we are like god

ellise dominic's picture

     maraming dahilan kung bakit nagsusulat ang mga katulad nating mga aspiring writers o mga simpleng trip lang magsulat.  may gustong mailabas ang sama ng loob sa mundo at sa mga tao na gumagalaw dito, may mga nagmamahal at gustong ipagsigawan ang sayang nararamdaman, may mga nasasaktan at gustong lunurin ang sarili sa mga malulungkot na salita at alala ng dating matamis na pagsasama, may mga gustong balikan ang masasayang nakaraan, may mga gustong lumimot na lang.  kung ano man ang dahilan natin mababasa iyon sa ating mga akda.

     ako, gusto kong magsulat dahil sa pagsusulat ako ang diyos... kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko sa mga tauhan ng aking istorya.  kaya kong pagandahin o papangitin ang sinomang naisin ko.  kaya kong bumuhay, kaya kong pumatay, kaya kong magpatawa at kaya ko ding magpaiyak.  kahit ano kaya kong gawin sa pagsusulat.  kahit ang mga bituin at ang buong kalawakan kaya kong puntahan kung gugustuhin ko. kaya kong pagalawin ang lahat ng nainisin ko at kaya kong lumikha ng kahit na anong problema at solusyon.  ako ang may hawak ng simula, ng gitna at maging ng katapusan ng bawat sinusulat ko.  dahil dito ako ang diyos...

     naalala ko tuloy noong una kong sinabi sa sarili ko na gusto kong maging writer.  hindi yon dahil sa abakada na una kong binasa.  hindi rin sa mga komiks o libro sa eskwelahan.  gusto kong magsulat dahil sa librong little women at second generation.  mga librong sobrang ayoko ng ending kaya ipinangakokong balang araw isusulat ko ang mga librong iyan sa sarili kong version.  at doon nagsimula ang pagnanais kong magsulat.

     sabi nga ng professor ko noon sa world literature, ang writer daw ay parang diyos na kayang kontrolin ang kanyang istorya.  walang bawal, walang mali.  lahat posible, lahat pwedeng mangyari.  gayun din sa dawson's creek, maswerte daw ang mga manunulat at mga direktor kasi "they get to live life twice" daw.  kung sa bagay tama nga naman.  nabubuhay tayo sa totoong mundo at nabubuhay din tayo sa mundo ng mga sinusulat natin.  pwede tayong muling mabuhay sa ating mga istorya, tayo ang bawat tauhan nito.  sinasalamin nito ang ating damdamin.

          ang manunulat kayang paiyakin ang kanyang mga mambabasa.  kaya nyang patawanin at minsan pa nga ay pahalakhakin ang mga ito.  kaya nyang itanim sa mga puso nila ang kanyang mga istorya.  kaya nyang galitin o pasayahin ang mga ito.  kayang nyang pag-isipin at pagsisihin.  siya ang may likha ng mga tauhan nito, siya ang may hawak ng kanilang mga buhay at isipan pati na ng kanilang mga puso.  kaya niyang lumikha ng mga sitwasyong tila isa nang katapusan at siya rin ang gumagawa ng sagot sa mga ito.  ang isang manunulat ay tila isang diyos na may kapangyarihan sa lahat ng kanyang mga likha at may hawak sa kanilang mga tadhana.

    ikaw?  bakit ka nagsusulat?  ako?   nagsusulat ako dahil dito ako ang bida... ako ang kontrabida... ako ang extra... at higit sa lahat dito ako ang diyos...


Kinse's picture

love it... ako? kaya ako

love it...

ako?

kaya ako nagsusulat kasi mas marami akong extra time kesa sa working time ko.. echoz.. hehe

 kaya ako nagsusulat para masabi ko lahat ng nasa isip ko. tulad nga ng sabi mo. tayo ang bida ..tayo ang diyos tayo lahat ang bahala kapag nagsusulat tayo..

ellise dominic's picture

hehe

that's the spirit!!! it's nice to feel like god paminsan-minsan... kahit sa pagsusulat lang... masayang magkaroon ng kontrol over fate...

 

my soulmate  is worth the wait...

agree ako jan!

"it's nice to feel like god paminsan-minsan"

 

very true

 

i liked it 

 

 

 

 

 

 

 

 

huwag mong guluhin ang buhay mo!

ellise dominic's picture

thanks

thank you nagustuhan mo...

 

my soulmate  is worth the wait..

yellowbutterfly52609@yahoo.com