WHATEVER: a day in my fucking life

CLOSET WRITER's picture
Pagpasok ko ng banyo, naghubad at nag shower. Sinabon buong katawan ng PALMOLIVE with Moisturizing Care. Nag shampoo ng hair, menthol na HEAD & SHOULDER. Para mas lumambot, nag REJOICE Straight Conditioner. Saka pinasadahan ng GATSBY Gel, to hold my astig hairstyle in order. Breath koy instant fresher, sa CLOSEUP, made by Unilever.

Bago sinuot, BENCH hipster sa king alaga down there. Pinahiran ang katawan ng LANDER lotion with CUCUMBER. Isinara ang zipper ng pantalong nabili noon sa WRANGLER. Kasunod ang HANGTEN shirt na amoy DOWNY with Fabric softener. Mukhay pinulbusan ng hypo-allergenic na JOHNSONS baby powder.

Isinuksok mga paa sa king pekeng ADIDAS footgear. Muntik ng makalimutan, DARLINGTON socks koy maluwag na ang garter. Sa balikat isinukbit, HUMAN sling bag kong pang postmaster. Sa uloy  PENSHOPPE cap, sa araw mukhay cover. Pinahid ang pawis ng CARUSO, ang panyong gamit ko nong iniwan ng aking fucking shit lover.

Dinukot sa GIORDANO wallet, bayad sa mamang driver. Sinulyapan ng isang pasahero, bling bling kong 90% STERLING silver. Bigla, NOKIA phone koy tumunog, tiningnan kung sinong texter. Tingin-tingin sa paligid, baka maagaw ng putang inang isnatser. Pag nagkataon, dyos ko day, emote koy cry me a river.

Pagdating sa opisina, uminom ng NESCAFE with COFFEEMATE Creamer. Habang binubuklat paboritong newspaper, ang PHILIPPINE DAILY INQUIRER. Saka ko binuksan, PENTIUM 4 at INTEL INSIDE na computer. Dahil umpisa nang magtrabaho bilang isang designer. Ng 101 MAIN apparel at BRUTE the ultimate men's underwear.

 
Pagkatapos ng trabaho, inilabas MARLBORO menthol at CRICKET lighter. Pupunta sa haybol ng barkada malapit doon sa may North pier. Para lumaklak ng walang katamatayang SAN MIG LIGHT beer. Hindi alintana kahit kinabukasay magka worst hangover. Life is always better, lalot kasama ang mga best friends forever.

Ayaw ko sanang magmukhang product endorser. Dahil sa buhay na ito, trip ko lang naman ay whatever. Kahit outfit koy ukay-ukay, I really have no kiber. Bastat strike anywhere, until my life is over. Blog kong itoy wag lang sanang malait, motherfucker! Pagpipilit kong maging writer baka di kayanin ng inyong power.

 


kislapalitaptap's picture

...

...hehehe.

nagmistula nga itong product endorsement repa. hehehe.

ayos yung isulat ang daloy ng  iyong kamalayan. hehehe.

magandang ensayo sa pagsusulat yun. pwede mo nga gawan ito ng tula eh.

tulad na lang ng tula na ito na nakuha lang sa kappanood ng balita sa TV- klik mo...

http://filipinowriter.com/balita-ng-hinagpis

 

at isa pa

http://filipinowriter.com/ang-batas-ng-patalastas

 

sulat lang!

---ang tamaan: SAPUL!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Rhea Stone's picture

!

 

 

Para ka (hmmmm... tayo pala) palang 'walking billboard'.

 

Natuwa ako sa sinulat mo... hanggang ngayon nga ay nakangiti pa rin ako...

 

Ang galing!

 

 

Advertising may be described as the science

of arresting the human intelligence long enough

to get money from it.

 

- Stephen Leacock 

 

 

CLOSET WRITER's picture

salamat

masaya ako na nakapag ambag ako sa kaligayahan mo kahit papano :)

minsan nga gusto ko na rin maglagay ng dambuhalang billboard sa edsa. kaso naalala ko hindi nga pala ako si piolo pascual.

 

salamat kaibigan. napataba mo na ng husto ang puso ko.

hahahaha..

good start po! galing

 

galing

 

galing!

 

may sense of humor ka!!

 

develop mo!!:)

 

limang bagsak!! :)

 

:) keep it up!!

CLOSET WRITER's picture

at limang bagsak din ng pasasalamat :)

thanks for the great feedback :)

at sa paalalang may sense of humor pala ako.hehe. di pa pala ako boring. most of the time kase medyo dark gusto kong isulat. ung tipong may me namatay, me namatay, me nagpakamatay, me nagpatay-patayan o may nagpatay malisya. 

salamat (ng limang bagsak) :)

 

anakngfaraon's picture

  parang hollywood movie na

 

parang hollywood movie na puno ng product placements na minsan ay nakakasira ng quality ng pelikula. pero sa kasong ito, swak na swak naman.

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

CLOSET WRITER's picture

salamat po :)

masaya ako't swak sa panlasa mo ang sinulat kong ito :)

salamat sa komento. 

:)