na lumabas ako ng CR para sana kausapin ang talipandas na iyon pero wala akong naabutang tao. Napapailing na lang ako sabay sabing, “Ang mga tao talaga sa campus na
‘to, mga may sayad!”
Nagsusuklay na ako ng buhok nang biglang lumitaw sa likod ko ang isang white lady. Natigilan ako, ilang minuto. At pagkatapos ay dating gawi…tumakbo ako. Bumalik lahat ng takot ko…bumalik lahat ng kinakatakot kong mangyari. Minsan ko na ring naranasan na nagka-klase kami sa naturang gusali pagkatapos ay biglang na lang nag-cat walk ang black lady mula sa likod ko! Dumaan siya sa aisle ng silid at nag-exit sa front door. Buong klase ang nakakita. Kaya kahit 30 minutes palang kaming nagkaklase ay na-dismissed na kami. Minsan nga, habang nasa kasarapan pa ng pagtuturo ang prof ko sa Financial Institution, bigla na lang may lumagpas sa harap ko na isang white lady( sa may bintana ng fourth floor ako nakaupo). Hindi tumagos ang multo sa front door. Nagbukas pa talaga siya ng pinto at pabalandrang ibinagsak iyon.
Dahil pakiramdam ko ay lumalakas ang ability ko, sinimulan ko na ring alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa multo. Tutal naman, sabi ng kaibigan ko, hindi ko na daw matatakasan iyon. Seryosohan na at dapat ng tanggapin ang katotohanan. Marami din akong nakilala na katulad ko. Nagtatabi-tabi na lang kami kapag may multo sa paligid. Lalo na kapag nasa organization’s office kami. Mahilig sa aircon ang multo roon. Lagi na lang nagbubukas ng aircon at may gana pang itext kami… Nagtetext sa amin iyong Chikka account ng Discipline Head kahit nakapatay naman ung PC ni Sir DH at kasama namin siya. Naranasan na rin naming madaanan ng prusisyon ng mga paring pugod ang ulo sa kahabaan ng hallway sa labas ng Discipline Office. (Tabi nga pala ng sementeryo ng mga Brothers ang school namin.)
Sa pagtagal ng panahon ay naintindihan ko na ang mga multo. Kung tutuusin nga, ang hirap ng kalagayan nila. Ang iba sa kanila, hindi pa tanggap na tsugi na sila. Ang iba, may unfinished business pa kaya hindi pa maluwalhati.Ang iba, humihingi ng katarungan. Ang iba, naliligaw talaga ng landas. Humahanap lang sila ng particular na lugar kung saan sila mamamalagi….isang lugar na pakiramdam nila ay ligtas sila. Kaya kung may multo sa tabi mo ngayon, NPA iyan. No Permanent Address. Nakikitira lang iyan sa lugar mo.
Nito lamang taong ito, nagkaroon ng bagong room mate si Eloisa. Isang babaeng multo na nakatira sa salamin. Nilipat namin ang posisyon ng salamin niya, inorasyonan na rin ng kung anong bigay ng kaibigan naming manghuhula pero wa epek. Masaya pa ring naglalagi sa kwarto ni Eloisa ang multo magpasa-hanggang ngayon. Sumusunod pa nga sa kanya kahit saan siya magpunta.
Pati sa aming bahay ay sumunod kay Eloisa ang multo. Nasa kasarapan kami ng discussion tungkol sa sequel ng aming unang libro, nang biglang namatay ang monitor ng PC ko… ayos lang, nag-automatic stand-by lang naman iyon. Pero ang sumunod na nangyari, bigla na lang nabuhay ang monitor ng kanya. Wala sa aming gumagalaw sa PC dahil kampante kaming nakaupo sa round table at kumakain ng oatmeal. Ang plano naming brainstorming na walang tulugan ay nauwi sa pagtulog na lang.
Kahit nakakakita ako ng multo, isa lang ang naging dasal ko. Wag lang sana akong makakita ng multo na may mukha. Kadalasan kasi ng nakikita ko eh parang usok lang o telang manipis na transparent na may nakalaylay na buhok pero walang mukha at madalas, nararamdaman ko lang sila.
Pero talagang hinahabol ata ako ng responsibilidad sa mga multo na palagi kong tinatanggihan. June 7, 2008. Um-attend kami nina Eloi at kaibigan kong si Setty ng Book signing ng mga romance writers sa SM Batangas. Aba, bumiyahe pa kami para makita namin sa personal ang iniidolong romance writers na nagsusulat ng wholesome na kwento. Buo na sana ang araw ko noon dahil nakapagpapirma na nga kami ng pocketbooks at nakapagpa-picture pa sa kanila. Kaya lang, may kakaibang nangyari. Habang giliw na giliw si Ms. Sonia Francesca ng Precious Hearts sa pagkukwento sa sequel ng isa niyang nobela na paborito namin ni Eloisa, namataan ko ang isang binatang nakaputi sa likod ng writer. Nakatayo ito roon at nang ikurap ko ang mga mata, nagkaroon ng mukha ang multo! Mukhang naigahan ng dugo at nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin. At ang layo lang niya sa akin? Isang metro lang! Natulala ako. Gusto kong sumigaw, tumakbo, o sabunutan ang katabi kong si Eloisa para lang ma-divert ang attention ko pero hindi ko nagawa. Wala sa sariling hinila ako ni Eloisa pabalik sa upuan namin. Hindi ko agad nasabi sa kanila ang nakita ko. Nabigla kasi ako sa mga pangyayari at talaga namang nakakatakot. Sa pagkakatanda ko, may mga tinatanong sila sa akin na hindi ko naintindihan pero ang tanging sagot ko lang ay, “Wait lang ha…wait lang.” Kahit palabas na kami ng mall, eh wala pa rin ako sa katinuan ko. Hanggang sa sumakay kami ng jeep pabalik ng Lipa at saka lang ako nakapag-kwento. Grabeng experience! Ayoko ng maulit….
Naisip ko tuloy, talaga bang lahat ng namatay ay nagmu-multo? Paano kaya ang buhay ng mga multo? Life after death. Mahirap paniwalaan pero may mga nagpapatunay. Paano kaya ‘pag multo na ako? Sino kaya sa inyo ang dadalawin ko??? Hmmmm….
waaaaaaaaaaaaaa
waaaaaaaaaaaaaa nakakakilabot ang iyong kwento solmate heheheh..... ako? naniniwala ako na amy spirit at mga kaluluwang hindi matahimik... mga kaluluwang nagpaparamdam....
mahirap paniwalaan pero naniniwala akong totoong may multo....
Naiisip ko na rin kung ano ang nasa kabilang buhay? ano ang mararamdaman kung isa ka ng kaluluwa....
Pero tama din na dapat nating katakutan ang multong buhay... isang multong hindi natin alam ay nasa ating likuran lamang....
Nice story... mgandang kwento....
jonsdmur
ka--katakot nmn..nginig!
ewan ko b kung bakit kay dami dyan sa Batangas na hindi maipaliwanag.
Diyan kasi sa Lipa nakalibing ang lolo at lola ko dati pero nailipat na namin sa Tagkawayan. (Takot din daw kasi sila eh kc multo na nga sila eh multo pa ang kasama nila...). Madalas nung dinadalaw namin sila ay Oct 31 ng gabi ay nabyahe na kami para makaiwas sa traffic. Napakahaba ng biyahe sa masukal at mahabang bakanteng daan (noon...kasi ngayon kay dami ng bahay d'yan sa inyo.) kasi wala pa noon ang Calabarzon. Nagtataka ako minsan kasi kay haba ng bakanteng lupain sa madilim na kalsada ay may nakikita akong naglalakad... matatanong ko na lang sa sarili ko kung saan kaya 'yun nakatira at parang wala naman kabahayan sa paligid. Wala rin nmn napansin ang mga kasakay ko.
Minsan kasi nakikita mo sila ngunit hindi mo mapapansin. Iyan ang talento ng may 3rd eye. Pero lahat tayo ay meron niyan ngunit sila lamang ay sanay na magamit nila ang pangatlong mata o yung emahinasyon na lagpas pa sa kayang makita ng mata. Madalas (ngunit 'di natin pansin) sa ulanan may parang nababanaagan tayong tao hindi ba? ngunit kukurap-kurap lamang tayo at mawawala na iyon. Sasabihin mo lang siguro na guni-guni mo lang siya. Natanong mo ba ang sarili mo kung guni-guni nga lamang ba talaga iyon?! Papano kung totoo iyon. Minsan nga dalawa pa kayo nakakita. Tapos sasabihin ninyo na "oo nga ano?sino kaya yun. o baka naman guni-guni lang natin?!" pwede ba yun eh dalawa na nga kayo nakakita. Kasi yan ang self defence mechanism natin o pananggalang sa takot... ang kunyari na hindi totoo (pero sa kabilang utak ay aaminin mo na totoo ang nangyari) at isang imahinasyon lang o gawa-gawa ng utak. Ngunit papano kaya kung si mister o bf ang pahapyaw mong nakitang may parang kasamang ibang babae...'di bat mag-iimbistiga ka kung totoo ang nabanaagan mo. hehehe! Mas nakakatakot pa ata yung makita mo na niloloko ka o sa nakita mong multo. Try mo minsan na imbistigahan yung pag-aalinlangan mo at baka may kaakibat iyong kakaibang takot... Ito pa ang ilang halimbawa ng pagpaparamdam sa atin ngunit hindi natin pinag-ukulan ng pansin.
1. Nasubukan mo na ba na minsan ay may isang matahimik na gabi ang ginulantang ka ng isang kaluskos at yabag sa labas ng bintana...ngunit sinabi mo na pusa lang siguro iyon. Pusa nga kaya?papano kung hindi...
2. May babaeng nakapayong sa gitna ng malakas na ulan ang naglalakad sa hi-way at tintitigan mo lamang siya sa bintana ng iyong sasakyan...tinanong mo ba ang sarili mo kung tao nga ba iyon at saan kaya ang tungo niya eh napakalakas ng ulan at anong ginagawa niya sa dis-oras ng gabi...
3. Nakakita ka na ba ng isang itim na pusa o aso nanakatitig sa'yo sa isang madilim na gabi at lumiliwanag ang matang bilog na bilog... aso nga lamang ba ito o pusang itim na nakamasid sa'yo? hawakan mo kaya at kilalanin pa.
4. Natuwa ka sa baby na tumatawa ng mag-isa... Kakatuwa nga di ba na makita mo siya na animo'y naglalaro ng mag-isa. papano kaya kung may nakikipaglaro sa kanya na hindi mo nakikita??? kakatakot diba.
5. Nadulas sa kamay mo ang baso mong hawak. Sabi mo sa sarili mo na napakacareless mo naman. Papano kaya kung may isang espirito na bumangga sa kamay mo?
6. Hindi mo maipaliwanag na pagtayo ng balahibo mo o panlalamig ng kalamnan ngunit wala namang hangin na dumadampi sayong katawan. Sinasabi mo na lang siguro na may-naalala ka lang?! ngunit papano kung hindi iyon ang totoo at ang totoo ay niyayapos ka ng isa mong mahal sa buhay sa kasalukuyan...takot ka ba?
7. Papano kung ang binabasa mo ngayon ay hindi gawa ni dyeppri at ang gumawa nito ay ang matagal mo ng kaibigan na nais ka lamang babalaan na totoo na may espiritong ligaw at patuloy na nasasa tabi mo... papano kung espirito nga lamang ako at nasasa tabi mo habang binabasa mo ito at patuloy ka lamang diyan s pagkakaupo mo sa isang maliit na bangkito. maniniwala ka na ba na espirito nga ang kumakausap sayo ngayon. maniniwala ka ba na patay na ang may akda nito at hindi siya. iimbistigahan mo kaya at siguraduhin mo ito...matatakot ka na lamang ba?
ako nga i-ito...
ang i--yong ka--ibigan...
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Mukhang kasing haba ng komento mo ang kwento
Mukhang kasing haba ng komento mo ang kwento ni Melay, bat di mo na lang ginagawang entry ito!!Hahahaha!!
Melay di ko pa nababasa ang kwento mo, mas nauna ko pang bashain yung kumento ni Dyeppri!!Hahahah!! Mamaya comment uli ako, may tatapusin lang akong report dito sa opis
SPike
makisingit lang sir/ pahabol kht late na ang reaksyon ko hihi...
Hindi ko napigilang humalakhak ng todo sa nabasa kong comment nyo. Sinaniban yta tlga si dyeppri dyan hihihi...
To dyep: request ko din yan gaya ke spike, gwa ka nga ng entry bout multo un may halong comedy hehe...pero ok din yung gnwa mong comment in fairness, kwelang nakakatakot hihihi...
Slamat..God bless.
uu nga ang haba... para
uu nga ang haba... para tuloy ako nanood ng horror muvy....
si jonsdmur ay kakahol kahol....
Tama mahaba nga! Apir
Kuya Mahaba nga yung reply mo! hehehe Apir!
Nuon talagang takot ako sa multo lalo na kapag tinatakot ko ang sarili ko... pero ngayon, hindi na. alam ko na kasi hindi sila totoo... bad spirit lang yung mga yun at hindi yung taong namayapa na. nililito lang tayo ng mga demonyo, kunwari sila yung taong kamaganak natin na yumao na pero sa totoo demonyo yun, pilit tayong pinapaniwala sa ganyang bagay. totoong may makikita kang ganyang bagay pero di sila yung taong namayapa na demonyo yan!
Maaring kailan man di ako makakakita ng ganyang bagay dahil narin sa paniniwala ko
Uy!
Uy! hindi ako yun ah...mas sumanib sa akin at nagcomment. ahihihi!
Ortho--->malamang kahit nasa harapan mo na ang multo o hinihila ka na ay hindi ka pa rin maniniwala kasi nga ayaw mo maniwala.hehehe
takot din sila kay zorro....ahihihi
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
sariwa pa sa isip ko yung
sariwa pa sa isip ko yung nangyari sa brainstorming natin. Grabe yun.
Nga pala, naalala ko rin nung natulog na lang tayo. Hindi naman tayo nilubayan eh. hehe. Tatlo tayo sa kama. haha! Ako, si rum mate, at ikaw.
Nung kumakain tayo ng canton at pandesal sa kusina, bigla na lang nagusumot yung plastic cup. hehe. ayos.
Pati ba naman sa duty ko eh nakasunod si "rum mate".Dinededma ko na nga lang pero lalong nagpapapansin. Lalo na dun sa kwarto ko sa boarding house. Bumagsak yung gamit ng kaklase ko eh wala naman hangin. sabay-sabay pa.
Sa ngayon, hindi ko pa talaga alam kung anong pakay niya sa akin. Companion? Hehe. Parang feeling ko tuloy habang tumatagal nagiging abnormal ako.
Hindi ako sigurado pero parang nakita ko na siya sa salamin.
Nagtataka lang ako dahil nagpapakita lang siya sa akin tuwing ala-una. Hindi ko alam kung anong meron sa oras na 'yon. Pero ngayon, hindi ko na siya nakikita. Nararamdaman oo.
dati ala-una din nung nakikita ko siya madalas in crystal form. Kinukumutan ako. Madalas malamig sa bandang kaliwa ko. Sa may pisngi.
tapos bigla na lang magpapatay-sindi yung ilaw pero mahina lang. Kumbaga kung hindi ka mapagmasid na tao, hindi mo mapapansin na nag-iiba yung liwanag.
Nung natulog ka nga sa kwarto ko, sabi mo hindi na kailangan ng aircon sa sobrang lamig. hehe.
Sa ngayon, medyo hindi ko na napa-practice yung pagiging "half open" ng third eye ko. Saka ko lang nagagamit kapag katabi ko si Ate melai.
<(='.'=)>
maraming salamat mga kapatid!
ang haba nga ng sinabi mo kuya dyepp... blog na natin itong dalawa dahil muntik ng magkapantay ang haba ng blog ko sa comment mo...hehehe...
ewan ko rin lang kuya kung anong meron ang lipa at maraming mumu here, there, and everywhere. saan nga pala nakalibing dati ung lolo mo?
tama ka ate pauline, may kinalaman nga daw iyon sa energy level. naku naman, pagkadami ko namang ka-level na mumu... hahaha. marami na ngang paranormal ek-ek group ang nag-invite sa akin na sumama sa kanila at tuklasin ang lahat tungkol doon pero tinaggihan ko. Sabi nila, unang kita palang nila sa akin, alam na nila na may ability ako... pero ayoko pa rin... no way, highway!
ortho, kung hindi ka pa nakakakita ng multo, maswerte ka...
marami pa akong experiences sa mga ghost na hindi ko naisulat kasi super hahaba na naman siya eh baka magreklamo na kayo sa puro multo... hehehe.. share ko na lang dito sa comment:
malas ako pagdating sa retreat houses at resorts dahil palagi na alng akong may nakakasalubong white lady, minsan lalaki, minsan bata na nakahiga sa kama ko... di ko un makakalimutan. nakita ko ung multo ng bata sa kama ko sa retreat house sa Tagaytay. May nanghihila pa ng kumot ko... at ng paa ko... di talaga ako nakatulog knowing na may katabi ako.
minsan ko na ring naranasan na nagtuturo ung prof ko sa unahan tapos may multo ng batang naglalaro ng basketball sa tabi ni Prof. Mabait ang multo na iyon. ako ang palaging nauuna sa classroom na iyon kasi manggagaling pa sa ibang building ung mga kaklase ko. tuwing papasok ako sa room, automatic na nagbubukas ang ceiling fan. binubuksan nung bata. later on, nalaman ko na bantay pala ng kaklase ko iyong bata. kapatid daw iyon ng boyfriend niya.
ung babae na natukoy ko sa story na pinagtripan naming kausapin through ouija board, nagparamdam na rin iyon sa akin. bago kasi makarating sa bahay namin ay dadaan muna sa tabi ng school. ang dating library ay malapit sa bakod sa tabi ng kalsada. minsan ko siyang nakita doon, transparent siya pero may bahid ng dugo. meron din nga palang buntis na nagmumulto sa may puno ng kaymito sa likod nung school na iyon. ayon sa kwento, umakyat daw iyong buntis sa puno at nahulog kaya namatay. Di daw kasi ikinuha ng kaymito ang naglilihing buntis kaya ito na lang ang umakyat. ang ate ko kaya takot sa multo kasi nakakita rin siya noong elementary siya sa school din na iyon. white lady daw na nagsusuklay ng buhok sa may lumang canteen. sabi ng may-ari ng canteen, minsan daw nagigising sila dahil naririnig nilang may nagbabasag ng pinggan sa canteen pero nang silipin nila, maayos namang nakasalansan ang mga pinggan...
at iyong si Den na tinutukoy ko sa Wish from Heaven.... nagpakita na rin iyon sa akin pero hindi ko kita ang mukha, ramdam ko lang na si Den iyon. Para ko siyang anghel. Tuwing muntik na akong maaksidente, parang nasa tabi ko lang siya. Nagparamdam nga si Den nito lamang nakaraan. nahulog na lang ang pitsel mula sa mesa eh hindi naman iyon nakapatong sa gilid at walang gumagalaw dahil nag-iisa ako.
Tuwing lalabas ako ng bahay sa gabi at daraan ako sa may tindahan, naaaninag ko ang anino ko mula sa liwanag galing sa tindahan...at minsan dalawa ang anino ko. ibig sabihin, may kasabay ako.
hindi ko rin makakalimutan ang pagbisita namin ni Eloisa sa bahay ni J.P Laurel sa Tanauan, Batangas... Ikukwento ko na lang iyon sa sunod kong blog...
napahaba din ata... hehehe.
maraming salamat sa inyo...
ingats palagi...
melay lapitin ka pla ng multo hehe...
lapitin k pla ng multo anu?? Dami mo plang kwentong gnyan...ako ayoko na takot ako hehe...
Cnxa ngayon lng ngkatym basahin 'to. Slamat sa pag-share mo sa mga experiences mo 'bout multo.
tejha
oo nga eh
wa choice... nakakatakot nga lalo na ngayon na may capacity na pala akong makapagbukas ng third eye ng iba ng hindi ko namamalayan o wala akong ginagawa...
nabuksan third eye ni eloisa dahil sa akin...dahil siguro masyado na kaming close kaya nagkaganon...
minsan nga iniisip ko na sana hindi ako binigyan ng ganitong gift... hindi ko na kasi pwedeng ipasara third eye ko... pangalawang beses na kasi siyang nabuksan...









Kumusta Melanie
Hindi ako takot sa multo ng namayapa na at lumisan na sa mundo, sabi nga ng Sunday School Teacher ko sa Church nung bata ako ay wala daw talagang multo dahil ang spirit ay tutuloy ng direcho sa patutunguhan nya pag ang tao'y namatay at yung nakikita at naririnig naman natin ay naipaliwanag naman ng Propesor ko sa Paranormal Psychology na ang mga aparisyon daw at mga tunog at tinig nanaririnig sa katahimikan ng paligid ay mga naiwang enerhiya sa mga lugar at bagay na naiwan ng mga namayapa, ito ay parte ng nakapalibot na aura sa katawan nung nabubuhay pa tao na ito at naiwan sa isang lugar o bagay na higit na nagbigay ng matinding emosyon sa taong namayapa at nakabuo ng attachment. Ang kadalasang nakakaita nito at nakakarinig ay yung mga taong may kaparehas na level ng frequency ng enerhiyang naiwan... hindi ko na minsan alam ang paniniwalan sa dami ng nababasa ko pero alam mo Melanie mas higit akong natatakot sa mga multo ng nabubuhay... yung mga multong taong nasa paligid, nakamasid, nagbabantay naghihintay na malingat ka at magkamali at saka ka mumultuhin... tatakutin at guguluhin ang isip mo hindi ba't mas nakakatakot ang mga multong ganun? yung hindi mo alam na nag-iiba pala ang anyo kapag hindi ka nakatingin? hala madami nyan nakakatakot!