WORST
Matatawag ata akong worst person in the whole wide world dahil sa kaisipan na meron ako. Sadyang pinagpala ata akong tao (sarcastic message for myself). Marami akong iniisip na nagpapagulo ngayon sa utak ko. Sa ngayon may nararamdaman ako na nagpapahinto sa buo kong katawan. Parang neurons na nagsesend ng mga impulses kung saan nagpapahiwatig sa akin na tumigil na sa ginagawa kong kalokohan. Kalokohan bang matatawag ang mangarap na balang araw ang minimithi ko eh makakamtan ko na kahit na wala akong kasiguraduhan na makukuha ko iyon?
Ilang buwan ng nakakaraan, natutuwa ako sapagkat gusto pa akong magstay ng school na iyon. Ang word na "priority" ang nagpasaya sa aking puso. Ngayon ko lang narinig ang salita na iyon na mismo para sa akin. Masaya kasi may mga tao pa rin na naniniwala sa akin. Ngunit sa kasamaang palad mas pinili ko ang isang bagay na wala akong kasiguraduhan. Kayat heto ako ngayon... naghihintay nga ba ako sa wala? Super nega akong tao. As in pessimistic talaga. Kahit anong pilit kong maniwala sa aking sarili, may mga words na pumapasok sa tenga ko na dumuduretso sa utak ko na nagpapahinto sa buo kong pagkatao. Bata palang ako iniisip ko kung ano ang mangyayari sa akin paglaki ko. Hindi ko kaya ang hamon ng mundo. Inaamin ko na iyakin ako at medyo sensitibong tao rin. Kayat baka nga hindi ko makakaya ang mag-isa. Ngunti noon pa man, mag-isa na ako. Wala akong matatawag na kaibigan na lagi kong kasama, i-share kung anuman ang meron sa utak ko at sa mga nararamdaman ko at higit sa lahat yung tipong masasandalan ko. Tahimik. Parang tansan na kailangan ng opener para magsalita.
Grade school ako nang binigyan ako ng most friendly award ng titser ko. Nagtataka ako kung bakit ako binigyan ng ganoong parangal. Wala nga akong kaibigan at isa pa hindi naman ako palaimik sa klase. Siguro kayat ako binigyan ng ganoon dahil wala akong kaaway at hindi ako magulo tuwing may klase. Noong high school pa ako, mahilig akong magbasa ng magazine. Mahilig mangolekta ng educational magazines ang tatay ko. Kayat nakahiligan kong magbasa ng ganoon basta maganda ang nilalaman. Doon ako sa sulok ng classroom, nagbabasa mag-isa. Walang kumakausap sa akin. Hindi ko naman pinilit na may kumausap at tumabi sa akin basta wala akong pakialam.
May kapatid ako at siya lang ang laging kasa-kasama noon pa man. Nang naging college siya, tulad ng dati nagkaroon siya ng mga kasama. Magaling mag-PR ang kapatid ko at matalino rin siya. Aminado ako sa bagay na iyan. Kahit saan man siya magpunta... stand out siya. Kahit sino pwede niya makausap. Pwede siyang makihalubilo sa lahat. Higit sa lahat matapang siya. Gusto kong maging tulad niya. Kahit na panganay ako, hinahangaan ko ang bunso kong kapatid. Pero bigla kong binago ang bagay na iyon. "Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?" Ang tanong na iyon ang nagpabago sa isip ko na huwag siyang gayahin. Ang naging katwiran ko sa taong nagsabi sa akin nun... "kung gagayahin ko siya... buong pagkatao niya... eh di wala ng jodeline na nabubuhay sa mundong ito." Alam kong may ibig sabihin noon. Gusto lang siguro ng tao na iyon na maging malakas ako tulad ng kapatid ko. Pero iba ang naging tama nito sa puso ko kayat nasabi ko ang mga bagay na iyon sa kanya. Magaling ang kapatid ko sa lahat ng bagay. Wala akong nakikitang kahinaan niya na pwedeng ipintas sa kanya. Sa kalagayan ko naman, ang daming kapintas-pintas na bagay ang pwedeng sabihin sa akin. Kakainis bakit ko iniinsulto ng ganito ang sarili ko! Hay sabi nga nila love yourself as you love others.
Malayo-layo pa ako sa jodeline na gusto kong mangyari pero pipilitin ko. Kaya ko ito. Ako ay ako at siya ay siya. Mahaba pa ang aking lalakbayin para masabi ko na naabot ko na ang gusto kong mangyari sa aking buhay. Marami pa akong pag-aaralan tulad ng pagiging matapang at maniwala sa aking sarili. Alam ko may mga taong lihim na naniniwala sa aking kakayahan (fingers' crossed). Kung wala man, kailangan kong paniwalaan ang sarili ko kung ganoon. Kaya ko ito! kaya ko ito! Kailangan maging masaya parati. Maniwala na sa bawat patak ng ulan... lalabas ang bahaghari isama mo pa ang araw.
^^v
salamat po dahil binasa niyo po ang blog ko^^v. You have everything you need... if you just believe
magkakaiba...
magkakaiba lamang kasi ang haba ng pangsukat natin kaya akala ko nalagpasan na nila ako, inisip ko tuloy na mas magaling sila sa akin... i can completely relate on your piece hanggang ngayon pareho pa rin ng panaginip ko...
^^v
salamat naman at may tao rin palang nakakarelate sa gawa ko. Kahit na mahirap pipilitin kong magkaroon ng ibang identity ^^v




hindi naman...
hindi naman sya ganon ka-worst, hangga't naniniwala ka sa sarili mo sige lang keep on moving forward...