Walang Pamagat
Submitted by d-younker on August 14, 2011 - 10:02am.
Ang paghalik ng panulat
ay magsisilbing imortalidad
sa minsang pasakit
na iiwan sa isang pahina.
Pipiliin ang pagpatak ng dayap
na magdaragdag sa hapdi
ngunit gigising sa kalamnan
at sa isipang lukob ng pantasya.
Sasayaw sa karagatan
ng paglimot at paglaya.
Yayakap sa karimlan
na malaya sa bukas.
» d-younker's blog | login to post comments | 286 reads
Kung tutuusi'y walang
Submitted by RJ Santos on August 15, 2011 - 9:03pm.
Kung tutuusi'y walang limot
Ang makakahipo sa tulad mo
Ngayong mga salita mo'y naaabot
Ang mga lihim at sagrado
Kudos sa iyong tula - napakaganda. :)
» login to post comments




hindi ka po bago dito, i
hindi ka po bago dito, i checked your profile.. hehe hindi ako stalker ahh.. chinecheck ko po kasi yung profile kapag maganda yung pinost niya. hehe
o di ko pa direct sinabi na maganda yung tula.. :)
I've been waiting impatiently to read some good work here sa FW. yung mga luma hinahalungkat ko dito eh.. iilan na lang kasi nagpopost ng maganda...
Ang paghalik ng panulat
ay magsisilbing imortalidad (ito paborito ko..)
my personal interpretation.. maigsi lang...
panulat at imortalidad. pagsulat ay isang paraan para maging imortal. :)
ang galing lahat... kung ansdito pa sana si Sir Alexander Dagrit. aantayin ko ang comment nia.