Wala nang Buhay

Hindi na naman ako kumain ng tanghalian. Wala nang oras para gawin 'yon. Kahit meron, wala naman din akong gana. Usok lang ng yosi ang laman ng sikmura ko, pati ng utak ko. Dinner break na pero parang ni hindi ko man lang na-miss ang pagkain. Kung pwede lang huwag na kumain para mabuhay. Hindi naman ako nasisiyahan. Hindi tulad ng dati. Hindi ako nasisiyahan sa kahit anong bagay ngayon. Maging sa aking trabaho. Nag-uubos lang ako ng pera ko sa bulsa para lang masabing may trabaho ako. Ako din ang dehado. Ito ba ang presyo ng magandang pagtingin ng mga tao? "Not well compensated", ika nga. Lagi pa akong abunado. Mas mainam pa kung sa charity ko nalang inubos ang lakas ko, at least may galak ang puso ko. Hindi 'yong ganito. Malayo sa mga mahal sa buhay, kapalit ng normal na buhay. Pilit na sumasabay sa ikot ng mundo. Bakit ba kailangang sumabay lagi sa agos ng buhay, magpatianod na parang walang malay? Gisingin mo ako sa aking pagtulog, waring wala nang buhay. Nasaan na ang buhay? Anong halaga kung nabubuhay naman na parang patay? Kailangan ko nang bumangon bago pa ito ang aking maging libingan. Gusto kong pumintig muli ang puso ko, magamit ko muli ito. Gusto kong malapit sa mga minamahal ko. Paano ba ako tatakas dito? Ang pangarap ng iba ay aking bangungot. Mahirap maging iba. Ito ba talaga ang paraan para maging tao, ang mabuhay na parang hindi tao? Wala na, wala na ang dating buhay ko! Binalot na ng pagpapanggap para maging katulad ng nakakarami, nagpapanggap na tao.


Adlesirc's picture

aw

ang lungkot naman kung wala ka nang ikinasisiya ngayon. happiness is a matter of choice, kung di ka masaya jan, iwan mo na. sayang ang oras mo kung mauubos lang ito sa bagay na hindi mo ikinatutuwa. malay mo bigla kang mamatay (halimbawa lang po), e di namatay ka ng hindi manlang nagiging masaya? magulo ba'ng paliwanag ko? ewan. basta ang gusto ko lang sabihin ay happiness is a matter of choice"

ang hirap kaya magpanggap na tao. yung tipong makikitawa ka kahit hindi ka naman talaga masaya diba? saka yung para na lang robot.. kumikilos at nagtatrabaho pero walang puso.. hay..

ciao!

 

Quote:Ito ba talaga ang

Quote:
Ito ba talaga ang paraan para maging tao, ang mabuhay na parang hindi tao? Wala na, wala na ang dating buhay ko! Binalot na ng pagpapanggap para maging katulad ng nakakarami, nagpapanggap na tao.

Pinaalala mo tuloy sa akin si Gregor Samsa, ang bida sa The Metamorphosis ni Kafka...  

Huwag bibitiw, kapatid.  Walang pagsubok na dumarating sa buhay natin na hindi natin kayang alpasan...

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

CLOSET WRITER's picture

relate ah :)

parang sentimyento ko rin sa buhay. i know how you feel. ur not alone sa mga kadramahang ganyan.

 

 

Lyds78's picture

kung wala nang buhay, wala nang pag-asa

pero ang totoo ay buhay ka pa kaya meron ka pang magagawa.  Sabi nga ni Kim Chu:"habulin mo ang happiness mo...":)  Kung hindi ka na masaya diyan, hanapin mo ang fulfillment sa ibang bagay.  Hindi naman kelangang magpatali tayo sa pagiging normal at sa sasabihin ng ibang tao.  Sino ba ang nagtatakda ng normal o hindi?  Tayo rin naman ang makasasagot sa kung ano ang gusto nating marating sa buhay natin.

Alam kong me mga pangarap ka, live your dreams.  Mag-set ka ng priorities at direksyon.  Hindi mo kailangang magpatianod sa agos na hindi mo alam kung saan patungo.

Huwag magpaalipin sa takot at agam-agam, face your fears para mabuhay kang muli, gudlak!