Where is the love? Habang nakikinig sa kanta ng BEP…
Bisperas ng pasko. Pangalawang araw ko na ring hindi naliligo. Sobrang nangangati na ang ulo ko pero diko ito alintana. Tuloy pa rin ang pag-tikatik ng aking keyboard. Nakaka limang umpisa na ako ng kwento sa dalawang araw kong pag upo sa harapan ng lap top. Wala talaga akong mapiga sa utak ko. Marami akong naiisip pero nagiging struggle sa akin ang maging creative ngayon. Malamang kailangan ko ng pampadulas, pantanggal ng bara, pampa-init ng utak. Kailangan ko ng experience para may maisulat.
Marami, marami akong naiisip. Pero bakit hindi ko maisulat? Marami akong napagdaanan nitong mga nakaraang linggo. Panay kalokohan. Naisip ko, probably because it’s not worth writing. Or, maybe because I’m not that affected at all. Parang yung feeling na nawalan ako ng kamay, pero wala lang. Nasunugan ako ng balat sa mukha pero wala lang… May umalis at malamang dina babalik… pero parang… wala lang…
More than a month ago, I have been playing. Playing with my emotions. Playing with my career, playing with my reputation.
But… fuck it…
Fuck my emotions, I haven’t been feeling so good for quite a long time anyway. Everything about this fucking feeling is a mess anyway. I have been putting a lot of tests to myself. Crazy tests. For instance, I have made myself invisible to my close friends. This is a test on who my friends really are. Who will miss me, who will look for me, who is greatly affected by my absence. But most of all, this is a test for myself. Can I live alone? Big risk… But yeah, I’m just fucked up… big time!
Fuck my career. Eversince I landed in this god-forsaken job, I have never felt proud about myself. I am so dying to get out of here. Idagdag mo pa ang mga ka-opisina kong wala nang ibang ginawa kundi mag reklamo sa mga trabaho nila samantalang wala naman silang ginagawa. Fuck it really. Ibigay pa nila sa akin lahat ng trabaho nila wala silang reklamong mariring sa akin. I want them all to get a life… Hello, Tatagalugin ko to baka kasi mabasa nila. Fuck it kung maintindihan nila. It just shows how paranoid everyone is kung mage-effort pa talaga silang ipa-translate tong mga kabulastugan ko. In a way… alam kasi nilang nagba-blog ako. Idagdag mo na rin ang amo kong nagbabasa na rin ng mga kalokohan ko. I’m wondering if next year should be a good one. Sa tingin ko dapat mag-umpisa na akong maghanap ng ibang trabaho. Fuck this job.
Fuck my reputation. It was a make-believe that I had a good one anyway. This is me. This is the real me. This is my dark side. This is my free-willed side. Of course it had never been a good one… So why bother? I have in fact made it a point to be very annoying to everyone. This way, I will never feel the pressure of doing good things to people. This way, I will have the license to bad mouth everyone whenever I feel like it. This way, I can say whatever I want… without feeling guilty.
I never ever want to feel guilt. It stings. Bisperas ng pasko pero mala-undas itong post ko… tsk… ! Kakain na nga lang muna ako ng dinuguan.
aw...
breathe in...breathe out.. shake the blues off..
its Christmas day.
welcome to the dark side!
ayokong isipin na sinisira natin ang spirit ng pasko but i think wala namang tamang oras kung kailan maglalabas ng tae ang isang tao.
kaya tama yan, magmura ka, murahin mo ang mundo hanggang sa mamaos ka.
hindi ka man maintindihan ng lahat, ang mahalaga nagpakatotoo ka. for once in your life, sumigaw ka ng walang pakialam. kesehodang bumalik sau ang alingawngaw ng yong pagmumura.
naiintindihan kita Yien. at wala akong paraan para madamayan ka, siguro sapat na, na handa akong makinig at umintindi sa sitwasyon mo.
halika ka, lipad tayo :) masyado ng masalimuot ang mundo ng mga tao.
Akala ko...
Ookrayin mo ako dahil 2 days na akong di naliligo... At dahil dimo ginawa yun... naiyak tuloy ako ng bonggang bongga!!
Sama ako sa inom waaahhh!
Thanks Jo...
http://wattuduyanie.blogspot.com/
sapul na sapul walang
sapul na sapul
walang mintis tinamaan ako.
una, dun sa2days na hindi naliligo...ouch...;-)
pangalawa, sa lahat ng sinabi mo....oucher....;-)
Pangatlo...
Sa dinuguan??? ouch pa rin ba dun?? hehe...
Gloomy Christmas in the ME dugz!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
masarap kaya ang
masarap kaya ang dinuguan sa panahon ng undas?....;-)
i love you. :]
i love you. :]
I love you too
I love you too Dante... alam mong di ako nagsasabi ng ganito pero dahil alam mong close na tayo... sasabihin ko pa rin. Thanks for this wonderful Christmas gift.
Happy New Year~!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
I love you too
I love you too Dante... alam mong di ako nagsasabi ng ganito pero dahil alam mong close na tayo... sasabihin ko pa rin. Thanks for this wonderful Christmas gift.
Happy New Year~!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
yani...
may kalokohan akong ginawa kagabi.
at yan ang dahilan kung bakit ngayon ko lang nabasa ang shit na to.
nagtext lang ako kay jo kaya nabalitaan kong may sheeznit pala.
pero lamo, may magandang nangyari din sa akin kagabi mga 2 hours after mag2040th birthday si Jisas. yun nga lang, kailangan ko siyang pagtrabahuhan.
sa lahat ng mga taong alone na nagcelebrate ng pasko...
we are with you.
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
Bakit ko na-miss itong mga to???
Hahaha, nagpaka-invisible mode na naman ata ako
Anyways, ano yung kalokohan, eching ka jan, nambibitin ka!
Uyy, natuloy ba yung magandang nangyari??? Yung naikwento mo na dati??? Grabe, if ever,,, CONGRATS Mare... alam mo at alam naming lahat na deserve mo naman yan!!! Sige trabaho na loka!
Kung sa lovelife naman ang magandang nangyari, eh di mas ayos!!! kwento na bilisss!
Im hoping na maging mas maayos na ang burned face ko pagdating ng new year... Haaaayy, I don;t want to feel depressed for the coming year!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
update...
nag-usap kami ng direk ko kanina kasi may expat na nanghaharass sa akin.
at guess what?!
confirmed!!!!
Matutuloy siya sa February!
Mukhang matamis ang Valentine's!!!!
yung lovelife... diet muna ko jan. papaseksi na lang ako at igugugol ang energy sa loveletters sa paggawa ng nobela kong coming soon na.
hehehe
tips sa bagong taon:
Magpagupit ka, kahit trim
Maglagay ng barya sa bulsa
Magfinger
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
weehh
teka, bakit ka naman pumapalag sa expat na nangha-harrass sayo? Diba siya yummy? hahah.
Masaya ka for Feb dahil aalis na yang expat na yan ano? At ikaw na ang magiging reyna?? tama ba? ehehe!
Tama na ang lovelife, pasakit lang yan ng ulo! Umpisahan na ang pagggawa ng nobela okay!
Type ko yung last tip mo! hahaha pero...
http://wattuduyanie.blogspot.com/
Bakit ko na-miss itong mga to???
Hahaha, nagpaka-invisible mode na naman ata ako
Anyways, ano yung kalokohan, eching ka jan, nambibitin ka!
Uyy, natuloy ba yung magandang nangyari??? Yung naikwento mo na dati??? Grabe, if ever,,, CONGRATS Mare... alam mo at alam naming lahat na deserve mo naman yan!!! Sige trabaho na loka!
Kung sa lovelife naman ang magandang nangyari, eh di mas ayos!!! kwento na bilisss!
Im hoping na maging mas maayos na ang burned face ko pagdating ng new year... Haaaayy, I don;t want to feel depressed for the coming year!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
easy lang, ate
hindi lang ikaw ang ganyan... ang buhay nga naman oo. ako kasi, limang taon ko ng hinahanap ang logic to feel happy kapag pasko. I'm always sad. at palungkot na ng palungkot habang dumadagdag ang mga pasko..
maybe i sound ironic here. isa kasi akong taong palatawa, nagpapatawa at madaling patawanin. but everything just dropped on me lately. In some point, i'm getting tired of living... i don't know why...aaaay...
pag-uwi mo, hugs na lang!
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
Melay...
"Isa kasi akong taong palatawa, nagpapatawa at madaling patawanin. but everything just dropped on me lately."
Parehong pareho tayo... Minsan nga sa sobra kong pagiging palabiro, parang diko na alam sumeryoso. I am just so out of focus right now. I might really need a new job talaga.
Haaays. Merry New Year na tyo! para mas masaya. Kasi nagja-jogging na ako ngayon... hahaha Anong kinalaman??
http://wattuduyanie.blogspot.com/
Hello Mare...
Matagal ko nang gustong makisawsaw sa thread na to, kaso tinrangkaso ako, at nawalan ng energy ang mga daliri kong pumindot sa keyboard.
Alam mo noong bisperas ng Pasko ka chika ko ang kumare ko sa YU-ES! me asawa din, pero malungkot daw sya, kasi dinilete sya ng kanyang ka ek ekan sa FB, wala na daw syang inspirasyon...
Bat ganun ang life ano? me asawa na ang iba, dipa makuntento, pero ang sabi nga nya, hanggang flirt lang daw naman sya, alam naman daw nya ang limitasyon nya, at tanggap naman ng asawa nya ang pagka flirty nya, ganun din ang mga friends nya ...dahil dun daw sya masaya eh...
Kaya ang sabi ko sa kanya. "Good for you girl" "Fuck that reputation!" alam mo kasi dito sa life natin sa earth, pag pinairal mo ang reputasyon, walang mangyayari sayo, kasi feeling mo, Royal family ka, at sa kakaingat mo sa reputasyon mo, ikaw ay mababaon sa isang kalungkutan, dahil naka focus tayo sa iisipin at sasabihin ng mga tao. Kahit na me mga bagay tayong gustong gawin, hindi natin magawa dahil sa pinaka iingatan nating reputasyon...
Pero ang sabi nga ng friend ko sa akin, "ako kalat naman na sa buong mundo na malandi ako,kaya mag flirt man ako sa mga tao, wala na silang pakialam, pero ikaw Mare, dahil sa reputasyon mo, konting mali mo lang, hinuhusgahan ka na ng mga tao, kasi hindi sila sanay na ganun ka...Pero kung simula palang malandi kana, wala nang paki alam sa yo ang mga tao, kahit ano pa gawin mo..." Try mo man! :-) (dagdag pa nya)
Hmmnn,I thought me point sya dun...kaya Mare...kung saan ka masaya, doon ka nalang..ipakita natin ang atin dark side...who cares???mabubuhay kaba ng reputasyon? wag mo lang hayaang manalo ang emosyon...
let us own our pain and move away from guilt, fault and blame toward recovery and healing. When guilt rears its ugly head confront it, discuss it and let it go. Remember...
The past is over. It is time to ask what can we do right, not what did we do wrong. Enjoy life- we don't know when it ends...
(shet napa inglis ako, mali pa ata! hahaha)
Happy New year nalang, at magpakasaya ka...Cheers to us!!!
Langya ka Ilyang...
Umiiyak ako....
Andami dami kong gustong isagot sa mga sinabi mo pero parang nawalan ako ng energy na mag type ng mga ito. Magaling ka na siguro? Nakakapag type ka na eh...
Alam mo kanina, habang nagja jogging ako, gusto kong umiyak, pero walang lumabas, kaya inihi ko na lang.... (haha) naisip ko kung kelan ba yung last na umiyak ako. Diko matandaan... 2 months ago siguro. Diko na ike kwento. Pero nakaka-miss din yung umiyak nang bonggang bongga... Diko naman ginagawa ito ngayon habang nagbabasa ng comment mo, pero pramis, umiiyak pa rin ako...
Diko alam kung magpaapsalamat ako sayo o tutuktukan kita pag nagkita tayo. Sana dumating na ang June...
Salamat Mare ha... Happy New Year.
http://wattuduyanie.blogspot.com/
Mare
OO medyo okay na pakiramdam ko, nakapag shopping nako kanina eh...nways mare, tama ka, nami miss korin ang umiyak ng wantusawa, yumbang babaha ang buong town? tapos yung luha mo at sipon naghahalo na sa iyong mukha? at kahit kumain ka ng mangga, di mo na kailangan ng asin? sarap nun diba?
Tapos sasabayan mo pa ng mga labsongs, yung makabagbag damdamin na mga labsong gaya ng pinasikat na kanta ni Leona Lewis yung nirereglang puso? (keep bleeding) saka yung chudalep chudalep ni Beyonce? (irreplaceable) pag naririnig ko yung mga songs na yun, feel na feel ko talagang umiyak- at napapaindak ang puso ko, habang umiiyak ako, at sinasabayan ko ng sayaw (mheganun) at headbanging sa mga unan..(pwede!)
BTW- baka end of June ang uwi ko mare- heto naghahanap na nga ng mura murang tiket eh...unless gusto mo akong pautangin? or ihanap ng kahit mala Adonis na papa, basta ba can afford ang bank balance nya? ayus na yun sakin.
Miss ko na ang wantusawa nating Call centre duties/YM mare, sarap mong ka YM kahit na mabagal kang mag type, harharhar..atlis nakakapag plantsa pako diba?
Missyu and Happy new year...tumawa kanalang, wag mong iyakan ang problema, sige ka, lalo kang papangit? hehehe, joke lang yun mare..hahahaha
mwahs
Chudalep Chudalep - aylaykdat
niyahahaha, lam ko namang busy ka the past few days kaya absent ka sa duty natin hehe.
Pero kahit na ano pang pait ang pag iyak natin, masarap pa rin kasi nakaka-release ng mga tinatagong damdamin. Nagagawa ko lang talaga to kapag sobrang lubog ako sa kalasingan... Medyo sober na kasi ako the past few weeks, nagpapaka good girl na rin kuno. Pero kunwari lang yun may hinihihingi kasi ako eh. haha
Dito lang ako ha, kung gusto mo nang kagaya ni luca na kausap, singsarap pero di sing-mahal... i'm just a buzz away!
http://wattuduyanie.blogspot.com/









hugs ate* " hindi
hugs ate*
" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"