Wala na
Wala nang laman ang pinggan at platito sa hapag,
at tubig na walang lamig na lamang ang nasa baso...
Maputim na ang mga damit at amoy pawis pa
dahil sa pagtitipid ng kakaubos pa lang na sabon.
Tulad ng ating alkansya, wala nang laman ang mga bote
mula sa asukal at kape... haggang sa toyo at mantika...
at ang gatas ni Lara.
Marahil konting panahon pa mawawala na rin ang laman
ng ating mga isip para maghanap ng solusyon, alternatibo
at gayundin ng pag-asa.
Mahal, kung mga puso na lang natin ang may liwanag...
magyakap na lang tayo sa dilim ng gabi kung wala na'ng kuryente,
hindi na bale, di ba't nabubusog naman tayo
sa pagdama ng bawat tibok at kiliti sa ating dibdib
kaya nga kahit ganito kahit papaano,
wala na tayong yaman na hihingiin pa.


