Wikang Pambansa o Wikang Banyaga?

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

 

            Nananalaytay sa atin ang pagkakaroon ng dugong maka-Pilipino sa lahat ng aspeto ng ating pamumuhay, maaaring sa aplikasyon ng pag-iisip, pagkilos lalong lalo na ang pagsasalita. Ang tagalog, bilang wikang kinalakihan nating gamitin ay isa lamang sa mga kontribusyon ng ating katutubong wika na marapat mabigyang pansin at malinang upang matagumpay na maisakatuparan ang pagpapayaman ng ating kawikaan.

 

            Kaya naman matapos pagtibayin ng Konstitusyon ni Manuel L. Quezon ang pagpapayabong ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa, naitagubilin na rin ang pagggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, pampubliko man o pampribado.

 

            Bagamat sinasabi pa ring hindi nawawala sa ilan ang gumagamit ng wikang banyaga, hindi maikakailang ang ilan sa mga kabataan ay hirap sa pag-unawa at pagsasalita nito. Nahihirapan sa pagsagot sa klase marahil sa takot na magkamali o mapahiya sa publiko. Sapagkat  hirap sa paggamit nito, maaaring magdulot ito ng mahinang partisipasyon sa klase. Gayunpaman, kung magiging wikang naiintindihan ang gagamitin sa pagtuturo, mas mabilis na mauunawaan ng mga mag-aaral ang talakayan sa klase, mas higit na aktibo sa pakikihalubilo at mahahasa sa masining na pagsusulat ng pampanitikang artikulo. Bukod pa rito’y dahil tayo rin ay nasa bansang Pilipinas marapat na maging maalam tayo sa mga salitang Pilipino.

 

            Ngunit sa kabila ng mga isyung ito, may mga panunuligsa pa ring naganap. Nakakapanlumong isipin na mga kilalang personalidad ang karaniwang bilang nito na mas pinili pang linangin ang wikang banyaga. Kung ganito ang reaksyon ng mga taong dapat na manguna sa pagsuporta sa adhikain ni Quezon, ano na ang kahihinatnan ng  ating mga mithiin para sa wikang Filipino?

           

            Tunay na  ang mentalidad na kolonyal ay napakalakas ng dating sa ating mga kababayan. Nakakalungkot mang isipin, isa nang katotohanang  pinili nilang akapin ng kabataan ang wikang pinaniniwalaan nilang nakabubuti. Napakalaking insulto sa mga pilipinong labis na nagmamalasakit sa kahalagahan ng sariling wika. Paano nang matutunan ng susunod na henerasyon ang pagkakaroon ng nasyonalismo kung sa pagsasalita ay naghihingalo na ang kanilang puso’t isipan?

 

              Batid natin ang labis na pagmamahal sa wika ay iilan na lamang ang nakagagawa. Ang masaklap pa’y habang tumatagal, baka tuluyan nang mamatay ang diwa ng wika. Mahirap na para sa isang bansang tulad natin na muling pairalin ang nagkakaisang mamamayan sa pagbibigkis gamit ang wika. Isang malaking hamon sa ating kabataan ang isyung ito, may magawa sana tayo. Mapagtagumpayan nawa ito.

 


ammm

pasensya na po baguhan lang po..

salamat..

Rom's picture

magandang artikulo para sa unang post

 

 maganda ang topic mo at pagkakasulat para sa unang post mo. malalim at makabuluhan kahit na limitado sa umpisa ay kapansin-pansin ang magandang hangarin. 

may mga issue tungkol sa paggamit ng Pilipino hanggang ngayon sa paaralan, ako mismo nagtatanong sa guro ng anak kong Grade 5.

nagrereklamo kasi ang anak ko sa akin sa kahirapan niyang makaintindi sa subject niyang Music na sa ngayon ay ginawang nasa wikang Pilipino. May mga terminology na kung susuriin ay mas nakaka lito kaysa sa nakakapag patuto sa mga mag-aaral.

gaya na lang ng "G-Clef." Paano mong tatagalugin ang "G-Clef?" Maging ang mga half note, quarter note, rest, cresendo, vibrato, ay sapilitang isinalin sa tagalog na siyang nagresulta ng pagkalito at pagkabagot sa parte ng mga mag-aaral.

may mga hilaw na salin sa ating salita mula sa wikang banyaga na nagbubunsod lang ng alanganing kaisipan at di pagkaintindi.

Tulad na lang ng mga subject na science, mathematics at computer. wala naman kasing direktang salin sa PIlipino ng mga terminilohiyang matatagpuan sa nasabing mga asignatura kaya't ang pagpupumilit na isalin ito sa Pilipino ay lalo lamang nagbubunsod ng pagkalito at di pagka tuto.

*itinanong ko sa Teacher ng anak ko kung ano ang G-Clef sa Pilipino alam mo kung ano ang sagot? Clef ng G daw.

salamat sa makabuluhan mong artikulo. 

 

 

www.blah-blahblogs.com

salmat po..

salamat po sa inyong positibong pagsusuri ginoo. ako man po'y nalilito din sa mga salitang pilit nilang sinasalin. sa totoo lang po, hindi ko maiwasang matawa sa pagsasalin na ginawa ng guro ng inyong anak sa musika. hindi na naging mabisa ang pagsasalin nila bagkus naging negatibo pa ang kinahinatnan para sa mga batang may mura pang pag-iisip. ang mga kumplikadong salita'y labis na nakapagpapahirap sa mga mag-aaral na kabisaduhin at unawain ito. sa aking palagay, hindi nararapat na isalin ang mga SIMBOLO lalong lalo na ang mga hiram na salita dahil walang ganap na pagpapatupad na marapat itong isalin, isang pag-iimbento ng mga kakaibang salita ang kalalabasan sakaling pilitin nila itong isalin. kung para sa guro ay Clef ng G ang tagalog ng G-Clef paano kung sabihin naman ng iba na mas nais nila itong tawaging Klepo ng G. sadyang napakasamang pakinggan kung nilalaro na lamang ang pagsasalin at hindi ginagamitan ng tamang batayan.

lubha na talaga akong nag-aalala dahil natatakot akong papalapit na ang kamatayan ng dangal ng wika. iilan na lamang ang mga matatas sa pagsasalita ng wikang tagalog at ang ilan pa'y ginagawang katatawanan ang pagsasalita ng mga taong ito. naiinis pa ako sa mga pulitikong gumagamit ng ingles sa kanilang pagtatalumpati, oo naroon na akong ang mga kausap nila'y mga edukado't propesyonal at bihasa sa paggamit ng ingles ngunit bakit ganoon na lamang nilang minaliit ang pagsasalita ng filipino. nakakahiya para sa ibang bansa na malaman na hindi tayo marunong luminang ng mga salita natin. hindi ako taliwas sa mga taong gumagamit ng ingles ngunit ang sa akin lamang pakita naman nilang nagmamalasakit sila sa wika natin. para na rin kasing sinampal na nila ang kanilang mga sarili sa kahihiyang gamitin ang filipino.

 

 

pasensya na po at ito lamang ay aking mga pagpuna sa mga nangyayari sa kasalukuyan. bahala na po kayo sa inyong magiging komento kung sang-ayon po ba kayo o hindi.. maraming salamat po.

 

bukod nga pala doon ay nais ko lamang itanong kung kayo po ba ay isang guro sa filipino? magaling po kasi kayo sa pagsusuri, nabasa ko ang ilang mga komento niyo sa ibang blog.. ayun lamang po, magandang  gabi.Smile

Rom's picture

maganda ang pananaw mo

tama ka sa mga pananaw mo at nagpapasalamat ako at may mga katulad mo pa na lubhang nagmamahal sa sariling wika. tama ka rin na walang masama sa paggamit ng wikang banyaga, ngunit sa pasubaling dapat sana ay mas bihasa ka sa katutubong wika kaysa sa pangalawang wika. bagay na kabaligtaran sa ngayon. 

naging katatawanan na ang paggamit ng sariling wika sa ngayon sa kadahilanang di na ito nakasanayan nagiging "strange" o dayuhan na sa pandinig ng kabataan ang mga malalalim na salitang Pilipino at dahil dito nakakatanggap ito ng pagkutya.

Paanong di rin magiging bihasa sa sariling wika ang mga pulitiko samantalang sila mismo noong nasa paaralan pa sila at maging sa sarili nilang bahay ay di sila mismo gumagamit ng katutubong dila. kaya mas lalo lamang silang napapalayo sa mga taong bayan.

salamat sa iyong mapanuring pananaw, lagi lamang magsulat at magsuri.

*hindi po ako guro ng kahit na anong asignatura, simpleng tao lamang po ako na nangangarap magsulat.

 

salamat po

Rom 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com