Walang Tuldok
Dito sa ating daigdig,
kamatayan ang nagtutuldok
sa bawa't pangungusap
na dumadaloy
sa bawa't butil ng buhay
na bumubuo sa isang nilalang.
Sa pagitan ng pintig ng puso
ng isang may dugo at laman,
maraming butil ang napaparam,
sindami ng mga tala sa himpapawid.
Gayun pa man,
patuloy ang buhay sa pagpintig
habang namamayani
ang pawang nangungusap na mga butil
sa kabuuan nitong nilalang
hanggang sa dumating ang pagkakataon
na magapi ng mga tuldok
ang mga pangungusap
at ang lahat ng hibla
nitong nilalang
ay magbabalik-alabok.
Nguni't ang buhay
ay magpapatuloy sa pagpintig sa malayong dako
na lingid sa paningin ng mga nilalang sa lupang ibabaw,
sa isang dako na kung saan kailanma'y walang tuldok.
hi anne :D
actually nung ginawa ko tong tulang to, nasa isip ko ang mga taong kilala ko na pumanaw na, mga taong masasabing qualified na pumuntang langit ayon lang naman sa standards ko. pero meron din namang walang hanggang tuldok.
ako naman, di takot mamatay. takot akong pumanaw na hindi ko nagampanan lahat ng dapat kong gawin sa mundong ibabaw.
anne, may maganda akong kwento para sa yo. hope i can get to start writing the story. medyo mahaba e. abangan mo ha.
Hello there!
Nagustuhan ko sa tatlong punto: una, makinis ang pagkakasulat at may direksyon; ikalawa, sinulat mula sa puso; at ikatlo, nagbibigay pag-asa.
Magsulat pa..



:)
sana walang masasamang tao sa dakong walang tuldok jane, kundi'y lubos itong nakakalungkot. maraming natatakot mamatay at isa ako don pero sana may masayang dako na naghihintay sa lahat ng naniniwala sa Kanya.
magandang araw :)
adlesirctavas.blogspot.com