Why I’m Joining the Interfaith Rally in Makati Today

noid's picture

I’m joining the Interfaith Rally in Makati today because after watching almost 36 hours of the Senate hearing on the ZTE-NBN deal, I believe Rodolfo ‘Jun’ Lozada more than I believe The President’s Men.

I’m joining the rally because I realized that I’ve been complacent for so long, that I’ve been postponing things that needed to be done, things that I can do for this country, that I can do more.

I’m joining this rally because I don’t agree with the CBCP that the President is the best person to lead the battle against corruption because the government, itself, is the epitome of corruption.

I’m joining the rally because I want the President to resign.

I’m joining this rally because I believe that once the President is no longer in office, we, as a people can make a difference. Because we have realized what it takes to build a nation: hard work on our part. Because we have learned that it’s not enough to replace abusive people in power, that it’s also important to be vigilant against the same rotten kind of leaders assuming power.

I’m joining the rally because I want a new form of government. Because I believe that the system, together with everything that is wrong with it, needs to be replaced.

I’m joining the rally because I want to stop being selfish. Because I want to work first for my country. Because I believe that working for my country is the best way of working for myself.

I’m joining the rally because once this President is no longer in office, I want to be more active in my community using the God-given skills that I have.

I’m joining the rally because I want our people to stop being jaded and cynical. Because I want them to believe that there is hope as long as we have the passion and the creativity.


I’m joining the rally because I want change NOW, not in 2010 when our coffers would already have been emptied and our people more destitute.

And I’m joining the Interfaith rally in Makati today because I want my voice to be heard: Enough.

(More photos here and more videos here or here.)


rub' rub' rub!

i don't know for certain why i write this comment for u sir. but one thing is sure that i strongly felt what u expressed in here. and i want u to let u know that i also want u to count me in. i am already in cebu rigth now, after my study in manila, UST, working in one of the biggest corporates in the city as an ordinary writer and researcher.
count me in sir, just count me in...
if some concerned cebuanos will go in the streets one of these days, i'l be one of the simple folks expressing our rage for gloria to resign! up to 2010 is 'excessively too much' for a corrupt president to run our country. more power to you sir!

noid's picture

Let our Voices be Heard

Thanks, jonas. Whatever our stand, it is important to let our voice be heard, be it in the streets, cyberspace, or other venues. To be indifferent/apathetic is not really an option. This is our country after all. In a previous post, I asserted that I believe in signs. Of course, this particular crossroads is on a much bigger scale. What's happening right now, I deeply believe, is the universe jolting all of us into doing something now. The call is urgent, and each and everyone of us is urged to pitch in.

rose's picture

Count me in!

To everybody's out there. Please read it and check it out.  Sir kung nasa pilipinas lang ako isa rin siguro ako sa maraming pilipino na makikiisa na ipaglaban ang katotohanan.

InnocentThanks for sharing this......

orthochild's picture

What will happen after.....

What will happen after the rally? may magbabago ba? may magaganap bang milagro? tapos aalis ang pangulo? (Yehey)

ako rin po ay galit sa mga nangyayari dahil alam ko maraming mali sa gobyerno, pero tingin ko hindi sapat ang rally dahil wa-epek 'to! kay erap lang yata umepek... may kasama ba dito sa pagpapatalsik kay erap? at eto si GMA ang ipinalit? anong feel matapos patalsikin ang depektibong pangulo at ngayon naman depektibo rin ang pumalit? hindi kaya sa susunod na papalit depektibo rin?

May makakapagsabi ba na "next president di na depektibo kapag napatalsik natin ito!"

Gusto ko rin gumawa ng ingay dahil galit din ako sa pangulo, pero tingin ko wag nalang... gagawin ko nalang ang parte ko bilang isang pilipino. magtratrabaho ng maayos na walang pandarayang gagawin at tapat, susunod sa batas trapiko, hindi magkakalat sa lansangan... igagalang ang kapwa, tatangkiliking ang produktong atin, at hindi gagayahin ang mga lintek na politikong yan!!!! waaaahhhhhhhaaaahhahahahaha.

Peace! Comment lang yan walang personalan...

Lord help us...

noid's picture

Ang Mamamayan at Protesta

Tama namang lahat ang sinabi mo, orthochild, na kailangan nating maging mabuting mamayan, etc. Ngunit kaakibat ng pagiging mabuting mamayan ay ang pag-alma kung may nakikita tayong katiwalian sa pamahalaan. Alalahanin natin na marahil kung maraming umalma noong paakyat na sa kapangyarihan si Hitler, at iniisa-isa na niya ang kaniyang mga kaaway at hadlang sa kaniyang mga plano, marahil ay hindi 'namasaker' ang 6 na milyong  Hudyo.

Kung may tiwali sa pamahalaan, kailangan siyang palitan, at kung tiwali ang pumalit, kailangang ulitin ang proseso ng pagpapatalsik. Maari ring pag napatalsik na ang isa, ay palitan ang sistema mismo, sapagkat kadalasan, ang sistema ang puno't dulo ng katiwalian. Maraming maaaring gawin ngunit ang pinakamalala sigurong reaksiyon sa katiwalian ay ang pagkibit balikat o pagbubulag-bulagan na walang katiwaliang nagaganap.

Isipin na lang natin, kung magkakahalintulad nang mag-isip ang lahat ng mga Pilipino, na hayaan na lang nating magnakaw ang mga pulitiko sapagkat pare-pareho naman silang lahat, para na rin nating sinabing
magnanakaw lahat ng mga Pilipino, para na rin nating sinabing nakawin na lang ninyo ang aming mga buwis. Samakatuwid, para na rin nating sinabing wala nang pag-asang maiahon ang Pilipinas sa pagkakalugmok sa kahirapan.

Sa madaling salita, ang pag-aalma o pagpo-protesta ay isang pagpapahayag ng paniniwalang may solusyon ang lahat, kasama na ang katiwalian, isang pagpapatotoo sa kapangyarihan ng pag-asa.

orthochild's picture

May patutunguhan ba

Ang pag-alma ba na ito ay may patutunguhan? ilang pag-aalama na ba ang naganap? saan napunta....

Natatakot lang ako na balang araw magkaroon ng EdsaXXV

Paano kung lahat ng Presidente ay tiwali? laging may pag-aalma sa kalye? hanggang kelan matitigil ito? (malamang wala)

Kaya nga sinasabi ko na bakit hindi tumakbo ang lider ng mga nagrarali na yan kung may alam sila na pagbabago? ang lider ba ng grupong nagrarali di pwede maging presidente? o ayaw lang nila.... may mga lider din naman kasi ito na may potensyal maging presidente kung wala naman budget bakit di subukan? kung para sa bayan at malinis ang hangarin.... atleast sinubukan.

Wala akong nakikitang tiyak na solusyon sa paghahanap natin ng maayos na presidente kundi yun lang... ikaw ba sir  sa sarili mo malinis ba ang hangarin mo para sa bayan? kung may pagkakataon, susubukan mo ba tumakbong presidente ng bansa?

Mahirap kasi sa bansa natin maraming mahilig manita pero sila naman takot humawak ng bansa. puros batikos lang ang alam gawin. gusto ko sana hamunin ang mga lider na yan na pasukin ang politika lalo na ang pagiging presidente... kasi sila ang lagi bumabalandra sa TV na 'dapat ganito ang gawin' kaya kung sila ang nasa posisyon ng presidente magagawa siguro nila yun.....

 

 

 

 

 

 

dyeppri's picture

Gusto ko rin po sumama sa rally...

Gusto ko rin po ang sumama sa rally ngunit hindi pa ngayon dahil hindi po ako naniniwala na andyan na ang pagbabago... hindi pa 'ata tayo handa para rito. Minsan ng kumatok ang pagbabago sa pinto ng ating bayan (si Ninoy) noon ngunit hindi ito pinapasok ng taong bayan bagkus naging ganid pa rin ang ilan, naging mapangsarili, naging tulala...

Siguro (para sa akin po) ang gobyerno natin ay isa pa ring Sirko o isang Entablado na parang Sine na sila-sila pa rin ang mga bida... Papalit-palit lang! Tutulong ang mamamayan ngunit siya pa rin ang mangingibabaw at nagpalit lamang ng maskara, ng mukha...

Gusto ko po sumama sa rally ngunit hindi pa ngayon...hanggang hindi ko pa nadarama ang taong hindi nakamaskara at hindi sumusunod sa anino nang nakaraan...hanggang hindi pa ako kinakalabit ng taong magpapabaligtad ng lahat.... kapag tiyak at plantsado na ang lahat ay siguradong maaasahan na ako.

Ang tanong ay sino kaya ito? baka yung walang bahid ng pulitika at may takot sa Diyos at may malinis na pinagmulan...

Sana maramdaman ko na siya at ng maramdaman na rin ito ng anak ko... sana malapit na.

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

noid's picture

May mga Solusyon

Quote:
Paano kung lahat ng Presidente ay tiwali? laging may pag-aalma sa kalye? hanggang kelan matitigil ito? (malamang wala)

Heto ang tinatawag na cynicism, ang paniniwalang wala rin namang mangyayari. Kapag lahat ganito na talagang mag-isip, wala talagang mangyayari. Isinara mo na ang pinto ng posibilidad. Ngunit kung iisipin mong maaaring magbago, na may isang magaling na lider na puwedeng mamuno, na may mga solusyon sa problema, ay may pag-asa talaga.

Ibig sabihin kailangan nating palitan ang uri ng ating pag-iisip. Kung minsan, pagpalit lang ng attitude o disposisyon ang kailangan upang unti-unting mabago ang mga bagay-bagay. Kahit ngayon, halimbawa, maaari kong ibigay si Mayor Jess Robredo ng Naga City na isang halimbawa ng lider na maaaring maging Pangulo ng Pilipinas. Puwede rin si Sen. Kiko Pangilinan. Marami pa diyang iba. Kailangan lang nating mag-isip at maghanap.

Quote:
Kaya nga sinasabi ko na bakit hindi tumakbo ang lider ng mga nagrarali na yan kung may alam sila na pagbabago? ang lider ba ng grupong nagrarali di pwede maging presidente? o ayaw lang nila.... may mga lider din naman kasi ito na may potensyal maging presidente kung wala naman budget bakit di subukan? kung para sa bayan at malinis ang hangarin.... atleast sinubukan.

Una, hindi totoo na ang mga lider ng nagra-rally ay ayaw maging Presidente. Halimbawa, kung tatanungin mo si Sen. Allan Cayetano, kung ibibigay sa kaniya ang pagiging Pangulo ngayon na mismo ay malugod niya itong tatanggapin.

Pangalawa, hindi totoo na kailangan mong maging Pangulo bago mo mabago ang mga bagay-bagay. Nang pumunta ang mga tao sa unang EDSA, hindi naman sila Presidente ngunit napatalsik nila ang isang diktador. Nang magkaisa ang mga tao sa Pampanga hindi rin nila kinailangang maging Pangulo upang mailuklok bilang gobernador ang isang hindi trapo. 

Quote:
Wala akong nakikitang tiyak na solusyon sa paghahanap natin ng maayos na presidente kundi yun lang... ikaw ba sir  sa sarili mo malinis ba ang hangarin mo para sa bayan? kung may pagkakataon, susubukan mo ba tumakbong presidente ng bansa?

Maraming solusyon sa paghahanap ng pagiging presidente, hindi lang ang gawing presidente ang lider ng mga nagra-rally. Halimbawa, kung may pinaniniwalaan kang tao na talagang tapat at mahusay ay puwede mo siyang suportahan. Kung wala kang nakikita maghanap ka -- sa 80 milyon na tao sa Pilipinas may kahit isa naman sigurong karapat-dapat. 

Sa tanong mo, kung ibibigay sa akin ang pagkakataon ngayon ay oo, tatanggapin ko ang pagka-Pangulo ng Pilipinas. (Ang problema mayroon talagang mga taong ayaw bumaba sa puwesto kahit kita namang ayaw na na mga tao sa kanila.) God knows kailangan natin ng mga mas creative o malikhain na tao sa pamahalaan. Kaya nga isa sa mga susuporthan ko so sa susunod na eleksiyon sa pagka-Senador ay si Danton Remoto, dati kong guro sa malikhaing pagsulat sa Ateneo, at di-hamak na mas matalino sa mga nasa katungkulan ngayon. Kung narinig niyo ang podcast ng panayam sa kaniya ng Inquirer.net noong nakaraang eleksiyon, mapag-iisip kayo kung bakit hindi na lang lahat ng tao sa gobyerno ay tulad niya.

Bilang pagtatapos, ang pagiging lider ay hindi lang pagiging Pangulo ng Pilipinas. Puwede kang magsimula sa iyong komunidad, ano bang nakikita mong problema sa iyong barangay o village ang maaari mong baguhin? Puwede ka ring magsimula sa site na ito at i-post mo ang mga solusyon mo sa kung paano mapaunlad ang Pilipinas. Maraming maaaring gawin na sa unang-tingin ay maaaring maliit lang, ngunit maaaring makapag-ambag sa pagbabago sapagkat ang maraming maliliit na bagay na ginagawa ng napakaraming tao sa huli ay nagiging napakalaki. 

May isang libro ang manunulat na si Ann Lamott na ang pamagat ay 'Bird by Bird.' Ibig sabihin, kung nalalakihan ka sa isang proyekto ng pagsusulat na nagdudulot tuloy ng tinatawag na Writer's Block, marahil kailangan mong baguhin ang iyong approach o pamamaraan -- bird by bird lang, or word by word, sentence by sentence, paragraph by paragraph. In other words, one step at a time. At di mo alam, natapos mo na pala ang nobela or screenplay na iyong sinusulat. Ang pagtatatayo ng isang maunlad at matatag na bansa ay gayundin marahil. Isang maliit na ambag ng pagbabago ngayon, at di mo alam, isang maunlad na bayan bukas. 

adaengkantada's picture

mismo!

"Isipin na lang natin, kung magkakahalintulad nang mag-isip ang lahat ng mga Pilipino, na hayaan na lang nating magnakaw ang mga pulitiko sapagkat pare-pareho naman silang lahat, para na rin nating sinabing
magnanakaw lahat ng mga Pilipino, para na rin nating sinabing nakawin na lang ninyo ang aming mga buwis. Samakatuwid, para na rin nating sinabing wala nang pag-asang maiahon ang Pilipinas sa pagkakalugmok sa kahirapan."

sama niyo ko jan! ayokong sumama sa mga taong maghihintay na lang kung hinog na ang panahon. paano kung ganito mag-isip ang lahat ng Pilipino? e di hindi na dadating yung hinihintay kong "hinog na panahon"

pero, admittedly, mahirap magrally ngayon dahil sa tindi ng krisis. napakahalaga ng bawat araw. pero kung wala naman tayong gagawin, kahit simpleng pagtitipon at pagtatalakayan lang, lalong hindi maiibsan ang kalagayan natin.

Nakaraan na ang Interfaith

Nakaraan na ang Interfaith rally at nakasama kami doon sa panalangin... nakaraan na din ang mas madami pang rally nakakatulong talaga na makapagpagising ang mga rally na to sa damdamin ng bawat pilipino, nagising ako na hindi lahat ng laban ay nasa kalye dahil nandyan pa din si GMA ni hindi makasuhan at lalong naghihirap ang ekonomiya ng pilipinas. Wala nang gustong mag-tayo ng negosyo pati kaming maliliit na namumuhunan eh luging lugi na, pati sa mga congressman at senador na pinagtiwalaan mong ihalal na ilalaban ka sa tamang paraan eh nagsibalik sa kalye kaya ayun at lalong tumagal ang sentensya, puro kaso na walang katapusan. Lumagpak na ang henerasyon na kinabibilangan ko sa dami ng mga mali at marahas na kaisipan mas madaming kapahamakan na naging bunga kumpara sa kapakinabangan, namatayan ka, nasaktan ang kapatid mo, nakakulong ang kaibigan mo... at ang mga tiwali ayun at nandun pa din sa upuan nila... eto ang mga bagay na natutuhan ko na hindi ko uulitin. Hindi ko na hahayaan na maging ang henerasyon ng anak ko ay patuloy na umikot sa ganitong cycle, nasa bahay ako at tinututukan ko ang mga anak ko, iminumulat sa tamang kaisipan para hindi sila malinlang paglabas nila ng bahay. Hindi tayo pwedeng lahat ay nasa kalye mayroong dapat maiwan sa mga bahay para mag-palaki ng tama sa mga anak, sa mga eskwelahan para magturo, sa mga industriya para may maghanap-buhay... gawin nyo ang dapat nyong gawin sa inaakala nyong paraan at gagawin ko ang parte ko sa pagkakaintindi kong tamang paraan... bawasan sana ng mga pilipino ng konti ang kanilang yabang at magkakaintindihan siguro tayong lahat na iisa ang pakay natin, PAGBABAGO!

orthochild's picture

Bakit di nasasagot

Bakit di nasasagot ang tanong ko:

bakit hindi tumakbo ang lider ng mga nagrarali na yan kung may alam sila na pagbabago? ang lider ba ng grupong nagrarali di pwede maging presidente? o ayaw lang nila.... may mga lider din naman kasi ito na may potensyal maging presidente kung wala naman budget bakit di subukan? kung para sa bayan at malinis ang hangarin.... atleast sinubukan.

Kasi po karamihan sa lider ng grupo na yan puro nalang batikos, bakit di nila subukan maging presidente? wala pa akong nakita na lider ng mga grupo na yan na sumubok magging presidente? hindi kaya TUTA rin sila at nababayaran?.....

Yan lang ang nakikita kong solusyon sa mga batikos nila... ang sarili nila mismo.... di ba yung mga nagrarali e sinasabi nga na 'dapat ganito etc' kung sumasang-ayon tayo sa kanila bakit nga hindi sila tumakbo bilang presidente/senador/gobernador? bakit? (sana kahit subok lang.. kung talagang para sa bayan)

 

c"..)

Pauline, I get your point and I don't take it against you to do what you think is best. You're doing something and it matters a lot! 

Orthochild,  puhleeeeze... can you do me a favor and shut up? oh I'm sorry I have no right to say that... but think about it and do it as a favor to yourself so we can all have our peaceFoot in mouth

it's because you're missing

it's because you're missing the whole point of PEOPLE POWER. hindi nagpupunta ang mga tao doon para sila ang maging presidente. siguro nga may ilang politiko na umaasa ng ganoon, pero sigurado do mabibilang lang sila sa daliri. hindi nagpupunta sa rali ang mga tao dahil tingin nila ay pagiging presidente nila ang solusyon sa problema kundi pumupunta sila dahil sa tingin nila ang pinakamalaking problema ng bansa ay nasa katauhan ng pangulo ngayon, dahil sa mga kongkretong patakarang ipinatutupad niya na nakakasama sa ating bansa at mga hindi niya ipinapatupad na makakatulong sana sa atin.

hindi rin totoo na walang nangyayari. nakalimutan mo pang banggitin ang unang EDSA na nagwakas sa ilang dekadang paghahari ng diktadura. sa EDSA 2, hindi naman pinatalsik si Erap dahil gusto ng mga tao si GMA bilang kapalita niya. naging pangulo lamang siya dahil siya ang constitutional successor ni Erap. ngayon naman kaugnay kay GMA, oo wala pang nangyayari, naririyan pa rin siya. pero hindi dahil mali ang mga gustong magpalayas sa kanya, kundi kulang pa ang mga boses na gustong maging bahagi ng malakas na sigaw.

kaya ako, kahit tapos naman na ang interfaith rally, sama rin ako.

Pmel's picture

Scream All You Want

What this country need is a bloody revolution. Peace demonstrations are redundant and is now a meaningless action.

dyeppri's picture

Yah...

Yah, i think u'r ryt pmel... repetition na lamang ito sa nauna at tila nagbobolahan na lamang tayo.  paulit-ulit lang! Nakakasawa na,,, P...Ina nila!!!!  Let's do it...para ma iba naman!   Sealed pero sino ang papalit?! (Ngeks...sya nanaman! hayyy, matutulog na lang ako at baka sa panaginip ay mayroong magbago...) pakigising na lang po ako kung mayroon na pamalit....

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

rali nga hindi mo

rali nga hindi mo maintindihan, revolution pa.

orthochild's picture

After EDSA

After edsa? ano nangyari? wala!

si cory, e nagitlog lang....

maraming nasasaktan sa sinasabi ko kasi nakakahon ang isip nila sa pag-aaklas na wala rin naman mararating. (kaya ba gusto mo shut-up di ka nalalayo sa mga politiko... iha! pasensya na...)

Nagtagumpay ang Edsa 1 dahil mahina na sa sakit ang dating pangulong marcos at sinamantala ito ng iba pang gusto rin maging pangulo sa darating na panahon...

 

Para matapos na ito sige sumama kayo sa rally pero wala kayong makukuhang sagot sa mga yan hanggat wala kayong nakikitang maayos na mamumuno! (alam kong hindi kayo ito, dahil wala kayong katagian ng isang pangulo.... panggulo pwede siguro )

 

*natutuwa ako sa usapan natin, lubusan nag-apoy ang ating mga damdamin pero sana hindi ito personalan... matapos ang forum na ito at sa iba pang forum sana magksma nman ang ating damdamin...

datuh at sa iba pa....

wala po itong personalan promis! parang debate lang ginawa ko inatake ko kayo ehehehehe

 

rose's picture

Peace!

So you admitted now na inatake mo lang kami at nanggugulong ka lang. he he he but anyway kanya kanya tayong paniniwala.

Don't worry ortho? we will not take it personally in one condition Please itikom mo na yang bibig mo dahil paulit ulit nalang sinasabi mo na "Dapat mga leader ng raliyesta dapat ang tumakbo presidente. ( Peace bro)....

 Peace and have a good life Ortho!Innocent

MABUHAY SI ROSE!

MABUHAY SI ROSE! (palakpakan)

So four months later: with that nice comment I left..

Since, I am on this "I-love-the-world" mood.. Let me again leave you with this beautiful illustration:

Be good now fellows and make of it what you will..

joemaya123's picture

Who's to bear the blame!

POLITICS IS THE PROCESS WHEREIN PEOPLE CHOOSE WHO'S TO BEAR THE BLAME!

Ok, let's keep blaming! 

joemaya

that's politics for grade 1

that's politics for grade 1 student you're talking about. muli, ang CYNICISM. kung may mali, bakit hindi batikusin at itaguyod ang tama. paano pa kaya kung sandamukal ang mali? magtatago na lang ba sa kani-kaniyang lungga at matutulog sa pagbabakasakaling sa panaginip makita ang mundong hinahanap.

fhearl08's picture

Kung ako lang si Superman...

Kung ako lang si Superman Sir Noid, siguro matagal ko ng tinanggalang ng kapangyarihan ang kasalukuyang namumuno dito sa bansa natin. Kaso ordinaryo lang po akong mamamayan na umaasa at nag-aantay na lang na may milagrong mangyayari sa kasalukuyang daloy at pamamalakad ng pamahalaan. Kung sana po may lakas din po ako ng loob para sumali sa mga nagrarally jan, ginawa ko na iyon kaso mas pinahalagahan ko ang oras ng trabaho ko dahil hanggang pangtustos lang sa pang-araw-araw ang kaya ng kinikita ko. Minsan, kapag nanood ako ng TV Patrol, Bandila, Probe, Harapan at Correspondence, doon ko makikita ang lahat ng mga pangyayari at lalo na ang mga batikos sa kasalukuyang administrasyon...

Gayunpaman, ang pagrarally ay hindi ibig sabihin na nakikigulo lang tayo, kundi isa itong paraan kung saan maipaparating mo sa kinauukulan kung gaano kapanget ang sistema ng kanyang pamamahala. Ito po ay isang grupo ng mga taong may hinanaing sa sistema ng pamamalakad ng gobyerno kung saan marami sa ating mga Pilipino at apektado kung kaya marami din ang naghihirap. 

Samakatuwid, ang presidente ay isa sa tagapamuno ng bansa kung saan siya ang may kapangyarihan para sa pagpapatupad ng mga batas, nasa kanya ang lahat ng pagdedesisyon. Eh kung sa kasalukuyang estado ng Pilipinas ngayon na ramdam na nating lahat ang paghihirap at wala man lang nagawa ang ating pinagkakatiwalaan tagapamuno, sa palagay po ba natin ay tatahimik na lang ba tayo? Hindi ba tayo gagawa ng aksiyon upang ito'y matigil? Kaya nga po ang iba ay bumuo ng UNION sa pagprotesta dahil gusto nilang mabago ang sistema? Sa mga against sa rally, mananatili na lang bang nakatikom ang bibig natin? Paano uunlad ang sarili mo kung makasarili man lang din tayo? Isa lang naman ang hiling ng taong bayan, ay ang pagbabago ng sistema sa pamamalakad ng gobyerno at isulong ang mga programa sa pag-unlad ng bayan at ang pagpigil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin kung saan unang apektado ang mga mamamayang mahihirap kaya lalong naghihirap. Ang pagpapatupad ng minimum wage kung saan iilan lang sa mga establishemento ang tumutupad sa mga ito. Kung sana maayos lang ang batas ng pamumuno ay hindi umabot sa ganito... Sa palagay n'yo po ba?

Para sa lahat... paano magkakaisa ang isang bansa kapag walang tayong inatasang mamumo o lider para dito? Paano magkakaroon ng Saligang Batas kung wala tayong Presidente? AT paano magpapatupad ng batas kung walang pinuno ang isang bansa? Paano magkakaisa ang kapag walang mamuno dito. Pakalat-kalat na lang ba tayo at gagawa tayo ng sarili nating batas? 

Maraming salamat po Sir Noid... Ako lang po eto... 

 Count me in po!

Pmel's picture

fhearl08

fhearl08 wrote:

Kung ako lang si Superman Sir Noid, siguro matagal ko ng tinanggalang ng kapangyarihan ang kasalukuyang namumuno dito sa bansa natin.

 

 In case you didn't know, Superman is a Government-Ass-Kisser.  So vote for Batman-- the anti-hero

  And as much as anyone has the right to say, "I can pose whenever, wherever the hell I want!" I also have the right to say, "Then you're no better than a troll." This is past events and does not need futher discussions unless someone starts a new topic involving a NEW EVENT. Thank you for your understanding! Good Night!

 

-Pmel

 

noid's picture

It's about the Conversation

Hi Pmel,

I'm sorry but I have to disagree. A troll is "someone who posts controversial and usually irrelevant or off-topic messages in an online community, such as an online discussion forum or chat room, with the intention of baiting other users into an emotional response or to generally disrupt normal on-topic discussion," and fhearl08's post is definitely not a post of a troll.

Also, it's not true that you cannot discuss past events. The beauty of a forum or a blog is that you can contribute to the discussion anytime, even years after the thread was started. Actually, that's the purpose of an online forum, to ensure that the conversation is kept alive so that we might continue to learn. 

Pmel's picture

Of course

As you say. My apologies.

fhearl08's picture

Thank you!

Thank you Sir Noid! God bless you po!

Kung yun po ang pananaw po nila, hayaan na lang po natin sila...

Again, thank you Sir...

 

noid's picture

Gawin ang ating makakaya

Quote:
Kung sana po may lakas din po ako ng loob para sumali sa mga nagrarally jan, ginawa ko na iyon kaso mas pinahalagahan ko ang oras ng trabaho ko dahil hanggang pangtustos lang sa pang-araw-araw ang kaya ng kinikita ko.

Mahirap talagang maging aktibo sa mga pagkilos ngayon lalo na kailangan mo ring kumita. Di mo alam kung alin ang pagtutuunan muna ng pansin -- ang tawag ng bayan o ang kalam ng sikmura. Noong unang bahagi ng taong ito pinili ko munang makilahok sa mga pagkilos para sa bayan sa halip na pagtuunan ang aking mga personal na proyekto, sapagkat pakiramdam ko mas malakas ang tawag na pagsilbihan muna ang bayan. Naisip ko, kung papalubog na ang barko baka di rin ako makarating sa aking paroroonan. At paano mo uunahin ang mga sarili mong pangarap kung palagi kang kinakalabit ng batang namamalimos sa kalye.

Mahirap talaga, ngunit kailangang gawin na lang natin ang ating makakaya, kung may panahon at may pagkakataon tayo. O kaya'y iugnay ang ating pagsisilbi sa bayan sa ating mga trabaho. Sa ngayon, halimbawa, may mga balakin ako para sa bayan na ipinagpaliban ko muna sapagkat kailangan ko ring kumita, ngunit alam kong nariyan lang sila at puwedeng balikan. Meron rin akong ginagawang proyekto na bagamat hindi direktang kaakibat ng mga pagkilos ay alam kong para sa bayan rin at kasama sa gawaing pagtatag ng maunlad na bansa. At kung may mga pangyayaring puwede ko namang salihan o puntahan at maaari kong paglaanan ng oras ay ginagawa ko. At yung mga maliliit na bagay na alam kong kaugnay rin ng pagbabago ay ginagawa ko rin kung may panahon gaya ng pag-post at pagsagot sa usapang ito, sapagkat gaya nga ng nasabi ko sa taas, ang mga maliliit na bagay ay maaaring makapag-ambag sa mas malaking pagbabago.

huwag kang mag-alala, kahit

huwag kang mag-alala, kahit hindsi ka si superman, o batman; kahit ordinaryong mamamayan ka lang, mayroon kang kapangyarihan. hindi rin totoong wala kang magagawa. sa totoo, malaki na nga ang nagawa mo. ang pagkilala na mayroong problema at kailangan ng solusyon ay kalahati na ng proseso. marami ang tulad mo, gustong sumama pero walang pagkakataon dahil kailangan munang magtrabaho.

pero iyon ang kagandahan ng kapangyarihan ng mamamayan. hindi ito tulad ng boto sa eleksyon na tuwing tatlong taon lang ibinibigay sa atin, dadayain pa o hindi bibilangin; matapos niyon wala na. sa halip, ang karapatan mong lumaban ay laging nasasa iyo.  laging magiging bukas ang lansangan at ang mga kapwa mo biktima ng sistema at hindi mo na kailangang magtrasnform sa superman para gawin iyon. (at huwag ka ring lululon ng bato, baka mabulunan ka.)