Watch This and Weep!
ito ang dahilan kung bakit napakaraming pulitiko ang nagkakapit-tuko sa pwesto.
may araw din kayo!!!
direct link: PART 1 http://www.youtube.com/watch?v=4q0JKzpjh_o
PART 2 http://www.youtube.com/watch?v=_B6I8h24sC8&feature=video_response
Di ako sang - ayon sa brata-taat mo tantizm
ang dapat sa kanila, palakarin sa daan nang HUBOT HUBAD.... at pagkatapos, i-taas sila sa entablado sa may Luneta, nakatali ang mga paa't kamay sa flagpole... HUBOT HUBAD PA RIN...
At lahat ng PILIPINO eh PIPILA, para pagsasampalin, okay na ang 1 slap/Filipino, kung buntis dapat dalawang slap... kung nawalan ng kamag-anak dahil sa kagagawan ng mga arroyo na yan may bonus silang pingot sa tenga...
PERO DAPAT LAHAT NG PILIPINO, PLEASE LANG PUMILA!!! (Kung sa patay pipila eh, haay)
Makatao pa rin naman ako kahit paano, di kasing baboy ng mga hayup na yan... Ay sorry sa baboy... lam ko unfair sa kanya (sa baboy), tsk!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
girl,
sigurado ka bang gusto mo sila makitang hubo't hubad? ewwwwww....
MAHIRAP SUMUKA PAG WALANG LAMAN ANG SIKMURA.
dapat sa kanila, i-epoxy yung mga butas ng pwet nila, para yung sandamakmak na kinain nilang galing sa nakaw e hindi na makalabas sa mga katawan nila at unti-unting makalason sa kanila. o hanggang sa sobrang daming naipon na shit sa katawan nila e lumabas na lang din sa bibig nila.
para hindi lang nila naririnig yung shit na sinasabi nila, nalalasahan pa nila. hahahahahaha...
a slow, cruel and unusual death!
wag kang pipikit...
Yien, ayokoh!!!
di ako pipila. ewww, wag na sila hubot hubad. parang parusa naman sa atin un na makita ang kanilang kahubdan, hane. hahaha!!!
O siya sige na nga...
Game na lang ako sa suggestion ni Luca... Sinong maglalagay ng epoxy? Siguraduhing yung expert, kasi lam mo na baka pati yun eh dayain nila!... Did I see your hand raised Jo?
Sige si neneng na lang maghuhubad...
(ng pagkatao niya... hehe)
http://wattuduyanie.blogspot.com/
no!!!
Yien,im not raising my hands. nangati lang kilikili ko.
tama na kababanggit kay neneng. inaagaw nya na masyado ang limelight.
ngeh!!!
di kaya mga pwet talaga sila na nagkatawang tao???
haha, sorry neng, isip bata na naman ako.
WHAT A LIAR-MORON-SICK BASTARD!
Lubus lubusin ko na pagmumura ko, baka sakaling magunaw sa mundo ang halimaw na yan... di na lang sapat na maligno eh, hayup talaga... haaayss.
Year 2002, he declared 5 Million sa SAL niya, nung naging congressman Y2006, 76M na, and what was the excuse? Kasi daw dipa uso mag declare ng properties noon...
Singkit na singkit na ang mata niya sa kasi-sinungaling! Tina-try pa niyang idaan sa biro eh, gagu talaga... Parang siya nage-LBM... ay grabe na talaga...
aaaahhhhhh, di daw kalakihan yann... aahhhhh!!! puputok ata ulo ko...
http://wattuduyanie.blogspot.com/
Aha!
cant wait to watch this tomorrow...sarap sana magkomento pero di ko pa napapanood. thanks for posting this kuya.









Hindi ko gaanong mapanood
Hindi ko gaanong mapanood mabagal kasi yung smart bro ko. Nabasa ko yung topic na ito kanina sa Inquirer na kung saan ay pinangangalandakan ng pamilyang Arroyo na sapat ang kanilang kayamanan upang bumili ng real estate sa Amerika. Ayon kasi sa pagsusuri ng PCIJ na hindi ito idineklara sa SAL ni Mikey Arroyo.
Talaga namang kaya nilang bumili ng ganung ari-arian dahil sa tuwing tataas ang premyo sa lotto ay isang pamilya lamang ang nakikinabang, kundi ang kanilang pamilya. Ito ay ibinulgar ng isang kawani sa PCSO.
Nakakapagtaas talaga ng kilay at presyon ng dugo na ang mga kapit-tukong pamilya na nagtatampisaw sa kapangyarihan ng politika at ekonomiya ng bansa ay nagkakamal ng limpak-limpak na salapi.
Bumabalik tuloy ako sa nostalhiya ng ating kasaysayan na kung saan ay isiniwalat ni Primitivo Mijares ang mga tagong yaman ng dating rehimeng Marcos. Samakatuwid, ang kasalukuyang administrasyon ay hindi nalalayo sa anino ng pagbabalat kayo at pagtatahi ng sandamukal na kasinungalingan habang maraming Pilipino ang nagdadahop.
Kung talagang ekonomista ang ating pangulo ay di sin sana ay nilagak niya na lang ang salapi bilang investment sa stock market upang mapatatag ang Power Purchase of Peso laban sa dolyar. Maari pa nitong mapalakas ang daloy ng salapi sa bansa ng sa ganun ay hindi tayo umasa sa Net Factor Income in Abroad (NFIFA) na mula sa nagtitiis na OFW sa ibang bansa.
Parati pang binibida ng pangulo na tumataas ang GNP ng bansa. Talaga namang tumataas ang Gloria's National Product at Glorias Domestic Product. Hindi lang ito tumaas ng 5 to 7 percent na target, bagkus tumaas ng 200% ang kanilang Economic Policy. Sadyang mahusay talaga ang kanyang 10 point agenda na kanyang nais matamo bago matapos ang kanyang termino:
1. Palakasin si Gloria.
2. Pagtakpan si Gloria
3. Magmudmod ng pera sa mga katsokaran niyang tonggressman.
4. Patahimikin ang dapat patahimikin.
5. Pataasin ang GNP at GDP
6. Ibaon sa utang ang bansa mula sa kanyang mga mega-projects.
7. Labanan ang terrorismo sa tulong ni Uncle Sam, kaya panatilihin ang VFA sa bansa at iligtas si Smith.
8. Gawing parlamentaryo ang sistema ng pamahalaan para tumagal siya sa kapangyarihan.
9. Mamasyal sa ibang bansa gamit ang kaban ng bayan
10. Kumain ng sandamakmak na pagkaing espesyal.
Hay, puro SAL SAL si Mikey. Ganun pala yun puwede mong baguhin ang SAL anumang oras kapag nagkamali ka ng deklarasyon. Sa tagal nilang nasa posisyon hindi pa siya sanay mag-fill-up ng SAL.
Ano yun boboness? San damakmak na boboness, naturingang ABOGADO ang ama. Sa bagay mas magandang magmukhang tanga ka at bobo sa publiko kaysa naman tawaging mandarambong ng kaban ng bayan. Wala nga namang batas na nagpaparusa sa taong bobo at tanga. Sa magnanakaw meron, hanep maloopeet talaga!!
O, baka naman ang SAL nila ay: Secret Asset and Liabilities
Ako nga walang maisulat sa SAL ko.
Hindi na talaga ako makatiis: Teka! Teka! 'Whag niyo akong pigilan, saglit lang....
Bra.....tat..tat...ta..ta...tat........tamaan sana kayo>>>>>>>>>>>>>>>>