WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS!

rose's picture

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS, BASTA MANALIG KA LANG

Gusto ko lang po ibahagi sa inyo ang isa pang sitwasyun na nangyayari sa buhay ng tao, Bakit marami sa atin na kapag ang kapwa natin ay hikahos sa buhay ay walang pumapansin , na minsan kahit ikaw ay mangutang wala sayo mag papautang dahil katuwiran ay wala naman trabaho, na kapag nakatira ka sa isang barong barong na bahay ay walang nakakakilala sayo at alam nilang wala kang pera at down ka ay lalo ka nilang I dadown. Parang sa sitwasyun ni osang na high school graduate  lang ang natapos, may isang anak at isang hamak na tricycle driver lang ang asawa at mahilig pa uminom ng alak ang kanyang asawa at siya ay sumasideline bilang labandera  at kung ano ano ang kanyang tinitinda na kahit kumita lang siya ng pabarya barya okey lang .Dahil sa hirap narin ng buhay,  kaya hindi na rin naisipan ni osang na magdagdag pa ng anak, simple lang ang kanilang buhay pero kinakapos pa rin talaga lalo na kapag mahina ang biyahe ng motor 50 pesos lang ang kinikita ng kanyang asawa, dahil sa high school lang si osang medyo mahina ang kanyang utak, na kahit sa mga mall lang siya mag-aaplay ay hindi nakakapasa sa interview, sa edad niyang 25 nangangarap si osang na makapag abroad upang mabigyan daw niya ng kinabukasan ang kanyang anak. Pero sa isip isip niya ay papano ko gagawin yun mahina ako at kapus ako wala akong pera para sa pag-aaplay at kinikita lang nilang mag–asawa ay sapat lang para sa pagkain nila sa pang araw araw at sa gatas ng kanilang anak. Relehiyosa si osang tuwing linggo ay panay simba upang magpasalamat at humingi ng kapatawaran . Lagi niyang katuwiran ay WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS BASTA MANALIG KA LANG.

Lagi nalang pinag-tatawanan si osang ng kanilang kapit bahay dahil mahina nga ang kanyang utak mahina siya sa English, kaya sabi ng kanyang mga kapit bahay papano siya makakapag abroad ni hindi nga siya makapag salita ng English, tama na sa kanya ang maging labandera, syempre masakit para sa kanya ang mga salita na iyun. Pero patuloy pa rin siya sa pag sisikap na makakuha ng passport, iniisip niya mahirap ang buhay dito sa pilipinas kaya kailangan ko umalis kahit ano trabaho para mapag aral ko ang aking anak.

At sa aking pag babakasyun isa ito sa naging mission ko ang mabigyan ng pagkakataon ang aking kapatid sa kanyang kahilingan, nakita ko sa kanya ang eagerness at willingness na makapag abroad, at tama ang kanyang sinabi na WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS BASTA BUONG PUSO KA LANG NA MANALIG . Bago pa man ako nag bakasyun ay pinakuha ko na siya ng passport , sinuportahan ko siya at sinabi ko sa kanya na kaya mo yan, at patunayan mo sa mga tao na yan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa ibaba ka, patunayan mo sa kanila na kahit mahina ang utak mo pag ginusto ng diyos ay makakamit mo ang iyong kahilingan, at sabi ko sa kanya na huwag mo nalang silang pansinin ipag pa sa diyos mo nalang ang lahat ng kanilang sinasabi , puro emotional at spiritual support din ang binibigay ko sa kanya. Binibigay ko sa kanya ang buo kong suporta bilang isang nakakatandang kapatid, masaya ako na nakikita ko siyang nag sisikap at may ambisyun siya para sa kanyang anak.  At sa gabay ng Ating Panginoon nag karoon ng schedule ang boss ko upang kumuha ng tao para sa bubuksan naming bagong restaurant sa Doha, Qatar, kaya naman hindi ko sinayang ang oras na habang nakabakasyun ako ay turuan ko ang aking kapatid kung sakali man na ma I aplay ko siya sa restaurant, ginawan ko siya ng mga reviewers at tinuro ko sa kanya ang mga basic English upang maintindihan niya, lagi ko sa kanyang sinasabi na kaya mo yan sis , walang taong bobo basta pag-aralan mo lang yang binibigay ko sa kanya. At sa kanyang pananalig na rin sa Ating Panginoon na walang sawa na pag darasal ay dininig ng diyos ang kanyang kahilingan. Iniaplay ko siya sa aming agency ng oras na ng employers interview ay hindi ko pa siya naipakilala sa aking boss pinabayaan ko muna siya na mainterview, walang referral hanggang matapos ang interview nagulat ako namumula siya na lumabas at parang gusto umiyak na sabi niya “sis nakapasa ako, sandwich maker or Prep , babalik daw ako sa Thursday para sa final briefing “ well at first I was surprised akala ko niloloko niya lang ako, but nayakap ko siya parang sobrang tuwa ko na nasabi ko sa kanya sis “I am so proud of you” sabi ko sa iyo kaya mo yan “ at tinanong ko pa sa kanya na buti nasagot mo lahat ng tanong niya, buti nakapagsalita ka, ang sabi niya sa akin ewan ko ba parang sinapian ako ng spiritu ng Diyos kasi tuloy tuloy ang salita ko “ nakakatuwa pakinggan para lang siyang naglalaro hindi daw siya makapaniwala na makakapasa siya. Dun ko nakita na pinag-aralan niya ang binigay ko sa kanyang mga notes, at sabi niya dininig din ng diyos ang aking hiling napakabait ng diyos sis. Kaya pag ginusto niya walang imposible sa diyos. Sobrang tuwa ko hindi ko na naiisip ang mga kaliwa’t kanan na gastos, pamasahe, medical, placement fee ng aking kapatid sabi ko sa kanya ang importante ay makaalis ka at natupad ko ang pangako ko na tutulungan kita kahit ano mangyari.

Dahil itong bunso kong kapatid ang isa ko pa ring naiisip naaawa din ako sa kanyang sitwasyun, kaya naman ginagawa ko rin ang lahat upang sila ay aking matulungan. Wala akong ibang hinahangad sa aking buhay kundi ang matulungan ko ang aking magulang, mga kapatid at mga pamangkin, na kahit minsan ay hindi na ako makahinga sa gastos he he he he he ay iniisip ko kikitain ko pa rin yan basta mailagay ko sila sa ayos at matulungan ko sila, pero syempre sabi ko sa kanila tutulungan ko kayo pero tulungan ninyo rin ang sarili ninyo, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito ako sa tabi ninyo, nasa lugar ang pag tulong ko sa kanila . At ang bagay na kinatuwa ko pa sa kanya ay na aapreciate niya ang lahat ng tulong na ginagawa ko sa kanila.

Isang bagay ang sinabi ko sa kanya ngayun sa pag-alis mo trabaho ang ipupunta mo dun hindi sarap, kaya ang bagay na maigaganti mo sa akin ay magtrabaho ka ng maayos, tapusin mo ang kontrata mo, at magsikap ka at mag-ipon para sa kinabukasan ng iyong anak, at huwag na huwag ka mag bago kung ika’y magtagumpay . Huwag na huwag ka makakalimot na tumawag at magpasalamat sa diyos. Dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ka makakaalis, siya ang higit nating pasalamatan.

Kaya para sa lahat lagi po natin tandaan na WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS , basta buong puso po tayong manalangin sa kanya pagbibigyan niya tayo sa lahat ng ating kahilingan. Kaya para sa akin Diyos lang talaga ang may kapangyarihan tumugon sa ating mga kahilingan, sabi nga nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa, Hangga’t may buhay ay may pag-asa  at hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa ibaba tayo sabi nga niya ang mga taong nagpapakababa ay aking itataas at mga taong nagpapakataas ay aking ibaba.  Kaya I am so thankful to god, I am so blessed talaga na lahat ng aking dasal ay binibigay niya, kung meron mang pag subok na dumarating ito’y aking nalalagpasan at napatunayan ko na kapag ikaw ay tumutulong na maluwag sa iyong puso , ay napakaraming blessing din ang binibigay sa iyo parang ang gaan gaan ng buhay mo at para sa akin ang pera ay bulaklak lang sa kamay ng tao, oo kailangan natin ang pera pero dapat nating isipin na ang pera ay dapat nating gamitin! hindi dapat na ang pera ang gumamit sa atin. At isipin natin na kapag tayo’y mamamatay na kahit anong dami

Ng ating pera ay hindi natin madadala sa hukay. At isa ko pang natutunan ay huwag tayo magpapadala sa ating tagumpay, dapat lagi natin isipin kung san tayo nanggaling at lagi nating isipin na ang diyos ay hindi natutulog nakikita niya ang lahat ng ginagawa natin, ang sarap mamuhay ng matiwasay, tahimik yung wala kang nasasaktan at nilolokong tao.

Kaya sa lahat po ng taong nawawalan ng pag-asa HUWAG PO KAYONG MAWALAN NG PAG-ASA , HANGGAT MAY BUHAY MAY PAG-ASA. Nandiyan po ang Diyos na laging nakasubaybay sa atin basta mamuhay lang po tayo ng tama ay didinggin po niya ang ating kahilingan. At kung tayo po’y makaranas ng pangungutya mula sa ating kapwa isipin lang po natin na nandiyan ang Diyos, ipag pasa diyos nalang po natin ang lahat, isipin nalang po natin na isang pag subok lang yan upang tayo;y maging matatag at pag sikap na makamit ang ating minimithi sa buhay. Ito po ang napakagandang bagay na aking matatanggap ngayung kapaskuhan na may roon akong magandang bagay na nagawa para sa aking pamilya.

 

GOD BLESS TO ALL. Merry X-mas & Happy New Year.


Ailem23's picture

hello ate rose!

Tama ka ate rose... basta't buo ang pananalig sa Diyos lahat ng imposible ay nagiging posible... daanan man tayo ng problema at  pagsubok, mananatili tayong matatag kung kakapit talaga tayo sa Diyos...

musta ka na ate rose? ala na ako balita sa iyo ah...

 miss you na...

ingat palagi,

melay 

love's picture

ganda ng mensahe

 

 

Ok po itong ginawa ninyo at maganda ang mensaheng gustong iparating. Salamat sa pag-post ng tulad nito nabusog na naman ako. I'm sure mas marami pang biyayang darating sa'yo at sa buong pamilya mo.

Merry x-mas! 

God bless.

 

jhajha 

Nice One!

Ang ganda ng entry na ito Ate Rose! I'm looking for more. Merry Christmas and A Happy New Year! ^_^

 

http://manlalakbay88.blogspot.com

Aleluya!

 

Aleluya! Amen?

Pasensiya ka na, kasi gusto ko sanang magreak sa ipinoste mo. Wala naman akong hangad na pamemersonal. Kinakati lang talaga akong magkomento.

Isa na kasi akong agnostic. Iyon ay mula nang mabasa ko nang lubusan ang tungkol sa arko ni Noe.

Sana, masagot mo ang mga tanong na ito, na sanhi kung bakit ako naging agnostic na:

 

1. Iilan lang ang tao sa daong o arko ni Noe? Wawalo lang. Iilan ang mga hayop? Libo-libo.

Ang isang pahayupan (zoo) sa panahong ito, gaya ng Manila Zoo, ay may maraming tagapag-alaga upang mapakain, matingnan ang kalusugan at gawi, at malinis ang mga kulungan ng mga hayop niyon.

May libu-libong hayop sa daong ni Noe. Nakayanan ba ng walong sakay na tao na palamunin, alagaan, at suriin ang mga kalagayan ng mga iyon sa loob ng isang taon at sampung araw na nasa loob sila ng arko?

2. Ang mga isinakay sa daong ay tigpipitong pares ng mga malilinis na hayop, tigdadalawang pares ng mga maruruming hayop, at tigpipitong pares ng mga ibon.

Saan kumuha sina Noe ng karneng pampalamon sa mga karniborong hayop, gaya ng leon, tigre, at leopardo? Wala namang reserbang hayop para magsilbing pampalapa sa mga iyon.

Dahil makaluma pa noon, walang kakayahan si Noe na mag-imbak ng karne sa loob ng isang taon at sampung araw na maglalagi sila sa daong. Maaaring namatay sa gutom ang mga karniboro, o di kaya’y ibinaling ng mga ito ang mga matutulis nilang ngipin sa iba pang mga hayop. Nang wala nang mapagpistahang mga hayop, maaaring pinaglalapa ng mga ito si Noe na mismo at ang mga kapwa pasaherong tao nito.

3. Ang mga elepante, rinoseronte, hipopotamo, giraffe, kalabaw, baka, kabayo, tupa, at iba pang mga herbiborong hayop ay kumakain ng mga tanim. Lalo na ang mga elepante, rinoseronte, hipopotamo (ang mga pinakamalalaking panlupang hayop), na daan-daan o dose-dosenang kilo ng mga pananim ang nilalamon araw-araw.

Ang mga imbak na tanim para sa mga ito sa loob ng isang taon at sampung araw ay mangangailangan ng malaking paglalagyan sa daong. At maaari bang maiimbak ang mga iyon sa loob ng gayong mahaba-haba ring agwat ng panahon? Muli, si Noe ay walang teknolohiya upang magawa ang gayon.

4. Ang dumi naman ng mga hayop? Paano nilinis nina Noe ang timba-timbang tae araw-araw ng elepante pa lang, ha?

5. Wala ring daluyan ng hangin ang daong, kasi ikinulong silang lahat ng Diyos sa loob.

Dahil walang sariwang hangin (oxygen) na pumapasok, ang isang araw lamang kung saan ang lahat ng mga nilalang na naroroon ay nagpapakawala ng mga di-kasiya-siyang alingasaw (carbon dioxide), gaya ng anghit at utot, ay sapat na upang mamatay silang lahat dahil sa pagkayamot at di-makahinga.

Bukod pa riyan, ang init at diin ng hangin na namumuo sa isang ganyang saradong istraktura ay kayang magdulot ng isang malaking pagsabog, mala-bomba atomika. Nagwakas na sana ang lahat ng mga nilalang ng Diyos.

6. Dahil saradong-sarado ang daong, tiyak na napakadilim sa loob, lalo na sa pinakaibabang palapag nito. Ang libo-libong hayop ay mangangailangan ng mga sulo bilang mga ilaw, at ang mga sulo ay nararapat na matyagan upang maiwasan ang sunog.

Subalit ang walong tao na sakay ng arko ay hindi sapat upang mamatyagan ang mga sulong iyon.

Bawat isa sa tatlong palapag ng arko ay 450 talampakan ang haba at 75 talampakan ang lapad. Kung kaya, ang isang hindi nababantayang sulo ay maaaring naging mitsa ng isa pang kakila-kilabot na wakas ng lahat ng mga nilalang na nasa arko.

7. Ang tungkol sa kalapati na may dalang dahon ng olibo pagbalik kay Noe ay katawa-tawa.

Nilamon ng Baha ang buong planeta, kabilang na ang mga pananim, hindi ba? 

Mangangailangan ng mga buwan at taon ang isang puno ng olibo, o anumang puno, upang umusbong, tumubo, at magkaroon ng mga dahon at sanga.

Pero ginalak ng kalapati si Noe sa pamamagitan ng isang dahon ng olibo na pinupol nito pitong araw lamang matapos humupa ang tubig!

8. Ito namang si Noe, 500 taong gulang na nang suguin ng Diyos na buuin ang arko. Bakit kaya wala pa siyang mga apo at apo sa tuhod noon? Nagkaroon lamang siya ng mga apo pagkatapos ng Delubyo. Ba’t gano’n?

Iyan ang mga bagay na nagtulak sa akin na isipin na parang hindi totoo ang mga nangyari sa Delubyo sa panahon ni Noe. Duda na tuloy ako sa Bibliya.Kaya, isa na akong agnostic ngayon.

Muli, pasensiya ka na kung nakasasaling ako ng damdamin. Wala akong intensiyong manakit.

Pmel's picture

I watched a documentary that "debunked" the story of Noah.

Accoring to this documentary that I've watched, they suggest that it's an urbanized tale of an Egyptian Merchant with a boat large enough to carry domesticated animals, mostly those used for their hides, teeth, tusks, etc. It's really interesting. 

In addition, the boat wasn't the size or shape of Titanic. It was more a series of little boats tied together to make one large boat.

They were at the banks of the river when the rain and flood came and took them out to the Red Sea ... something like that. I can't really remember. Google it. :3

  So, after what you've

 

So, after what you've seen, you don't believe in the Bible anymore?

It's really a childish story that was fecund enough to titilate ancient thinking, isn't it?

 

Pmel's picture

I'm still a little iffy, to be exact --- like Emily D. *blushes*

I felt duped.

 

 

 

But ... spiritually speaking, I do believe in the Holy Ghosts so, that would still make me believe in a God -- though I hate God for letting these "false prophet" continually play with my mind. It's not nice to confuse the vulnerable people ... we have a heart you know ... but then again, the world is never fair. :(

 The world is never fair,

 

The world is never fair, indeed.

God has put us here on earth, when the God of this world is Satan.

That's the primary reason why there are sufferings and injustices: God lets Satan rule the world we live in.

I just can't understand why.

 

Pmel's picture

Maybe ...

Just maybe because Satan is emotional or knows how to control people's emotions/minds. God may have placed him here so we could learn to control them and turn away from Satan.

To be passive in all things, is to be strong, as Yoda from Star Wars says. The Force is used not to attack but to defend oneself, to learn and be at peace. I think it makes a lot of sense.

  How could we ever learn

 

How could we ever learn to control ourselves?

We, humans have individual limitations. One may be good in something, but others are not.

Not all of us can know what a conjunctive adverb is, and how it is used (like many writers here).

Not all of us can know the value of x in such equation as 2x + 3 = 11.

What more with faith, with religion, with God, the Devil, and all that stuff?

We can never understand God.

Not until he finally presents himself before humankind, because at that moment, in the words of Stephen Hawking:

"That would be the ultimate triumph of human reason, for then we would know the mind of God."

 

Pmel's picture

If you see a ghost before understanding what a ghost is

Would you know that it is a ghost?

Likewise, if you do see God and he spoke to you, would you know that it is God and understand the wisdoms of his words?

Like most people who made fun of the idea that the world is round and not flat, you might have laughed at God in his face and walk away.

You have to experience the world first and understand it before you move on. The problem with most people is, they like to skip over little stones to get to the larger one. Guess what happens? They fall into the water, symbol of rebirth and the cycle goes on.

  Don't give me a lecture

 

Don't give me a lecture about experience, for I have much to say about it. I am already 36, and life has been both good and bad to me.

How could you know that the spirit you're talking to is God?

He could be Satan, the angel of light.

I still believe in God, but I don't and can't feel him and his presence, and I don't really understand what he really wants to do or tell us -- why all the creation in the universe.

Agnostic, that's what I am.

You?

 

Pmel's picture

Me?

 

I am that I am. :3