Walang babaerong Adan kung walang mga pokpok na Eba.

ilyana's picture
|

Ka chat ko kanina sa Ym yung friend kong nasa Abudhabi si Pulay, nakwento ko yung isang Pinay dito si Ana, na merong BF na puti, na nakabuntis ng isa pang Pinay na Diborsyada, pero hindi yun ang shocking, me kaibigan dito yung si Ana na itago nalang natin sa pangalan na Ligaya. Eh itong si Ligaya, niyuyutyot din pala itong siyota ni Ana, pero walang ka-alam alam itong si Ana sa mga trahedyang dumarating sa kanya.

The best ang boypren kong puti, yun kasi lagi ang bulalas sa amin ni Ana, lagi nyang pinagmamalaki ang kanyang BF na puti. Infairnes, me pagka Bruce Willis naman ang dating, kahit na kalbo na. Hindi alam nitong si Ana eh, minessage rin ako ng BF nyang si Bruce sa friendster at nag flirt din sakin, eh dahil takot akong ma Carmi Martin, dedma ko lang tong si Bruce at alam ko namang gf nya itong si Ana ano?

Ang tanong ng friend kong si Pulay, ganyan ba talaga ang mga punyeterong  mga lalake? Obsolete naba talaga ang loyalty at fidelity sa relationship? Eh pareho kasi kami ng kapalaran nitong si Pulay sa mga lalake, mga napagtaksilan ng tadhana sa larangan ng pag-ibig.

Ang sagot ko naman, wala naman sigurong Santong lalake, kasi kung palay na nga ang lumalapit, edi shoot da ball na ang mga guys. Kung walang malalanding babae, walang magtataksil na lalake, maliban nalang siempre kung mag pretend silang single at mamingwit ng mga gullible na Eba.

Pero grabe itong si Ligaya, bakit nagawa nyang ahasan itong si Ana, e mukhang Paris Hilton at Nicole Richie pa naman ang friendship nila, as in always together silang magkasama at magtagayan pag me problema itong si Ligaya.

Ganyan daw talaga ang dulot ng heaven according naman dito sa isa ko pang kaibigan na makasalanan, na nagtaksil din sa asawa, dahil according to her, di na raw tumatayo si Juan tamad pag gabi. I can't blame her, kung maghanap sya ng temporary joy, pero sabi nya, habang naninirik daw ang mga mata niya at nangungutchara naman ang mga daliri nya sa paa, di na nya naiisip ang asawa nya, pagkatapos niyang makipagtalik at labasan nang baldi baldeng pawis, doon palang daw saya nakakaramdam ng guilt. Mahirap daw labanan ang libog.

 Kaya ang advice ko sa kanila, maghilamos at magmumog na lang sila ng holy water nang baka sakaling mabawasan ang mga kasalanan nila. Who am I to judge? tao lang tayong nagkakasala, ayokong magsalita ng patapos, baka in the end, isa rin pala akong magkakasala, wag naman sana. Kung mangyayari man yun, I'll make sure kasing macho ni Jason Statham at kasing gwapo ni Brad Pitt. Sunugin man kaluluwa ko sa Hell, sulit naman, hehehehehe.

Hay naku, 19:12 pm na dito sa PC ko, makapag dinner nanga. Naadik na sa kaka chika.


journeyman's picture

nakakalungkot naman ang

nakakalungkot naman ang kuwento mo... mas gusto kong maiyak... para dun sa mga hubby nila..

pero hindi rin sila pareho nakakatiyak na faithful din ang kanilang other half..  so patas lang...

hay naku ano na bang nagyayari sa mundo? malapit na kayang magunaw?

kuwento ka pa...

"Ako ay maglalakbay, isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay, tungo sa aking sarili, sa paghahanap nang isang bagay na maaaring mahalaga lang para sa akin..."

ilyana's picture

To Journeyman

Salamat sa iyong comment...Akoy nagagalak at me naligaw na mata sa aking kwento. OO nga ano? nakakalungkot at parang wala nang kwenta ang pag-ibig. Sabi nga nila dapat daw idemanda ang Walt Disney, dahil sila ang nag brain wash sa mga kabataan dahil sa mga kwentong happy ever after nila Cinderella at Snowhite at kung sino sino pa, kaya expect ng lahat pag umibig, laging happy ending...

sinta isaac's picture

... ilyana

 

nung nasa kolehiyo pa lamang ako, pinagawa kami ng aming prof sa literature ng isang akda na tungkol pinagkukuhaan namin ng aming mga paniniwala sa buhay, sa aspetong spiritwal, mental at emosyonal, pinamagatan ko ang aking akda ng "Painted by Cytherea"

una, ang inisip ng prof ko at mga walang muwang kong kaklase, si aphrodite ang tinutukoy ko na cytherea, kung saan, ipinakit ko doon ang hindi ko pagkagiliw kay cinderella, kay snow white, kay sleeping beauty, kay rapunzel, dahil para sa akin, tinuturuan n'ya lamang ang mga batang babae na maging mabait, hayaang maging api apihan at ikulong ang kanilang mga utak sa nakakahong paniniwala na isang araw may darating na makisig na prinsipeng nakasakay sa puting kabayo para iligtas s'ya at doon na papasok ang happy ever after...

hindi ganoon ang buhay. kalokohan 'yun. kung may magliligtas man sa akin, hindi na ako maghihintay pa ng prinsipe, ako na mismo ang magliligtas sa aking sarili.

Ipagpaumanhin mo sana, ngunit para sa akin, hindi kahit kailan magiging walang kwenta ang pag-ibig, para sa akin, iisa lang ang anyo ng pag-ibig. Dalisay.

Kung masaktan ka man, kung maloko ka man, kung maisahan ka man, kung mapagsnungalingan ka man, hindi pag-ibig ang may kagagawan noon, kundi ang taong minahal mo. kaya mo nga naranasan 'yun dahil sa kakulangan ng pag-ibig hindi ba? Wink

huwag sana nating isipin na Love is Pain. hindi mo kailangang masaktan para lang patunayan sa sarili mo na umiibig ka na nga.

...

tungkol naman sa mga babaeng nangangaliwa, may kanya kanya 'yang dahilan, minsan problema sa relasyon, minsan naman problema sa sarili. naranasan ko na ring mang two-time at naranasan ko na ring ma two-time, minsan kasi mayroon tayong nararamdamang kakulangan sa loob natin na hindi kayang mapunan ng ating karelasyon.

...

nasa mundo ang pag-ibig para umagapay sa salitang Happy ending. minsan, kahit hindi k'yo nagkatuluyan ng taong mahal mo hindi naman ibig sabihin, wala ng happy ending, nasa tao kung pa'no niya gagawing happy ending ang isang pangyayari sa kanyang buhay.

...

siya nga pala, ang cytherea na tinutukoy ko sa akda ko noong nasa kolehiyo ako ay si Cytherea, isang porn star sa hollywood na kilala sa kanyang mahabang female ejaculation.

...

ang libog ay libog, ang pag-ibig ay pag-ibig, may mga taong naliligaw sa dalawang salitang iyan.

...

 

Salamat sa iyong blog.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

ilyana's picture

To Sinta Isaac

Hmmn, Malalim ang iyong mala novelang winika. Pero me katotohanan sa iyong binitawang salita. "it's the Lover not the Love, who broke ur heart last nite" ika nga nung kantang pinasikat ni Tiffany during our JS Prom. (aray ko! Na obyus ba edad ko?)

 I am not blaming love, and Im not judging people too who are capable na mangangaliwa, dahil tayo'y mga tao lamang na marupok sa Ibabaw ng Mundong makasalanan.

Ako ay minsang nabigo sa pag-ibig, pero napagmuni-muni ko, na never na mangyayari yun sa akin, dahil wala na akong ibang mahal kundi ang aking sarili...heheheheh, kung magmamahal man ako ng iba, sorry guys pero 50% nalang ang ma ooffer ko, take it or leave it!

Lolness talaga ang umibig, nakakabaliw. Tongue out

♥♥-ILyaNah-♥♥

 

 

kate_fox_online's picture

salamat kay ilyana sa

salamat kay ilyana sa kanyang blog na ito at sa mga puntong napulot ko kay sinta isaac... lalo na ang part na ito...

"ang libog ay libog, ang pag-ibig ay pag-ibig, may mga taong naliligaw sa dalawang salitang iyan."

 sang-ayon ako kay ilyana na hindi naman papatusin ng mga lalaki ang mga babaeng umiiwas...'yan ang dapat matutunan ng mga babae.'yan ang lakas na meron siya na dapat niyang gamitin ng tama at nasa panahon...the courage to say no...

mahirap umiwas kung alam mo nang mahuhulog ka na sa bitag ng temptasyon at kuryosidad. kahit alam mo ang limitasyon mo, 'pag puso ang pinairal minsan hindi nagiging maktwiran..kaya tayo binigyan ng Diyos ng kakayahang mag-analisa para maging makatarungan ang ating pagpapasya..

biro ng co-teacher ko dati, maaga siyang nag-asawa kasi natakot siyang maubusan ng lalaki...paano na nga kaya ang mga eba kung puro taken na ang naiwan sa mundo kahit yata latak, mag-aagawan pa...hays...

hindi ko maintindihan kung bakit kasi may mga lalaking nanliligaw pa rin kahit na may-asawa na sila..hindi na sila naawa sa mga babaeng nililigawan at kinakalimutan .tsk-tsk...ang kapal pa ng mukha nung iba na porke hiwalay sa asawa o kaya ay hindi pa kasal, sige pa rin sa pagpiflirt..itinatanggi pa ung kinakasama...may umaamin na may anak na pero may paawa effect...

madalas akong maligawan ng mga may-asawa, hiwalay sa asawa, may gf, biyudo , bading, lahat na yata ng klase...ang ending, naging manang ako dahil lahat sila kung hindi lust ang ang alam, trophy ang hanap...

may pagkakataon na may nagustuhan ako sa kanila pero pinairal ko ang tama kaya umiwas ako. naiinis ako dahil marupok sila at ang sakit sa ego ko lalo na pag nakahanap na sila ng kapalit, konsuwelo ko lang dahil hindi ako nabiktima..

 un lang...sobrang affected lang ako ng blog na 'to kasi pinipilit kong sundin ang mga sinabi ni bob ong pero nasasaktan pa rin ako...

☺"Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

☺"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

☺"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

ang sarap magsenti habang nakikinig ng white horse ni taylor swift at thinking of you ni katy perry...c",)

ilyana's picture

Kate Fox

Salamat sa puna...Maganda nga ang mga tinuran ni Mang Bob Ong, -OO yung mga dating kaklase kong laging muse noong Elementary at Hayskul, mga losyang naren.

Lahat na yata tayo ay me pagka masokista, kasi kahit nasasaktan na tayo sa Pag-ibig, sige parin tayong umiibig. Pero NO pain NO gain, kaya mas gusto ko nang masaktan, kesa matuyuan. (harharhar!)

♥♥-ILyaNah-♥♥

Luca's picture

ay wow. kilala ko tong si

ay wow. kilala ko tong si Cytherea. Kapag nagoorgasm yan parang umiihi lang. hehehe. isa siyang alamat.

wag kang pipikit...

aireen's picture

temporary JOY?!para sa akin

temporary JOY?!para sa akin di naman siguro lahat ng nangangaliwa e, puro libog lang ang meron.. may pagmamahal pa din... Surprised

pag-ibig nga naman....

Salamat sa kwento mo Ilyana.. :)

cheers!

 

ilyana's picture

Naku, nag-isip daw tuloy ako

Naku, nag-isip daw tuloy ako bigla? me pag-ibig nga bang kasama? Pero bakit yung iba, ayaw namang iwan ang mga asawa, after nilang mahuli sa akto?

 

♥♥-ILyaNah-♥♥

aireen's picture

kasi sabi nila iba pa rin

kasi sabi nila iba pa rin daw yung asawa nila.. lalo na pag may anak na kayo.. may mga dapat i-consider..Laughing

Pero opinyon ko di naman mangangaliwa ang isang tao kung ang kabiyak niya walang pagkukulang..dun lang pumapasok yung ideya na humanap ng iba..

*Meron nga akong kilala e, yung gurl ayaw nya dun sa guy nuon, pero nanatili na maging magkaibigan sila.. nung mag-asawa si gurl.. nandyan pa din si guy as frend sa kanya.. hanggang isang araw.. nagising na lang si gurl na mahal pala nya si guy.. yun nga lang nung tym n yun.. si guy nag-asawa na rin.. pareho na sila committed... tapos nagkaaminan silang dalawa, si guy pla hindi nagbago yung pagtingin nya kay gurl.. si gurl namn ayun umamin na rin.. na after all dis years.. di lang pala as a frend ang nararamdaman nya kay guy..

E paano yun d ba may asawa na sila pareho? kaya yun.. kabit sila pareho.. kahit mahal pa nila ang isa't-isa, higit pa sa mga totoong kabiyak nila.. di nila puede isang tabi ang pamilya na meron na sila sa ngayon.. bilang respeto na rin sa anak at asawa nila.Kaya nakukuntento na sila AS SECRET LOVERS...haist! ang gulo tlaga ng pag-ibig noh!?

yung iba naman plaything lang talaga...

cheers!

galatea hopkirk's picture

forbidden love ang drama ni

forbidden love ang drama ni ate Aireen. hehe. hindi naman dapat magulo ang pag-ibig. batas ng tao na lang ang nagpagulo dyan. hehe.

medyo agree ako sa thought nung pamagat. ganon nga eh. kadalasan, hindi man lagi, nasa babae ang kontrol sa mga bagay.

 

"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."

galatea artemis

aireen's picture

hahaha... forbidden love nga

hahaha... forbidden love nga yun galatea...

At kung ang babae ay magiging marupok.. di mawawala ang salitang unfaithful ... kya nga dapat disiplina sa sarili... KONTROL!! :)

 

cheers!

galatea hopkirk's picture

oo nga naman. nagyon,

oo nga naman. nagyon, kumbinsido na ako na hindi lang sa pag-ibig nabubuhay ang isang relasyon. kailangan din na mag-isip ng tama. kahit mahirap nga yung gawin kapag nagmamahal.

hooh. word of the day. KONTROL. =)

 

"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."

galatea artemis hopkirk

blackwidow's picture

Ang sakit naman

Masyadong mabigat ang word na pok pok, offensive para sa mga babaeng nang two-time, mas better siguro kung malandi na lang. Hahahaha.

Pero gurl, kung pokpok ang babae, mas grabe kapag ang lalaki ang namokpok, trust me.

One more thing, walang mangangaliwang babae kung walang pagkukulang ang lalaki.

Opinyon lang yan. Hehehe.

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

ilyana's picture

Hindi sang-ayon.

Salamat sa mga puna, pero di ko mapigilang mag komento, patungkol dun sa pagkukulang ng mga asawang babae, meron akong friend na nagrereklamo dahil si mister ang nagkukulang, kaya ang ending, bumili nalang sya ng dildo, dahil sawa nadaw sya sa kaka-kalabit kay Mister, inda end, na find out nya namokpok yung hubby nya sa Mid.East, eh kasi ba naman, wantusawa daw ang mga pokers na Intsek at Thai dun, pati narin mga Pinays (No offense guys, but that's da truth) e bat ganun? 20 yrs pa ang tanda ng husband sa asawa, so wag sabihin pangit si Misis, nunka, natotomboy nga ako sa ganda at kaseksihan ng frend kong ito ano? Kaya shocking ang beauty ko ng umiiyak itong friend ko at natuklasan ang mga credit card bills nila...

Siguro, naghahanap lang ng bagong putahe ang mga mister, kaya nangangaliwa...:-)

 

♥♥-ILyaNah-♥♥

noelablon's picture

Walang katapusang turuan...

Kakalungkot nga gaya ng sabi ni journeyman.

May kakilala ako actually na nangaliwa din sa asawa (babae siya). Ang katwiran niya, niloko din siya ng asawa niya kaya patas lang sila. Tama ba yun? Gantihan na lang.

Meron pang isa, nakita daw niyang nagsa-sayaw ang asawa niya at ang katulong nila. So inisip na nitong girl meron na itong relasyon at di na nagsalita basta nung may makitang guy na okay sa alright ay pinatulan na niya.

Actually, when I went here abroad bigla akong nagkaroon ng fear na mag-asawa. Kung nasa pinas ako ay commitment lang ang kinatakutan ko nung maparito ako sa Jeddah, Saudi Arabia ay natakot akong maloko. Hindi sa nagmamalinis ako pero I don't like hurting people especially babae, hindi dahil sa nanay or dahil may kapatid akong babae pero dahil yun talaga ako.

Dito sa Jeddah, kabi-kabilaang panig ang makikita mo at marami dito ang nag-aasawa ng dalawa - lalake man o babae. Talaga namang nakaka-lungkot. Immorality ay parang kanin sa ngayon, isa sa numero unong putahe kahit saan ka mapunta.

Kaya ako, sabi ko sa sarili ko magka-gastos-gastos man ako basta kasama ko asawa ko ay gagawin ko ang lahat. Hindi dahil sa kawalan o sa kakulangan ng tiwala. Hangga't maaari ay ayokong bigyan ng daan si Taning na sumira ng relasyon naming mag-asawa. Kung ang magkasama nga ay napag-hihiwalay eh higit lalo ang magkalayo.

Kaya laking pasalamat ko sa Diyos na kami ay magkasama dito. Ang mag-asawa talagang dapat magkasama, sa hirap at ginhawa. Kung mahirap tiisin ng magkasama, katagalan ay mapag-tatagumapayan din yun. Kaya nga two heads are better than one - wag naman sana ibang head ang bilangin mga sisters - haha.

Sa mga happy endings, I don't like happy endings - I like it happy with no endings.

Salamat sa iyon panulat ilyana. 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

ilyana's picture

to Noel...

Pagpalain ka sa iyong hangaring mabuo ang pamilya mo. Sana after 25 yrs of being married, ganyan parin ang magiging pananaw mo sa buhay me asawa. Keep intouch ka ha? para bigyan mo pa ako ng maraming tip.

(to tell u frankly guys, nose bleed ang tagalog ko, ala bang capampangan dine? )Smile

Sige after work share pako ng mga kwento ko...  Enjoy ur holiday in Dubai, dalhin mo kids mo sa WildWady, sana nakapag book sila sa Burj Al Arab hotel ano? share mo pictures ha?

♥♥-ILyaNah-♥♥

Francheska's picture

Ay ang labo

Ay ang labo, kasi dun sa titulo ng blog, parang kampi ka sa boys pero parang hindi din naman kasi yung laman ng blog mo eh tungkol sa panloloko ng boys sa girls at pangangaliwa din ng ibang girls sa mga boys.

Ahehehehe!

Natawa din ako sa comment mo dun ke blackwidower, hindi ka sang-ayon? Saan? Eh wala naman sya sinabi na me pagkukulang ang babae, actually ang sabi nga nya, hindi daw mangangaliwa ang babae kung walang pagkukulang ang lalaki.

Oh db? Hahahaha.

And parang di ko din magets bakit bigla ka napaisip sa comment ni aireen tungkol sa temporary joy, hehehehe.

Medyo malabo ang dating. Hahahaha.

ilyana's picture

Paumanhin to Francheska

Sorry Fran, kung nagulo ang kaisipan mo...

Yung napa-isip akong bigla dun sa sinabi ni Aireen na me kasama daw pag-ibig pag nangaliwa sila...akala ko kasi temporary joy lang.

OO nga ano? Kasi I am trying to be neutral-dahil minsan hindi lang naman mga guys ang mga nangangaliwa...me babae din...Pero ang point nga ni Fox-tayong mga babae ang me control talaga kung gusto nating mang-akit  ng mga Adan.

DUn kay BlackWidow-naduling ako dun, Lols-kulang kasi ako ng tulog kahapon...

But anyways- salamat sa iyong pagdaan. (pagamit ng linya niyo-newbie kc ako dito)

 ♥♥-ILyaNah-♥♥

keira's picture

sapul ako dun ah!

 

hahahaha pokpok pala talaga ako kung ganun kasi nang agaw ako at nanlandi at iyong nilandi at inagaw ko nagpaagaw at nagpalandi ng isang linggo at ang ending? bumalik siya sa original niyang girlfriend. toinkz! sakit. hehehehehe

iba nga lang ang case ko, kasi hindi adan ang inagaw ko. hahahahaha. pero napatunayan ko sa sarili ko na hindi lahat ng babaero eh adan. hehehehe.

agree ako sa iyo, walang maaagaw kung walang mang aagaw. hehehe.

pero ang luhaan lagi ay yung nang agaw. yun ang painful truth.

pero okay lang, natikman ko naman siya. ahahahaha.

nag enjoy ako sa blog mo. natural!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

ilyana's picture

Lolness

Nabaliw ako sayo Keira...Napaisip tuloy ako kung ano kaba talaga? hehehe..Ang ganda mo pa naman...na ti TL ako sayo (na ta Tawa Lang)

Pero totoo yun, na masasaktan din ang nang-agaw pag napag-iwanan sya, at binalikan ang orig. yun ang tinatawag na Carmi Martin, hehehhe...(pakoooshhhhh! tunog yun ng latigo)

 

Salamat at napasyal ka dito...

♥♥-ILyaNah-♥♥