Welcome to the jungle! Welcome sa mundo ng call center
Nabigyan ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang kumpanya na may mahigit isang libong empleyado na makakahalubilo mo gabi gabi. Masaya, marami kang makikilala. Meron kang makakasundo, makakaaway, makakainuman, magiging syota, makakasabay umuwi, masisibak, makakasindihan, uutuin, kakairitahan, makakalandian, bobolahin, gagaspangin, hihingan ng yosi, yayayain mag date, uutangan, bebentahan, kakariren at mga taong sa unang tingin mo pa lang ay hindi mo na talaga gusto ang hilatsa ng mukha.
Welcome to the jungle! Welcome sa mundo ng call center, sa mundo ng gabi gabing puyatan, sa mundo na alas dos ng madaling araw ang lunch break, sa mundo na, sa mundo na walang traffic at sa mundo na sagana sa kape at sigarilyo. Sa tatlong taon na pagtatrabaho ko dito, Sa tatlong taon kong nabuhay sa ibang dimensyon at sa tatlong taon kong bihirang masilayan ang sikat ng araw, ibat ibang klase ng nilalang ang nakilala ko.
Merong adik, matalino, simpleng tao, amboy, amgirl, mga taong sa pinas lang lumaki pero tunog kano kung magsalita, mga olats mag english, merong disable, dating child star, may miserable ang buhay, mga babaeng depress dahil iniwan ng syota, merong malakas tumawa, may sobrang kulit, mukang bisaya, mukang pokpok, makabayan (hindi sya gumagamit at kumakain ng kahit anong imported peksman!) mga baklang may suso, mga tomboy na walang suso, mga tomboy na my syotang bakla, mga babaeng mukhang bakla, mga lalaking hugis tomboy, mga taong mukhang kabayo, model, taong kamukha ni jose marie chan, mga tatooan at maraming butas sa katawan, merong sinasapak ang monitor ng pc tuwing napipikon, mga taong hayok sa dota at ragnarok, mga miyembro ng frat, mga sundalo ng airsoft, hot na boss, bahistang boss, dukha, mayaman, bread winner ng pamilya, working student, masipag mag OT, tamad pumasok, mga nursing graduate, mga semi-senior citizen, mag-ina, problematic, magugulatin, uhugin, pumapasok ng lasing, mga skater, mga emopunks, mga party people, mga taong may insomnia, law student na hindi pumasa sa bar exam, mahihilig sa auto, mahihilig sa motor, mahilig sa boxing, mahihilig sa x-games, mahihilig sa magic cards, mahihilig sa gadgets, mahihilig mangulangot, mahilig mag-alaga ng mga isdang flowerhorn, mahilig sa robot na gundam at action figures, mga malilibog, mga mukhang taong grasa, malupit magbilyar, mga rasta, meron ding mga malakas uminom, malakas kumain, malakas kumain ng kambing, malakas humilik, mga baduy, merong masarap magluto ng binagoongan, my cool, my salbahe, merong maloko, may mga musikero, chicboy, weirdo, basketball player at ang sangkatutak na mayayabang na mahilig magyabang sa mga bagay na hindi naman abot ng dunong nila. Ewan ko, allergic lang talaga ako sa mga taong mayayabang, parang ang sarap sarap nilang supletehin sa mukha.
Ang masarap pa sa ganitong uri ng trabaho ay pwede ka na lang sumibat ng biglaan at wag nang pumasok kapag tinamaan ka na ng katamaran sa katawan o kung nabuntis mo ang isa sa mga ka team mate mong babae na merong bf. Walang mangungulit sayo at wala rin silang pakialam. Ayos lang, walang problema , dahil kung bibo ka at magaling bumoka madali kang makakalipat sa mas maganda, mas nakakaenjoy na account, mas maraming chickas, mas maraming incentives, mas madali ang promotion, merong libreng chibog at vitamins, higit sa lahat mas malaki ang suweldo!
Meron ding silang tinatawag na team building, na sa totoo lang, wala naman talagang building na nagaganap, excuse lang to ng mga magsyosyotang malilibog na gustong maglasing at maglampungan sa beach o kung saan man na out of town.
Marami ka ring pwedeng maging raket dito para magkaron ng extra datung, pwede kang magbenta ng hulugan na ipod, psp, cellphone, camera, laptop, mga magic cards, katawan (sabi nila meron daw pero wala naman akong nakilala. Sayang!) at kung anu ano pang gadgets na kinababaliwan ng mga taong nasa edad na bente pataas. Pwede ka rin mag pa ending, sakta, jai alai, pustahan sa tuwing may laban si pacquiao at pustahan kung ilang beses mangungulangot yung katabi mong bakla na malaki butas ng ilong.
Napansin ko lang rin:
Nabubuhay tyo sa mundo na puno ng materyal na bagay. Nagulat nga ako ng minsang mapadaan ako sa isang tindahan, meron na palang makina na binebenta para maghiwa ng bawang, sibuyas, kamatis at pwede rin mag bate ng itlog! (hanep! katamaran na tawag dito)
Sa panahon ngayon, mapag-iiwanan ko kung hindi ka sa susunod sa uso. Pero maniwala ka, hindi lahat ng uso sinusunod, tulad na lang ng mga nauusong damit na binibili ng ilan, na kapag sinuot naman nila ay nagmumuka silang higanteng bagoong na tinapalan ng mga dahon ng malunggay. Taena bakit kaya? Basta uso kahit hindi bagay banat lang ng banat. Naalala ko yung sinabi ng isa sa mga paborito kong author sa libro nya "kung importante sa buhay ng tao ang cellphone na may camera, sana matagal na akong patay".
Sabi ng iba, nakaka bobo raw ang magtrabaho sa call center, wala ka raw matututunan dahil para kang robot na naka programa na paulit ulit ang ginagawa. Nasasabi nila yan dahil wala sila doon, wala silang alam sa mga bagay na hindi pa nila nasusubukang gawin. Hindi nila alam na kailangan mong mag multitask kahit puyat ka dahil iba ang tulog sa umaga, ibang iba, hindi ito kasing sarap at kasing himbing ng tulog sa gabi, hindi nila alam kung gaano kahirap humanap ng solusyon sa mga problema ng ibang tao gabi gabi at hindi nila alam ang sarap ng pakiramdam sa tuwing meron kang natutulungan, naloloko, napagtitripan, binubullshit, pinaghihintay ng 40 mins habang nakikipagkwentuhan sa kursunada mong babae at napapasayang tao na hindi mo naman kilala o nakikita. Hinuhusgahan nila ang isang bagay base sa pagiging ignorante nila.
Oo, totoo nakakasawa at nakakatamad dahil paulit ulit, pero sa tatlong taon ko sa lugar na yon, hindi ako na bobo, bagkus marami akong natutunan, maraming mga pinagdaanan, maraming na tsansingan, marami akong nakilalang malalim at totoong tao, maraming naging kaibigan at maraming naubos na beer.
aireen sa January 17 na
aireen sa January 17 na ang writer's Jam ha. o ayan di kita kinalimutang abisuhan. see you there
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
thanks kuya rom... :)
thanks kuya rom... :)
nabasa ko na po yung post nyo bout the jam...
haaayyyy... sana maka-attend ako...
Nice bro
Ayos itong entry mo talagang sumasalamin sa buhay ng isang call center agent.
Muntik na rin akong pumasok sa propesyon na yan kaso bigla n alang akong nakapag-abroad kaya di na tuloy.
Marami akong mga barkada, kaklase at kapitbahay na ganyan ang trabaho. Halos lahat na ata ng kabataan ngayon iyan ang trabaho. undergrad o graduate eh yun din ang trabaho. Pero okay nga iyon at least kahit papaano bumababa ang unemployment rate ng Pilipinas, kumikita rin sila ng malalaki at nakakatulong sa kanilang pamilya. Pero ang pinakagusto ko sa mga call center na yan, naglipana ang mga magagandang mga chikas. hehehhe. Kaya naiisip ko masarap pala talagang magtrabaho sa call center.
Ingat bro, sulat lang!!
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Buti ka pa inbound. Outbound
Buti ka pa inbound.
Outbound napasukan ko dati. Okay lang naman 'yung trabaho. Ang hindi ko lang nagustuhan, yung walang bayad na OT. Ano yon, Jollibee? :D Kaya nag awol na lang ako.
Ayos 'tong post mo, tol. Naalala ko lahat ng nangyari sa kin dun sa company na pinasukan ko. Sulat pa!
Teka, buti pwede kayo mag-internet. Dun sa napasukan ko dati, patago lang ang pwede eh. Hehe.
* * *







"Meron ding silang tinatawag
"Meron ding silang tinatawag na team building, na sa totoo lang, wala naman talagang building na nagaganap, excuse lang to ng mga magsyosyotang malilibog na gustong maglasing at maglampungan sa beach o kung saan man na out of town." hmmmm... napapaisip tuloy ako... may upcoming team building daw si hubby... hehehee