Wanted Writer/Reporter (maikling kwento)
Wanted Writer/Reporter
November 2000. Taft Avenue.Manila
Wala talaga akong mahanap na trabahong may mataas na sahod sa linya ko kaya’t sinubukan ko minsan na mag-aply bilang writer/reporter sa isang pahayagang magbubukas pa lamang. Wala namang masama kung susubukan ‘di ba, ang sabi ko sa sarili ko. Tsaka hilig ko rin naman talaga ang pagsusulat sa mga bagay-bagay na nakikita ko.
“Sir mag-aaply po ako bilang writer/reporter. Sino po ba ang tamang kausapin ko dito?”
“Sige tuloy ka na duon sa opisina sa itaas at. Hanapin mo si Mr. Reyes. Mayroon din isang aplikante na magpapa-interbyu na.”
“Salamat Guard.”
Sira ang elevator at nasa ikaanim na palapag pa ang opisina. Pawisan ako hindi dahil sa kinakabahan ako ngunit talagang nakakapagod akyatin ang makipot na hagdanan ng bulok na gusaling ito sa Taft Avenue. Halatang pipitsugin ang Opisina nila. Andito na rin lamang ako kaya itinuloy ko na. Baka masayang din ang pinamasahe ko.
“Dito po ba ang opisina ni Mr. Reyes?”
“Ako iyon, pasok. Maupo ka dito sa tabi namin. Pasensya na kayo at informal lang ang gagawin kong pag-iinterbyu sa inyo ha. Ang totoo niyan ay gutom na ako.” kaya ka tumaba ng ganyan sa isip-isip ko at malamang ganyan din ang nasasaisip nitong isang ito.
“Okey lang Sir.” abat sinabayan pa ako nitong gagong ito sa pagsagot na halata rin namang naiirita siya. Nagpapalakas na agad siguro.
Itinaas ni Mr. Reyes ang isang lata ng sardinas habang tinititigan ang resume namin, “ano itong nakikita mo Mr. Francisco?”
Hmm Kiko pala ang pangalan mo ha at sumagot siya “ E hindi naman po ako bulag. Isang lata ng 555 na pulang sardinas. Maanghang siya. Masarap lalo na kung gutom na gutom ka.”
Anak ng puta. Syempre ang lahat ng pagkain ay masarap sa taong gutom, sa isip ko.
“O ikaw naman Mr. Jeffrey.”
“Kahirapan po ng buhay. Kakulangan ng tamang pasahod upang normal na mabuhay ang isang manggagawang tulad ninyo. Biruin ninyong katanghaliang tapat ay sardinas ang ulam ninyo na hindi pa niluto. Ibig sabihin nito ay maaga kayong pumasok at wala ng oras pang- igisa ito upang magkaroon man lamang ng kakaunting karagdagang linamnam. Masipag ang taong mayhawak nito ngayon, oras na ng pagkain ay nagtratrabaho pa rin. Ngunit kitang-kita ko na hindi nasusuklian ang kasipagan na sana ay nararapat para sa inyo.” seryoso kong sagot.
Ganyan naman talaga ako. Masyadong malalim mag-isip at lahat ng bagay ay may nakikitang kakaiba. Minsan nakakatawa at minsan ay hindi.
Kung ano-ano pa ang tinanong ni Mr. Reyes ngunit ang lahat ng ito ay tungkol na sa resume ko. Nakikinig na lamang sa amin si Kiko at sa isip-isip ko ay nais na niyang lumayas at nahihiya lamang tumayo.
“Sir isang tanong na lamang Sir, magkano po ba ang sahod ko?”
“Ah...eh... mag-umpisa ka muna sa 5 thousand kasi wala ka namang experience pa sa ganitong trabaho.” Shit. Masmataas pa pala ng ‘di hamak yung sa Hospital na inayawan ko.
Nakita siguro niyang sumimangot ako, “daragdagan ko naman iyan kapag malakas na ang benta ng dyaryo natin.”
Bahala na tutal partime lang naman ito habang wala pa akong nahahanap na magandang work. Isa pa ay wala pa naman daw kaming kontrata at pwede akong umalis kahit kailan ko gustuhin. Pag-iisipan ko na rin. ‘Yun nga lamang ay kung hindi daw ako makakaisang buwan ay wala akong sasahurin kahit singkong-duling.
Palabas na sana ako ng ipahabol niya “balita ko ay may bagong nobyo si Ai-ai kaya magpatulong ka kay Michellii kung papano mo siya maiinterview.”
“Opo Mr. Reyes.” Asa ka pa.
Babalik na lamang ako sa POC kaysa habul-habulin si Ai-ai o sinumang artista. Natatawa akong tumalikod na bumaba sa mataas na hagdan at hindi ko maimagine ang sarili ko na makakaya ko iyon. Shit! Grabe to the max itong araw na ito.
dyeppri
gulong lang ng gulong....
kung nagakataon pala
kung nagakataon pala showbiz reporter ka? hehe di ko ma imagine may kalaban na si Rey Pumaloy hahaha!
nakakalungkot nga isipin na kung magsusulat ka dito sa Pilipinas dapat handa kang magutom. ganun din ang pagiging artist. ang sama nga lang artist na ako writer pa parehong propesyon na walang kita.
pero ayos lang di lang naman sa pera nahahanap ang kaligayahan e (pakunswelo)
salamat sa pagbabahagi
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
hehehe...uunga ano!
si rey pumaloy, ako?nyahahaha!!!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Walanjo, wala na akong masabi
Halos lahat na ng trabaho napasukan mo na bro, driver, PT, at pati pagiging reporter/writer. Pero ang hindi ko kinaya eh akalain mong kinarir mo pati yung paglalarawan sa sardinas. Eh kung ako yun sasabihin kong isdang nilagay sa lata lang yun.
Ngayon ko lang napag-alaman na ganyan lang pala kaliit ang sweldo ng mga reporter/writer, kaya pala kahit kasingit singitan ng artista o pulitiko ay kinakalkal dahil hindi pala sila kikita kung wala sila mabebenta.
Ako nga ganyan din ang sweldo ko sa munisipyo, at napagtiisan ko yan sa loob ng 2 taon. hahahaha
Ingat
SPike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Sa hirap ng buhay sa pilipinas...
Sa hirap ng buhay sa pilipinas ang dahilan repaks kaya't kailangang pasukin kahit ano para lamang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Mabuti na lamang nga at walang bumili sa akin nuong sinubukan kong maging macho dancer.ahihihi...kadiri daw kasi malaki ang tyan!hehehe (joke!) Business minded kasi akong tao na kahit paglalako sa bawat bahay ng hotdog, meat, pantalon, tshirt at pirated CD/VCD ay nasubukan ko na. Gustong yumaman.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."





di ko feel ang kwento
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
kasi mas feel kong hinahabol mo si aiai....
Ikaw na naman ang bida
Bakit kaya minsan mahirap asahan ang pagsusulat.. lalo na kung ito lang ang aasahan mo... parang ang hirap kumita sa pagsusulat.....
jonsdmur