Writing and Commitment

noid's picture
03/22/2006 - 1:00pm
03/22/2006 - 5:00pm
Etc/GMT+8

Posted by Alexander Martin Remollino at the pahina yahoogroup.

Amado V. Hernandez Resource Center
UCCP Bldg. Room 319 Edsa Quezon City
Tel. no. 412-09-09

Pagbati mula sa Amado V. Hernandez Resource Center!

Ang AVHRC ay maglulunsad ng mga roundtable discussion bilang bahagi ng gawaing makipag-ugnayan sa mga manunulat at artista hinggil sa mga napapanahong usapin sa sining, kultura at lipunan.

Sa darating na Miyerkules, ika-22 ng Marso, 1 – 5 P.M., ay isasagawa ang unang roundtable discussion para sa kasalukuyang taon. Ang paksa ay Writing and Commitment o ang usapin ng commitment sa ating pagsulat at panulat. Hinihiling na magbahagi ang mga dadalo ng kani-kanilang commitment sa pagsusulat at kung paano nga ba sinisipat ang commitment sa ating mga panulat. Kaiba sa forum at lecture na may higit na pormal na programa, ang ating roundtable discussion ay pagbibigay ng mga opinyon at sentimyento sa posisyon ng manunulat sa kasalukuyang panahon. Maaaring lamanin ng talakayan ang usapin ng tema sa ilang mga sulatin na pumapatungkol sa mga manunulat, ating mga gawain sa iba't ibang larangan at mga halimbawa ng pakikisangkot sa halos lahat ng usapin. Kung titingnan ang kalagayan ng mga kapwa manunulat sa mass media, ang paninikil sa karapatang magpahayag ay sentral na pangyayaring bumabagabag sa praktika ng pagsulat sa kasalukuyang panahon.

Ang Amado V. Hernandez Resource Center ay isang institusyong nagtataguyod ng gawaing pangkultura sa hanay ng masang anakpawis. Ang Pambansang Alagad ng Sining na si Amado Vera Hernandez ay isang makata, kuwentista at organisador ng unyon ng mga manggagawa.

Maraming salamat at umaasa kami sa inyong mainit na pakikiisa!

JENNIFER T. PADILLA
Executive Director
Amado V. Hernandez Resource Center