wala lang magawa..

JC Romualdo's picture

Open curtain

Pssst...Pssst..dito ka tumingin sa salamin, ng makita mong ang repleksyon ng iyong sarili maging ang iyong lipunang ginagalawan..Iba't ibang karakter ang dito'y sumisilip,halika sumama ka at pumasok sa mundo ng aking salamin 

(lalabas ang karakter sa salamin)

Prostitute: Ako, masisisi nio ba ako, ano ang gagawin mo kung kumakalam ang sikmura at nakakaawa ang mga mukha ng mga mahal mo sa buhay,maipapakain mo ba sa kanila ang dangal na ipinagmamalaki mo, Kung magkasakit sila at wala kang pambili ng gamot, hihintayin mo pa bang tumirik ang mga mata nila at maging malamig na bangkay,kanino ka hihingi ng tulong sa mga pulitiko, sa mga pulis, sa mga hayup na yan na paulit ulit kang bababuyin bago ka tulungan,Ngayun Sino ang dapat sisihin ang mga prostitute o ang mga taong nagsasamantala sa aming kahinaan.(dahan dahang mawawala sa stage, hagulhul na lang ang maririnig)(May lalabas na uling karakter sa salamin)

Bading: girl nagdadrama ka na naman dyan, eh kumusta naman kaming mga bading,pareho lang tayong itinuturing na salot ng lipunang ito, parang maysakit na nakakahawa.Eh yung ibang tao nga dyan..kurakot,mamamatay tao kriminal mas masama  kaysa sa aming mga bakla, kung masama nga ba kaming maituturing?,bakit kasalanan ba naming magpakatotoo sa halip na magpanggap sa aming piniling kasarian , piliing pagtawanan na lamang sa halip na magmalinis na idindikta ng lipunang ito.Keber only god can judge us…Cge rarampa muna ako

(ungol at halinghing ng bading  ang maririnig)

(may lalabas na uling karakter sa salamin)

 

Hustisya: Ako, pinatay ang mga tatay ko ,  bakit kamo kasi ayaw ibigay ni itay ang lupang aming sinasaka, pano ba naman dugo’t pawis nya nag ipinuhunan dito, tapos kakamkamin lang nang kung sinong ponchio pilato, may ipapakitang mga dokumento, eh anong alam ni itay dun, hindi naman sya nakapag aral,kitang kita ng dalawa kong mga mata kung paano paulit ulit na pinagsasaksak si itay, ano laban naming kung ang batas ng bayan na ito ang aming makakabangga.Hindi pa sila nakuntento  ginahasa nila ang kapatid kong babae,tulala,hindi makapagsalita, kanino ako kakalap ng hustisya,kung ang kalaban ko mismo  ay ang  hustisya.Naniniwala na ako sa nabaa ko na tatlo lamang ang nagkakaroon ng hustisya sa ating bansa ngayon, Ang malalakas, makapangyarihan at mayayaman.Dahil kung simple kang tao mahina ka, kung wala kang lakas lolokohin ka tatakutin ka pa,at kung mahirap ka, magtiis ka.Kaya ako ang gagawa ng sarili kong hustisya.

(papailanlang ang tunog ng baril at nagmamakaawang tinig)

(may karakter na lalabas ng slamin)

  

Baliw: pagkain..pagkain..bibigyan niyo ako ng pagkain diba,kunti lang naman eh,hindi ko naman uubusin,kasi hindi pa ako kumakain,kaya nga namantay ang nanay ko eh, kasi wala kami pagkain(tatawa)(magagalit)pero tama lang yun sa kanya kasi bad sya,lagi nya akong pinapalo at binubogbog.(magpapaawa)kayo db mababait kayo, bibigyan nio ako ng pagkain db,(sisigaw,magagalit)hindi niyo ako bibigyan ng pagkain,madadamot kayo(tatawa)mamatay din kayo

 

Close lights

(Mababasag ang salamin at aalingawngaw ang tawa ng baliw)