what I feel and think Sa nangyari ngayon sa Manila Peninsula...
Bakit walang tumugon sa panawagan ni Trillanes? BAkit ang mga pulitiko na palaging nakikisakay sa mga ganitong pagkakataon ay biglang tumahimik? simple lang, kasi political uprising man ang ginawa ni Trillanes, politically motivated man, pero hindi self-serving.
NAkakatuwang isipin, marami nagsasabing mga pulitiko na hindi lehitimong pangulo si Gloria pero ang cause ni Trillanes ay hindi nila sinuportahan. Bakit? Kasi alam nila na hindi nila mai-sisingit ang kanilang political ambitions sa layunin niya.
I support Trillanes sa ginawa nya ngaun, sad nga lang kasi hindi ko magawang physically gawin yun as I live in the provinvce. Nakakalungkot na ngayon at may tumatayong mga taong may mga tunay na pagmamahal sa bayan ay ngayon pa tayo napagod para manindigan sa pagbabago. I believe the people should have gone out and marched with Trillanes this morning.How many times had he proven himself that it is for the country he is fighting for. And yet, when he stood up this morning and responded to the call of his heart, change, we've become just spectators, alienating ourselves with his cause that is for this country.
I would like to think that this is the start of the movement for change, and the next time he would call for our hearts, we would respond. We elected him as senator, but he is being hindered to do and act upon the mandate that he was elected for.
Sa session hindi sya makadalo, pilit nilang pinipigil ang pagkakataon niyang makatulong at makapagsilbi sa bayan. Bakit natin ito hinahayaan?
I cried kanina when he decided to surrender for the safety of the people with them. I was so hurt. Nahihiya ako sa sarili ko. Dahil ba wala syang artistang kasama kaya walang tumugon sa panawagan nya? Dahil ba wala ang mga elitistang mapagsamantala kaya mag-isa nyang iginiit ang katarungan at tama para sa bayang ito?
If you have seen the coverage of Abs Cbn sa nangyari, you would see CLEARLY the reasons why ginawa nila yun. Nakita nyo ba kung pano ang ginawa ng gobyerno para lang mag-surrender si Trillanes? Overkill. Over ang force na ginamit, mantakin mong ipasok nila nag tangke sa loob ng hotel! (At ang magbabayad daw ng danyos ay si Trillanes, my gosh, kasalanan pa nya ngayon na ipinasok ang tangke.) Tapos, Ang mga media people na naiwan sa loob ay inaresto, for processing daw, ang kasalanan, obstruction of justice kasi hindi sila umalis nung sila ay pinapaalis na. Kaya nga tinawag na media eh, magrereport ba kung ano mangyayari. Ngayon mayt curfew.
Our government is an immoral, sick, corrupt, and illegitimate. lagi nating sinasabi yan. And we're crying for change. Why the did we chose to be just spectators when the chance for a peaceful fight for change came. I belive that it could have been a peaceful People power if only the people had responded. Pero hindi, kaya wait tayo for two more than two more years enjoying watching the government do their thing, serve themselves.
I don't have high hopes in the presedential elections that will be coming if that is the chance for change that we want. We never had clean elections, and until those trapos are in the government, able to pay and bribe people, you could never expect clean alections. And one more thing, with all the issues plaguing gloria's government, she may not want to leave the palace anymore in fear of backfire when her power's gone.
I know we share the same sentiments against our government, and a lot of people, almost everyone here in the Philippines do. I can't understand why despite of this we have just become spectators. We have let the government bribe us with a so called growing economy which when we go against the government, it will suffer. If you have seen the movie V for vendetta, there is a speech there of V saying that the people should not be taken hostage by its words, by its created so-called well maintained people serving government (but undermining the people's right and robbing them off of their freedom). With the government always saying if we protest, there will be chaos and the economy will suffer. We are being taken hostage by our economy. And we are being downplayed by the people (non-government)who benefit from this hostage taking.
I am tired living the filipino this sick government have created. I want change, and i believe in Trillanes' cause. I pray that what happened today has stirred us, has awakened our hearts, that we may stop being spectators in our own country.
I feel for Trillanes. i am so proud of him, and because of what he and general Lim did today, I have started to become proud again being a Filipno!
yes!
sana nga ang mga pinoy ay magising na ngayon!
Sa aking pananaw!
Sa aking pananaw hindi na makakaahon ang pilipinas sa kahirapan sa kadahilanang maraming mga taong natatakot na maisawalat ang katotohan, katulad lang sa marami nating mga brodcaster may limitasyun sa kanilang pagbibigay information. bakit? dahil marami sa kanila ay hawak ng gobyernong mapagsamantala, saludo ako sa ginawa ni trillanes at gen. lim nakakalungkot na isipin na meron na naman sanang isang taong may paninindigan na nakikibaka para sa kapakanan at pagbabago ng pilipinas pero anong nangyari pilit silang pinipigilan ng nasa itaas. ganun naman palagi kapag may isang taong nakikipag laban at sumasalungat sa kagustuhan ng gobyerno tinitira nila hinihila nila pababa? sa aking palagay wala ng pag asa ang pilipinas na mabago hanggat nakaupo ang mga taong magnanakaw, mga sariling kapakanan lang ang iniisip , mga taong sinungaling, mga taong walang puso. kung mag kakaisa lang ang buong bansang pilipinas yun baka may pag-asa pa , subalit marami na rin sa mga kababayan natin ang nanahimik nalang sa kadahilanang iniisip nila na kahit anong gawin ganun at ganun ang mangyayari . tama ang sinabi ni angel na tayo ay mga hostages ng ating sariling bayan at gobyerno. sa lahat po mag kaisa tayo na ipagdasal ang bansang pilipinas, magtulungan po tayo na makibaka at ipaglaban ang ating karapatan at ang katotohanan. at sa mga taong nakaupo sa gobyerno na puro pansariling kapakanan lang ang iniisip at puro pagnanakaw lang maawa naman kayo sa mga taong naghihirap sa ating bansa isipin ninyo po na ang mga masasamang ginagawa ninyo ay mayroong hangganan.huwag po tayong matakot na isabulat ang katotohanan. sana po ay magising na tayong lahat at suportahan natin ang pagbabago na ipinaglalalaban para sa ting bayan ng ating mga kapatid.SAMA SAMA PO NATING IPAGDASAL ANG PAGBABAGO AT MULING PAG UNLAD NG ATING INANG BAYAN.
tama ka, subalit...
tama ka my dear kababayan, subalit, mas nadadagdagan ang pagkalugmok natin dahil ang mga kapuwa nating pinoy ay hindi marunong kumilala ng tamang taong susuportahan. katulad nung kay erap, dahil may artista, dahil may mga pulitiko na magagaling magsalita(pero kulang sa gawa) ayun nagpunta lahat sa edsa, okay yun, pero ang hindi okay, pinayagan nila na umupo si gloria! o di ba, pwede naman sana tayong pumili sa ibang paraan ng papalit kay erap nun eh, pero dahil nagpadala tayo sa emosyaon, hindi na natin napansin ang mga taong nakikisakay sa emosyon natin at nagsasamantala sa pagkakataon. oh di ba tayo rin ang pumulot ng batong ipinupukpok natin sa mga ulo natin! at ngayon na may tumatayong tao na pagbabago sa pilipinas ang hinahangad, wala! wala tayong ginawa. nakakayuwa nga yong isang student ng UP na myembro ng debate club, sabi nya "trillanes is going against the body he is into", and it is stupid, hello? UPian pa naman sya... kaya nga sya pumasok sa pulitika para sana makapag-umpisa sya ng pagbabago kahit kaunti, pero hindi sya pinapayagan ng gobyerno, kaya ng sya nagpunta ng makati! hay, pati mga students ngaun brain-washed na rin, hostage na rin sila ng ekonomiya ni gloria! rule of law daw, kaninong law? si gloria? bakit sya ba sumusunod sa rule of law? ha! ha! hay naku HANGGAT ANG PILIPINO AY TULOG NA GAYA NG SINABI NI ROM, HANGGAT TAYO AY NAGPAPADALA SA MGA TAONG MAPAGSAMANTALA, HANGGAT HINDI TAYO BUMABANGON AT MANINDIGAN SA LUMALABAS SA BUNGANGA NATIN, WALA! PATAY TAYO LAHAT SA GUTOM! AT YAYAMAN LAHAT NG NASA ITAAS!




Makibaka huwag matakot
Masyado nang nahihimbing sa pagkakatulog ang mga pilipino para tablan ang kunsensya o magising sa kinasasadlakang higaan. magising man siya inaakala nya pa ring panaginip lamang ang realidad sa paligid niya, babangon maglalakad upang muling antukin at mahimbing muli.
And patayan, imoralidad at pagnanakaw sa kapaligiran ay hindi na rin nakakapukaw sa kanyang kamalayan, lalo pa lamang itong nakapag papaantok sa matamlay niyang diwa.
Ewan kung ano pa ang makakapagpagising sa nagyeyelong damdamin ng mga pilipino, na hanggang obserbasyon at komento na lamang ang nagagawa sa harap ng lantarang pambababoy ng mga pulitiko at gobyerno.
Maging ang kilusang mapagpalaya na sana ay siyang kumakatawan sa mga Pilipino sa ganitong pagkakataon ay kasama at katabi ng ring nahihimbing sa pagtulog. Kapwa nananaginip at binabangungot na siya ring sanhi ng unti unti niyang pagkamatay.
Panahon na siguro maging "palasak" at isigaw ulit ang mga "old cliche" ng 1970's.
"Makibaka huwag matakot"
baka sakaling umingay muli't magising ang mga tulog.
http://blah-blahblogsrah-rahwrites.blogspot.com/