Waiting Shed

jonathan329's picture
| |
Si Angelina ay isang Civil Engineer. Sikat siya sa mundo ng Engineering dahil karamihan sa mga sikat na mall, hotel at iba pang inprastraktura ay siya ang nanguna sa pagpapatayo. Kumpara sa mga kasabayan n'yang mga inhinyero ay mas marami siyang proyekto dahil na rin sa paniniwala ng mga negosyante na suswertihin ang kanilang negosyo kung si Angelina ang magiging Engineer sa pagpapagawa ng kani-kanilang mga establishimento. Dahil dito, isa siya sa mga pinakamatagumpay na inhinyero ng bansa.
Sa edad niyang 34, siya ay isa nang separada. Naghiwalay sila ng kanyang dating asawa apat na taon na ang nakakaraan habang dinanala niya sa kanyang sinapupunan ang kanyang ikatlong anak. Nahuli kasi niyang nakikipagtalik ang dating asawa sa kanyang kerida sa loob ng kanilang kwarto noong siya ay napaaga ng uwi galing sa trabaho. Sa kasalukuyan, binubuhay niya ng mag-isa ang kanyang tatlong anak na sina Annie (7 taong gulang), Gello (5 taong gulang) at Cathy (4 na taong gulang).
jonathan329

jonathan329's picture

'Di pa Tapos

Mga kaibigan, ang kwento pong ito ay hindi pa po tapos. Mahaba pa po 'to. Sana magustuhan n'yo ang kwento lalo na kung tapos ko na itong isulat. Smile

mart_82004's picture

Hi

konting suhestiyon lang po sa paggamit mo ng mga tagalog na salita.

Una, pagpapagawa ng kani-kanilang mga establishimento- sa tingin ko po at sa aking pagkakaalam lamang ay hindi tama ang pagkakabaybay mo ng salitang establishimento sa halip dapat po establisimento.

Pangalawa, inprastraktura - hindi ko po alam kung nagkamali ka lamang ng pag lagay ng letra sa iyong ginamit na salita sa halip ito ay dapat ang salitang Imprastraktura.

 

Sa paggamit naman po ng salita para sa isang pangungusap meron po akong nakita na sa tingin ko rin po at sa pagkakaalam ko ay mali. Ito ang paggamit mo ng salitang pagpapatayo na isinama mo para makabuo ka ng isang pangungusap."Sikat siya sa mundo ng Engineering dahil karamihan sa mga sikat na mall, hotel at iba pang inprastraktura ay siya ang nanguna sa pagpapatayo." - Sa aking pagkakaunawa ang paggamit mo ng salitang pagpapatayo ay nangangahulugan na si Angelina mismo ang may-ari ng mga ginawang gusali na sa pagkakaunawa ko sa iyong akda siya ay nanguna sa mga ibang inhinyero na maraming natapos na proyekto sa paggawa ng mga gusali. Tama po ba?

Isa pa, Nahuli kasi niyang nakikipagtalik ang dating asawa sa kanyang kerida...Sa aking pagkakaunawa sa sitwasyon ay nahuli ni angelina ang asawa nya na nakikipagtalik sa kerida nito. Ngunit sa ginawa mong pagbuo ng pangungusap ay nakikipagtalik ang kerida ni Angelina sa kanyang asawa...Tama po ba?   

hehehehehe..Un lang po e sa aking sariling pananaw. Walang personalan? Chikka lang...Hahahahahhah