WALA*

auau's picture
| |

WALA*

 

alam mo bang
dati (nung bata pa ko)
kumakain ako
ng (sunog o hindi)
ulo ng posporo?
Yuck, no?
pampatapang daw,
sabi ng nanay ko
pero, tumapang ba ako?

alam mo bang
allergic ako sa math
at ayoko ng nagkocompute.
pero ComSci course ko.
Ang labo.

alam mo bang minsan
nakakausap ako kahit
tulog. (nanay ko pa rin
ang maysabi. kaya maniniwala
na ako. haha)
kaya ang hirap ng may sikreto
baka masabi ko.

alam mo bang
asar ako
sa mga nagpapaypay
sa mrt
lalo na't katabi ko...

at mas lalong asar
ako sa mga patalastas
na paulit-ulit
kaya nakakabaliw?

alam mo bang
pangarap kong
literal na
maabot ang buwan

at makita ang mga tala
sa malapitan...

at pangarap kong isulat
ang kwento mong
di ko alam
ang kabuuan?

alam mo bang
gusto kong
maupo tayo minsan
at ikwento 'to sa'yo.

para alam mo.

kaso abala ka at
siyempre
ayokong maging abala
sa 'yo

kaya isinulat ko na lang

at dahil di mo naman
mabababasa
(o babasahin) 'to

sa huli,
ano bang alam mo?*

-auau

Adlesirc's picture

 nung bata ako, kumakain

 nung bata ako, kumakain ako ng langgam na itim. :P akala ko babait ako pag ganon. ang pait non, siguro kaya bitter ako ngayon. hahaha!

 

love this line :

pangarap kong isulat
ang kwento mong
di ko alam
ang kabuuan?

 

parang gusto mo siyang kilalanin pero ayaw mong magtanong. teka, eh ano nga bang mawawala sayo kung susubukan mo diba? e di *insert your title here*

 

keep smiling :)

 

adlesirctavas.blogspot.com

dyeppri's picture

tanong lang...

kapag nakahelera ba ang mga salita ay poetry na 'yun?  tanong lang!

sulat lang. ganda ng tula mo- wala* (lang)

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

auau's picture

di ko sigurado pero...

...may nakapagsabi sa 'kin: pag sinabi nung sumulat ng tula na tula yung sinulat niya, tula yun. 

 :))

 

"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."

http://tuwatula.blogspot.com/

dyeppri's picture

mahirap...

mahirap ang basta-basta na lang naniniwala sa sabi-sabi dahil..

                           http://dyeppri.wordpress.com/