Writing Exercise During A Moment of Procrastination An Hour Before the Shift Ends: The Sestina

j luna's picture
| |

 

* Writing practice, tiktik kalawang kung baga. Kung makikitahan ko ng potensiyal, saka ko lang ito i-popolish at ie-edit, at aayusin ang form.

 

 

       “Dito: nakikita namin, ang iyong himbing.

        Doon— kasama mo ba kami sa iyong pag-lalakbay?

        Diwa: sa iyong himlay, ‘rinig mo ba ang sa iyo’y naghihintay?

        Doon— pikit na mata, mulat, isip lumilipad?”

        Ito ang mga linyang sinimulan, para sa bersong kay Lirio—

        iaalay na tula.

 

        Natigil: takatak ng keyboard, ipinarada agos ng tula—

        pinalipad, ang isip: tinipa, kung pa’no ilalahad biyahe ng kaibigang himbing.

        Tanong: paano ba ilalahad, sa berso, alaala ni Lirio?

        Pinihit ang alaala, binalik ang oras: sinimulan, pag-lalakbay

        Binalikan, panahong nakasama: sinakyan balik-diwang lumilipad—

        paatras, pabalik— naghahanap: inspirasyon; naghihintay.

 

        Nagsindi ng yosi, titig sa monitor: naghihintay.

        Kunot noo, pinipilit pasukan ng laman— puso ang tula.

        Matagal na proseso, ngunit ‘di pansin, oras ay lumilipad.

        Pa’no ba ilalapat— biyahe, sa himbing,

        balintataw: kanyang tulog na pag-lalakbay?

        Tula: bangin— susuungin para kay Lirio.

 

        Pa’no ko kaya isusulat: mundong panaginip— tinatahak ni Lirio?

        Sa paggising: ano kaya ikukuwento sa mga ngayo’y naghihintay—

        ano kayang mga kagila-gilalas na bagay nasalamuha sa pag-lalakbay?

        Pa’no ko hahabihin, ibibigay na tula—

        tulang ukol sa malalim na himbing,

        diwang lumilipad?

 

        Imahinasyon ko: halos 'di lumilipad.

        Ano ba'ng isusulat kong aangkop: kundisyon ni Lirio?

        Pa'no ilalarawan: gising na himbing?

        Hanggang ngayon, kamay sa keyboard: naghihintay.

        Makata: nangagapa sa tutunguhin ng tula.

       Tinatagpi: larawan ng kanyang pag-lalakbay.

 

        Pag-natapos, papangalanan ko itong: Ang Pag-lalakbay.

        Konseptong magugulo, sa isip ko’y lumilipad.

        Ganito: prosesong, landas tinik— pagsulat ng tula.

        Ngunit anuman ang mangyari, tatapusin ko: mula sa puso— para kay Lirio.

        Mahirap man ngayon, may obrang naghihintay—

        at ito’y matatapos bago abutan ng himbing.

 

       Bigla, kamay, gumising mula sa himbig, desididong tapusin: Ang Pag-lalakbay.

       Ang isip sa inspirasyon naghihintay, bumangon— ngayo’y lumilipad.

       Sa wakas, para kay Lirio: naisulat ang tula.

 

j.luna

Scratch draft, exercise.