WANTED TEXTMATE

spike_west's picture
Hindi ba usong uso ang mga textmate-textmate na yan sa atin? Eh di ba halos tadtad ng mga cellphone number ang mga upuan ng bus, CR at kung ano ano pang pwedeng sulatan. At dahil dyan, may ikukuwento ako sa inyo. Naks

Kwento 1:

Mayroon akong kabarkadang babae na itago natin sa pangalang Me-an. Si Mean medyo isang babaeng mahilig magtextmate, palibhasa naka-unlimited call and text sya kaya malakas ang loob nyang makipag fonepal/textmate. Dahil maganda ang boses ng barkada ko na yun eh meron syang naging katextmate/fonepal, at itatago natin sa pangalang “Loverboy”. Medyo hindi kasi kagandahan si Mean, kaya naman nahihilig sya pakikipagfonepal/textmate.
.
So to cut the long story-short, naisipan nilang mag-EB (eyeball). So heto na, dahil babae si Me-an, nagpasama sya sa akin para meron daw syang bodyguard. Usapan nila magtatagpo sa SM-Cubao (wow totyal na totyal), sabi nya sa akin magtago daw ako para hindi isipin ni “Loverboy” eh may kasama sya.
.
Napag-usapan nila na magre RED sila, para madaling magkakilanlan. So si Mean, suot suot nya ang paborito nyang TSHIRT na Red na may Power Ranger sa gitna este may Winnie the Pooh Character pala. Red kung red ang suot nya, para madali raw syang makilala, pulang pula din ang lips nya at kuntodo make-up din sya. So usapan 3:00PM sa tapat ng Jolibee.
.
Heto na alas 3:00 na ng hapon, pero wala pa rin si Loverboy. Medyo kinakaba-kabahan pa nga si Me-an. Makalipas ang 30 minuto wala pa rin si Loverboy. Kaya duon na ako nagduda, na baka hindi sinipot ni Loverboy si Mean dahil nakita na nya na hindi ito maganda.
.
Kaya iginala ko na ang aking mata , at may nakita akong 2 lalaking, nagtatawanan sa gilid ng Jolibee. Medyo nagduda ako sa dalawang yun, at ang malakas ang kutob kong isa sa kanila si Loverboy. Kung tatanungin nyo ako kung ano hitsura nila, ang masasabi ko lang ay…………mukha silang TAKURENG MAY KALAWANG. (kapal ng mukha nilang indyanin ang barkada ko)
.
So lumapit na ako sa isa sa dalawang lalaki
.
AKO: Hoy!!! Ikaw ba si Loverboy?
.
Lalaki 1: Hellowww???? Naka RED ba ako?? Tingnan mo nga blung-blue ang suot ko.
.
AKO: Eh gago ka pala eh paano mo nalamang RED ang dapat mong isuot.
.
Lalaki 1: huh?? (natuliro ang gago)
.
Hayun nagtatakbo sa takot ang dalawang kumag, dahil kung hindi pupulutin nila sa sahig ang ngala-ngala at gilagid nila. Pinuntahan ko na si Me-an dahil wala na syang tatagpuin pa. Medyo ayaw pa nga nyang sumama sa akin, pero nung sinabi kong ililibre ko na lang sya ng Jolly Kiddie Meal (basta akin ang laruan) hayun wala ng sabi sabi, sumama na.
Makaraan ang isang araw hayun umiiyak si Mean dahil di na raw sya tinetext at tinawagan ni Lover boy. Kaya sabi ko manghula na lang uli sya ng number para may bago syang textmate.
Kwento 2:
Si Caloy (di tunay na pangalan) isang barkada ko ring mahilig sa textmate. Feeling nya masyado syang ma-appeal kahit alam kong sya lang ang nakakaalam nun. Medyo mahangin,maepal at pakiramdam ng kumag,magkamukha sila Dingdong Dantes, kahit alam naman ng mundo na mukha syang……. .....DOORBELL ( Dingdong rin naman).
.
So heto na nga dahil nga nagkaroon sila ng usapan ng textmate nyang si “Pinky Pink” (hulaan ko peyborit nyang color….RED). Mag-eeyeball sila sa Odyssey Music Store sa SM North Edsa (SM na naman?), usapan nila magsusuot naman sila ng PINK (suggestion yan ni Caloy).
So heto na dumating na kami sa Odyssey ng mga 5:00 PM, pero may napansin ako kay Caloy.
.
Ako: Tae ka pare, eh di ba pink ang usapan nyo, bakit ka naka Green?
.
Caloy: Gago ka ba, eh paano kung panget si Pinky, eh di lugi ako!
.
Ako: eh paano kung maganda, eh naka-green ka naman.
.
Caloy: Wais to bro, may baon naman akong poloshirt na pink!
.
Ako: Okay sabi mo eh!
.
So heto na alas 5:20 wala pa akong nakikitang nakakapink sa loob ng Odyssey, at para kaming mga shoplifter na tingin ng tingin sa mga tao sa loob. Habang naglalakad lakad kami, may napansin naman akong dalawang babae na bulungan ng bulungan sa may kanto ng Odyssey. Pakiramdam ko sya si Pinky Pink, pero nagulat ako kasi………………… naka-VIOLET sila. Kung itatanong nyo ang hitusra ni Pinky Pink, ang masasabi ko lang ay…....… bagay na bagay sila ni Caloy! Pakiramdam din nya maganda sya,kahit alam ng mundo na mukha lang syang nagdedeliryo!
.
Nagtataguan silang dalawa, at dahil nakahalata na rin si Caloy na si Pinky Pink ang babaeng naka-Violet, Kinumpirma nya sa pamamagitan ng pagtawag nito. At nung biglang nag-ring ang cellphone ni Pinky Pink, nagtatakbo si Pinky Pink palabas habang tumatawa.(parang mga tanga lang!)
.
Ako: Ano pre natanso ka no?
.
Caloy: Oo nga pre buti na lang di ako nag Pink!
.
Ako: Ganun?? Eh Nagkagaguhan na nga kayo kulay pa ng damit pa ang inisip?
.
Caloy: Hehehe
.
Umuwi na lang kami at bumili ng nilagang mane sa gilid ng SM. At habang kumakain ng mane ang kumag ngingite ngite siya habang nagtetext, at sabay sabing may bago daw syang textmate ang pangalan......... YELLOW BELL daw. At sabi daw nya sa text, kamukha daw nya si Kristine Hermosa (malamang magkamukha lang sila ng.... KUKO)
.
Inaya uli ako ni Caloy sa susunod na EB nila ni Yellow Bell, pero di na ako sasama.  Dahil alam kong magkakagaguhan na naman. Sabay ubos ng nilagang mane sa supot.
.______________________________
Ngayon syempre ang bawat istorya may moral lesson, kaya ang moral lesson na masasabi ko ay
WAG MAKIKIPAGTEXTMATE,!!
KUNG MAG-EEB MAN KAYO, WAG NG MAGSABI KUNG ANONG KULAY NG DAMIT ANG DAPAT ISUOT!
Yun lamang po!
Maraming salamat!
Spike

Ailem23's picture

haha

 ung best friend kong RN, ang hilig din sa textmates. kung sinu-sino ng textmates naging bf niya. one time nakipag-EB siya kinaladkad niya ako. e sabi ko wag siyang parang sabik sa lalaking basta na alng papakita. tingnan niya muna. so ang meetig place, ung fountain sa ground floor ng Robinsons Lipa. nagpunta kami sa second floor at tinanaw dun ung textmate niyang... medyo mukhang adik -adik. hahaha.. 

hindi ako nahilig mag-text kahit kelan. haha. ayaw ko rin ng text mates. buti na lang..   

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

Luca's picture

aminin mo na spikey...

ikaw talaga si Caloy.

 

 

ayus... 

 

 

 

dyeppri's picture

ako din...

tinangka ko noon na makipagkita sa ka text mate, phone pal at minsa ay ka sex phone pa (hehehe)... putcha--- natakot talaga ako...kasi ang itsura niya ay malaking babae at mataba pa, parang amazona na kumakain ng tao. Hindi ko sinasadyang tumakbo papalabas ng mall at dali-daling sumakay ng bus pa cubao (kahit saan-bahala na basta makalayo lang ako). wahahaha Sealed

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

Nearyou's picture

Hahaha..

Ayos. Nkakatawa.. Nako.... mangtxtmate ka nlng nang kilala mo.. at least un sure ka na sa itsura.. ahahaha