Walang Paalam
Submitted by dollysbigbaby on August 25, 2010 - 8:54am.
lihim na nababaliw
Sa isang kisapmata
naglakbay ang aking ulirat
at napadpad
sa isang ilang na gubat
ng mayayabong at matatayog
na kakahuyan
at ang lapag ay nasasapinan
ng banig ng mga lantang dahon
na nangagsisibulok,
makapal at nag-uudyok
ng masidhing lungkot.
Bumalik ang aking diwa
sa kasalukuyan
at bigla ay natuon
sa iyong kasalatan.
Mayabong at matayog man
ang aking kaanyuan,
may karimlang naglilimlim
sa aking kalooban
bunga nang iyong
tikom na paglisan.
» dollysbigbaby's blog | login to post comments | 366 reads


