Writing workshop, tips and sharing on FW

Rom's picture
Matagal-tagal na din akong di gumagawa ng blog dito sa FW dahil sa maraming alibi.
 
Nag-iisip ako nitong mga nakaraang araw na maghanap ng paraan na makapag held ng workshop.
writing workshop para sa mga Taga FW para lalo pa sanang mahasa ang ating mga nalalaman sa pagsusulat
mapa maikling kwento man o tula o sanaysay. pero dahil sa inaagaw ng hanap-buhay ang kakaunti kong
oras at lagi na lang akong nagmamadaling magluto kapag kausap ko sa YM si Melay at Jha, naisip ko baka pwede
pansamantala dito tayo sa FW magbahaginan ng mga "tips" at ibang nalalaman tungkol sa ikagagaling
ng ating pagsusulat.
 
o sya sige, iniimbitahan ang lahat na magbahagi ng tips nila kung paano magsulat ng epektibo.
maging constructive naman tayo once in a while.
 
anumang genre kayo bihasa i'm sure meron kayong sinusunod na panunturan kung bakit kayo
nakapagsusulat ng epektibo sa napili ninyong larangan.
 
inaasahan ko ang pakikibahagi nyo! 
sana may matutunan tayo. 

Rom's picture

Tip from Rom

 

 ako unang magbibigay ng tip ha

pagkagising sa umaga, hindi pa man nagmumumog o nag-aalmusal, humarap na sa computer (sasabihin ko sana makinilya e) o kung di naman accessible ang computer pwedeng lapis at papel muna.

sa loob ng 15 minuto magsulat ng magsulat ng walang particular topic in mind. banat lang ng banat kahit na ano.

ang pinagagana mo dito ay ang subconcious mind mo na sariwa pa kagagaling lang sa panaginip. malamang sa hindi may sinabi siya sa iyo sa panaginip kaya ito na ang pagkakataon na isulat mo ang sinabi niya.

walang isip-isip basta automatic writing lang.

matapos ang 15 minuto basahin ang sinulat.

dito malamang nakalagay ang deep conciousness mo o mga saloobin mong matagal mo nang iniisip at gustong isulat.

ayan may draft ka na pwede mo nang simulan ang isang kwento.

pwede ring isang uri ng exercise ito sa pagsusulat at pag-iisip ng isusulat

pwede ring therapy ito. 

 

logo button 1

anakngfaraon's picture

  yes, that would be nice,

 

yes, that would be nice, kuya rom.

 

sa totoo lang, kung saan-saang website at forum ako napapadpad kahahanap ng tips on becoming a good writer.  i'll try to compile everything and post it here.  uuwi muna ako.

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

Rom's picture

thanks kat!

 

 hi katya,

share share lang mas maganda ito kesa sa bangayan. lahat pwedeng magbahagi hindi porke bago kang writer o nagbabasa ka lang wala kang karapatang magbigay ng tips. sa totoo lang ang mga readers ang may karapatang magbigay ng tips sa mga writer kasi sila ang nakakapuna ng mga mali sa pagsusulat, sila kasi ang nakakabasa e.

o mga readers din ha, magbahagi kayo. 

 

logo button 1

Luca's picture

alamat na Rom

uhm.. wala akong tips kasi baby pa lang akong writer...

pero meron akong suggestion.

pwede ba tayong magkaroon ng theme? lahat tayo gagawa ng isang akda na tungkol dun. kahit anong form, language o genre. mga ganun.

wala lang, pampakumplika ng buhay. ganyan kasi ginagawa namin sa Palihan nung kaleyj 

 

wag kang pipikit...

Rom's picture

pwede

 pwede rin yun parang yung mga bloggers sa blog catalog na sabay sabay nag ba-blog tungkol sa isang issue gaya ng climate change o tungkol sa human rights.

pwede rin dito yun gagawa tayo ng isang event na lahat magpopost ng tula, kwento, blog o sanaysay tungkol sa iisang issue.

ang problema lang sino ang mag aanounce kung anong issue ang pwedeng sulatin? hehe...

pero its a nice idea, makikita yung diversity ng pananaw ng mga taga FW sa iisang issue.

 

 

 

logo button 1

anakngfaraon's picture

 Ito yung isa sa mga nakita

 Ito yung isa sa mga nakita kong articles tungkol sa pag-critique. Kailangan natin ito dito kasi karamihan ng comments eh pag-share lang ng emosyon tungkol sa nabasa.  Wala naman masama doon, pero para sa isang manunulat, makatutulong ng malaki kung mapi-pinpoint ang kanyang mga kakulangan o kahinaan para ma-improve ang kanyang craft.  Maganda rin ito para sa isang mambabasa, para mag-evolve ang reading skills.

 

http://www.fictionfactor.com/articles/critiquing.html

 

Mas maganda kung mababasa ang buong article, pero in a nutshell, ang mga dapat tignan kung magc-critique ng isang istorya ay PLOT, PACING, SETTING, CHARACTERIZATION, DIALOGUE, at POINT OF VIEW. 

 

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

 

Rom's picture

.

 

 salamat dito, malaking tulong itong link na ito, i'll take note of that.

 

salamat kat! 

 

logo button 1

Allanjohn Andres's picture

hindi ko alam kung saan napunta 'yong comment ko kanina...

Pero, binabati ko kayo sa inyong ideya.

Katunayan, medyo ganito ang mga fora na inaasahan kong daratnan noong mag-sign up ako sa FW -- tipong palitang salaysay hinggil sa mga karanasan sa panulat:  mga karaniwan nating problema mula sa pakikipagbuno sa musa, kung paano mangangalap ng materyal, kung paano makitunggali sa mga panahong "baog" ang pluma, mga karanasan sa pakikipagtuos sa mga publishers, at kung anu-ano pang dagdag na bulilyaso sa maperhuwesiyo na ngang trabahong ganito.

------

Medyo na-preempt ako nga kasi ganitong-ganito rin 'yong mga layunin ng i-finorward kong inquiry sa inyo kagabi.

More power uli, sir.

 

 

Rom's picture

.

 

 kesa sa bangayan ng bangayan pataasan lang ng ego na nagkukunwaring "artist" daw at "eccentric" ni hindi pa nga sumusikat at napa publish kahit sa yellow pages e ang yayabang na. 

ang hamon ko lang kung may concern ang mga manunulat dito mag-aral tayo. magbahaginan ng nalalaman, tutal ito ang layunin ng site na ito. empowering the filipino writers and readers. kaso hindi na empowering yung manira ng manira e. hindi lang sa ng gawa ng iba kundi ng pakikipag kaibigan din.

hubarin natin ang kayabangan sa sarili natin at makibahagi tayo sa kapwa. yun lang sapat na mabuhay ng naaayon sa kunsensya.

 

 utang ko rin sa iyo ang ideya ng blog na ito dahil sa email mo sa akin naisip kong gumawa nito at magbahaginan ng nalalaman kahit kaunti man lang.

salamat din sa iyo at sa ideyang binigay mo.

nga pala sinagot ko na yung email mo ha. 

 

 

logo button 1

Francheska's picture

ang mashe-share ko

Ganito po kasi ser rom ang ginagawa ko, nagbabasa ako ng mga gusto kong short stories, basa lang ako muna ng basa para ma-inspire ako na gumawa din ng sarili kong short story.

Kakainin ko mga gusto kong pagkain at makikipag-usap sa mga tao na gusto kong kausap para komportable ang pakiramdam ko bago ako magsulat eh kaso ser rom, hindi pa din bumubuti ang writing skills ko, hintayin ko na lang mga share share ng ibang members ng fw para may masundan na lang ako.

Hehehehe. Wink wink (nagpapacute po ako sa inyo ser baka maisip nyo na ampunin ako) biro lang po.

Rom's picture

frankie

 

 wag na sir ha kuya na lang hehe...

wala ako pambili pringles e kaya baka di kita ampunin.

oks lang yung ginagawa mo incubation ang tawag dyan ako nga iniipon ko muna sa isip  ko tsaka ko na lang sinusulat kapag may time.

good start yan, lagi ka lang magsulat at mahahasa din yan. kung medyo nagdadalawang isip  ka ipost dito ang gawa mo email mo sa akin at ayusin natin.

 

logo button 1

ilyana's picture

aabangan ko to...

Ako pag ba blogging lang kasi alam ko, wala akong basic knowledge sa pgsusulat ng mga short stories, o tula...pero sana me matututunan ako, kahit isa lang akong miron...

maitutulong ko narin sa mga anak ko, pag pinagagawan sila ng mga essay writing...Makakapagbigay ako ng mga ideas sa kanila, pag kasi Physics, IT at trigonometry na ang homework nila, kulelat na ako, kahit man lang sa Literature at language ako makatulong sa kanila..

Sige maganda tagalog at english...Pero sana tagalog, para mas madali kong maintindihan...at i aapply ko nalang sa inglis...

Salamat...

♥♥-ILyaNah-♥♥

Rom's picture

.

 

 oks lang yun Ilyang (hehe...) dyan nga sa blogging mas nahahasa ang kaalaman sa pagsulat e. 

sige magbabasa-basa ako ng mga libro at ibabahagi ko din dito. 

 

logo button 1

noelablon's picture

e di ikaw ang nagka-grade

Ikaw kasi gumawa eh kaya ikaw ang may grade haha!

Ako ang maibabahagi ko sa mga tulad kong malilimutin, always have a small notebook with you. Pag may naisip ka - ISULAT MO!.

Another thing, when you are inspired - tuloy mo lang yung sinusulat mo. Don't write because you must, write because you desired to write.

Yung suggestion ni Luca maganda. I remembered noong nasa theme making contest ako (themes for cellphone ah) - pero contest yun eto ay hindi siyempre.

Ang problema kasi doon ay kung sino ang magsa-suggest ng theme. Dapat siguro ang mapipiling magbibigay ng bagong theme ay isa sa mga nag-join sa current theme - siguro yung may pinaka-strong na basis or point of view doon sa current theme ang dapat bigyan ng chance na mag-suggest.

Dapat din mag-set ng mga themes to avoid siguro, yung non-confrontational theme, yung very opinionated na topic (eg. abortion, politics, etc..) or pwede rin siguro basta walang bangayan pagkat opinion ng bawat isa yun eh.

Saka na ulit ako share. Na-mental block ako hehe! Bango kasi nung itlog na niluluto sa kusina di pa me breakfast.

Kain tayo!

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Rom's picture

.

 

 kung walang notebook at nasa daan kayo o sa bus o sa jeep pwede na yung notepad ng cellphone nyo i-save na lang.

thanks noel 

 

logo button 1

meanmissy's picture

ako din...

ako din sa blogging hasa, and not writing short stories, though i always provide utmost support to my hubby in whatever endeavors he is undertaking....go go go!

 

 

 

Business articles and financial views 

http://www.technoconvergingzone.com/

 

spike_west's picture

Gusto kong magbahagi

Uhmm medyo puro sanaysay ang ginagawa ko, may mga maikling kwento din akong ginagawa at karamihan ay nagbibigay inspirasyon. Pero subukan kong magbigay ng tips (naks parang magaling ah) baka makatulong

Ito po ay aking panuntunan sa pagsulat.

1. Kailangan kung natapos mo ang kwento/sanaysay ikaw din ang unang tagahanga nito. Kung nakakatawa ang tema dapat natatawa ka sa gawa mo. Kung madrama dapat madrama din ang nararamdaman pag binasa mo ito. Alam mo kung isang obra ang gawa mo at alam mo rin kung hindi (ako ,alam ko karamihan sa gawa ko hindi obra, hahaha) 

2. Pag nagsusulat ako, may ending na ang istorya ko.Para alam ko na kung paano tatapusin. Pinapahaba ko na lang at nilalagyan ng palabok (sa gustong makita ang aking mga short stories click nyo yung akingkwarto.blogspot.com)

3. Kung nahihirapan manguha ng ideya, eh tumingin tingin ka lang sa paligid mo at gumawa ka ng istorya.

4. Tipahin o isulat muna ang lahat ng nasa utak at saka mo na lang iedit pag natapos mo na.

5.Magbasa ng ibang gawa, sa pagbabasa nakakuha ka ng maraming ideya pero iwasan ang manggaya.

 

Hindi ko alam kung may kredebilidad ako, pero yan lang ang paraan ko sa pagsusulat. Sana makatulong.hehhehe

 

Ingat sa lahat at sulat lang ng sulat

 

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

.

 

 ayun oks yun spike, tama na ikaw muna ang unang dapat ma please sa gawa mo bago ang iba. pag sa akala mo basura ang gawa mo asahan mo bulok yan sa iba. hehe...

ang unang editing nagsisismula sa nagsususlat 

 

 

logo button 1

Ailem23's picture

try ko lang sumingit !

hehehe. lagi lang cooking time mo kapag nasa kalagitnaan tayo ng kwentuhan kaya ganon, eskapo ka palagi. hehehe.. ngayong pinaalala mo ang workshop, sige bigay ako ng konti. ewan ko kung effective ito sa iba pero sa akin effective.

1. tumitig sa kisame o sa pader. from there, mag-picture out ka na parang may pinapanood kang sine kung saan ikaw ang writer, ang director, at ang artista. isang way iyon para makaisip ng isusulat na kwento.

2. manood ng tv shows o movie para ka magkaroon ng inspirasyon.

3. magbasa ng libro, diyaryo, o research na makatulong sa sinusulat lalo na kung konti lang iyong nalalaman sa topic. Isang way na rin 'to para makahanap ng writing style, o mga words na pwedeng gamitin sa pagsusulat.

4. pumili ng mood. aminin nating may mood talaga ang writer. may oras na ganado meron namang tamad na tamad. 

5. maghanap ng inspirasyon. ako kasi may background music ako pag nagsusulat kaso hindi tugma ang background music ko sa tema ng sinusulat ko. sample: kapag comedy sinusulat ko, senti ang music, kapag drama, masaya ang music. ewan ko rin kung bakit baliktad. hehehe. baliktad ata utak ko. 

6. save energy. mahal ang kuryente, kapag hindi pa pulido ang draft, lapis at papel muna para di sayang sa kuryente. humarap na sa pc kapag dire-diretso na ang concept sa utak at hindi na makahabol ang kamay sa pagsulat (galing kay bob ong ito.)

7. read this book. Stainless Longganisa ni Bob Ong. may input na makukuha sa book na iyan.

 

Iyon lang po.

Ingatski,

Melay 

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

Rom's picture

melay

 

 oks itong visualization mo melay pero ako sa banyo nakatitig kapag nakaupo ako hehe...dun pumapasok ang maraming ideya e kasi white blank wall yung banyo namin. kung may korte at decor kasi na didistract ako.

 

salamat sa pag share 

 

logo button 1

Ailem23's picture

may nakalimutan akong sabihin

>>kapag nakatapos na ng akda, ipakatay ito sa trusted kritiko of your choice. ako may tatlong TRUSTED proofreader dito sa site. sa ganitong paraan kasi, tulad ng sabi ng iba, malalaman mo ang kulang o mali sa sinulat mo. nasa reader kasi ang susi para masabing isa kang epektibong writer. maging bukas ang puso at isipan na tanggapin ang negatibong komento kasi ito ang mas kailangan para ma-improve ang writing skills.  ang nega sa akda ang salamin ng kahinaan ng manunulat.

>>at eto huli na talaga, huwag huminto sa pag-aaral. bawat akda na na-encounter, may matututunan at magagamit ang natutunan para sa sariling akda. ang sabi ng prof ko dati, ang tao hindi dapat tumigil matuto. dahil ang buhay daw ay isang panghabambuhay ng learning ground.

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

galatea hopkirk's picture

yehey, thanks sa advice. ang

yehey, thanks sa advice. ang dami kong tamabak na short stories dito. hindi ko alam kung pano isusulat.

thanks. 

-Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

dyeppri's picture

Ako rin magbibigay ng tips...

1. Ako basa lang ng basa, pinipili ko ang mga babasahin ko na aakma sa linya na gusto kong takbuhin. Kapag may nabasa akong magandang istorya ay iniisip ko sana ako gumawa noon. Tatapatan ko iyon pero sa iba namang tema.

2. Inihihiga ko muna ang kwento at ini-imagine ko kung papano iyon iikot ng maganda, yung hindi bulgar at hindi rin pangkaraniwan na kagaya ng mga nabasa ko na. Iniisip ko kasama ako sa kwento. Kinukulayan ko na ang mga tagpo at pinaiigting ang bawat eksena sa isipan ko...Hanggang sa makatulugan ko na minsan.

3. Pag-gising ko ay maghahagilap ako ng papel at isusulat ko ang draft, by numbers lamang ang mga tagpo. Saka haharapin ko na ang computer ko.

4, Isusulat ko ng napakabilis. Kahit papano lang muna. Draft-draft-draft...

5. Dyaran at may kwento na ako. Papakinisin ko naman. Dagdag bawas. Palitan ang mga dapat palitan, mga lengwahe ay dapat ayusin. walang typo error dapat. Ang konstraksyon ng mga salita, ang balarila ay 'di din dapat kalimutan. Walang katapusang pag-eedit at kapag napagod na ang mata ko ay saka ko na ipapamahagi sa mga kaibigan ko at maghahanap ng mga puna.Laughing Salamat. Kanya-kanyang style lang naman iyan. Basta hilig-hilig lang.hehehe

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

Rom's picture

Tip # 2

 

 oks ito dyepp!

ibahagi ko rin ito: para maging mas makatotohanan ang character na ginagawa ko inaalam ko ng husto ang intention niya. siya ba ay isang ama? o isang ina? tapos middle class ba siya o mahirap? kasi malaking factor ang katayuan niya sa buhay sa kanyang klase ng pananalita at kilos. kung mayaman siya malamang coñotic ang lengwahe nya kung mahirap naman may pagka lumpen. iniaakma ko ang character nila sa kalagayan sa buhay.

ganun din ang paligid, kung mahirap lang ang character ko at napunta siya sa mayamang lugar natural na mamangha siya, kung mayaman naman yung character at napunta siya sa squatter, malamang mandiri siya.

ginagawa kong as much as possible na believable ang characters ko para maka relate ang taong mambabasa.

eto pa isa, nasabi ko na din ito sa comment ko kay melay dati: pasukin ninyo ang puso ng readers ninyo at huwag ang utak, kasi kapag nakatok ninyo ang puso at damdamin nila kusa silang susunod sa agos ng kwento ninyo. kung sa utak ang puntirya nyo malamang makikipag tagisan lang kayo ng talino sa kanila--reasoning ang mangyayari at logical thinking ang gagana. e di kung ganun gumawa ka na lang ng essay di ba?

katukin ninyo ang puso ng mambabasa, mapatawa nyo man. mamangha, mapaiyak, mapagalit---lahat ng ito pag atake sa damdamin ng mambabasa. kapag na move nyo na ang puso nila automatic na itong aakyat sa isipan nila. 

 

logo button 1

galatea hopkirk's picture

 thanks kuya

 thanks kuya dyepp!

 -Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

anakngfaraon's picture

  meron kaming project na

 

meron kaming project na pinamumunuan ni tbdtbd925, baka gusto ninyong sumali:

 

http://filipinowriter.com/collaborative-long-short-story

 

http://katya14.multiply.com/journal

Adlesirc's picture

wow

ibang level ito ah. ayos to.

 

 

Una, ikaw ang unang dapat maniwala na kaya mong magsulat. (natutunan ko yan kay kuya axel pinpin)

Pangalawa, dapat papasa sa sarili mong panlasa ang iyong isusulat. (natutunan ko yan kay rbolsqp)

Pangatlo, malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng ibat-ibang klaseng libro o babasahin. Napapalawak nito ang ating imahinasyon, grammar at genre.(sariling sikap)

 

yan lang muna ang kaya kong ibahagi sa ngayon. salamat po =)

 

Much like the first tip from kuya rom...

...is morning pages, just writing steadily, straight out of sleep for three pages straight, no more, no less, as specified by Julia Cameron in The Artist's Way. Nabanggit din ito ni Ricky Lee sa Trip to Quiapo (although I think naunang na-release ang Trip to Quiapo bago ang Artist's Way...which again validates how original we Filipinos are. Haha!)

 

I'd have to strongly agree with last comment - magbasa, magbasa, magbasa. Lalo na sa vernacular na kung saan mo mas gustong mahasa. Find brilliant authors and read their work. But be careful not to lose your own voice in theirs. Kailangan hindi ka pa rin matigil sa pagsusulat mo gamit ang boses mo. And after all isn't that what we're all going for when we write? Developing a voice so unique you'll never be forgotten.

 

My two cents for today. 

Rom's picture

.

 

 yup natutunan ko yan kay ricky lee, at ang sabi nga ni noel barcelona pwedeng manggaya wag lang mangopya. kasi talaga naman na puno tyo ng influencee e. mag pa influence ka sa mga artist/writer na gusto mo pero wag mo lang silang kokopyahin.

salamat 

 

logo button 1

comment ng may sipon, na busy,pero nagko-commnet padin, haha

magsulat ka ng walang rules.

mas masaya magsulat ng walang harang.. kasi ang hirap sa most, nauunahan yung pagsusulat nila ng takot, or nagsusulat sila dahil sa hinhinging expectation... that's sad. yung magsulat ka just to please... yung mga sumasali usually sa mga writing contest may konseptong ganon.. na sinusulat nila yon to please the judges.. nakakalimutan na nilang i-encurage na kaya pa pala nilang magsulat ng mas malaki sa inaasahan..

para sa'kin mas importante pa din na magsulat ka sa ikaw... dahil yun yung way mo... mahirap gumawa ng pekeng emusyon.. ng pekeng eksena na ang pinaghugutan lang e yabang... that is not writing..

 

exposure

basta ganito ginagawa ko, hindi ako magsusulat ng puro ako lang.. i go out.. i talk to people maski mga hindi ko kilala.. i mingle with them.. kasi may need ako na kilalalnin din ng personal yung mga sinususlat ko... hindi yung puro ako lang yung nag-iinterpret..

gusto kong pumasok sa kanila. gusto kong isaposisyon yung sarili ko sa kanila.. kasi when you're writing importante yun e.. yung mailahad mo yung kwento sa pinakamakatotohanang paraan..  hindi yung bira ka ng bira..

ang sarap umabot sa iba-ibang tao... sa iba't ibang tao.. kasi nabubukasan ka sa diferent views, iba ibang perspectives, iba ibang humor... na ang buhay hindi laging masaya.. na may mga taong nabubuhay sa ganito kasaklap na lugar. na nagkakasya na lang sa ganitong senaryo... na nakakaramdam sila ng ganito, ganyan... you have to feel them.. 

minsan tinatanong ko yung sarili ko, why am i doing this? 

pero after writng a piece, tapos mababasa ng mga kaibigan mo or ng prof mo, tapos nabubulabog mo sila... i mean, huwow... umiipact ka sa kanila.. dinadala mo sila dun sa pinuntahan mo... sa naamoy mo... na natikman mo... 

 

yung mga writer daw nagpapakita ng hindi nakikita ng iba...

una pa lang alam ko na 'to...  hindi ko sinasabing napakagaling ko, pero i believe isa yon sa mga pinakamalalaking bagay para makapagsulat ka...

hindi ka lang basta nagdedetalye ng baklang chumuchupa, o ng baliw na may bitbit na manika...binubuksan mo yng mga tao sa mas malaking litrato na ito hindi lang ganito 'to.. hindi lang ganyan... winawarak mo yung box na pinagsilidan sa kanila ng society... na itong mga istoryang 'to, istorya din natin to. may kinlaman ka dito.. na sangkot ka... bahagi ka... 

basta ganon... aayusin ko tong comment na 'to pag wala na kong sipon..

uuurghh! haha

 

Rom's picture

...

eksahedora wrote:

 yung mga writer daw nagpapakita ng hindi nakikita ng iba...

una pa lang alam ko na 'to...  hindi ko sinasabing napakagaling ko, pero i believe isa yon sa mga pinakamalalaking bagay para makapagsulat ka...

hindi ka lang basta nagdedetalye ng baklang chumuchupa, o ng baliw na may bitbit na manika...binubuksan mo yng mga tao sa mas malaking litrato na ito hindi lang ganito 'to.. hindi lang ganyan... winawarak mo yung box na pinagsilidan sa kanila ng society... na itong mga istoryang 'to, istorya din natin to. may kinlaman ka dito.. na sangkot ka... bahagi ka... 

 

gusto ko itong part na ito. sabi nga ang writers daw ang gate keepers ng society at ng culture nya. pagkatapos ng isang matinding nuclear hollocaust, daan taon ang dumaan at kapag ang mga aliens ay lumapag na dito sa wasak na planetang earth upang magsaliksik  ng mga signs of civilization--hindi ang mga bakas ng pulitiko o mga panulat ng presidente ng mga bansa ang kanilang titingnan. kundi, kasama ang mga artist, ang writers at mga gawa nila ang unang unang bubusisiin ng mga aliens para malaman kung anong klaseng sibilisasyon meron tayo.

ano ibig sabihin nito? magsulat tayo para sa mga aliens? hindi, hehe...

magsulat tayo ng tunay na mga pangyayari nakabase sa tunay na karanasan natin sa pang-araw araw na buhay. 

 

 

logo button 1

sinta isaac's picture

...

kuya rom at sa lahat, ito lamang ang nakayanan kong maibahagi (kinuha ko pa ito sa comment ko sa post ni yin yang noon na Sayang)

Dalawang tasa ng kape(walang coffeemate ha) + isang minutong pag-iisip tungkol sa mga imahinasyon ni peter pan + makinig sa papercup ni heather nova + sundan ng deliver me ni sarah brightman at enya + hilutin pansumandali ang sentido + magkutkot ng pringles (at kung sosyal ka pwede na rin ang lays,pero kung kulang ka sa budget,pwede na rin ang kuko) at kung ayaw mo nito, pwede din namang kornik + magsulat sa isang papel ng tungkol sa mga bagay na ikinatutuwa mo + (kung nakakalungkot ang isusulat mo, try mo makinig ng gloomy sunday ni brightman) + pumikit sandali at alalahanin ang mga bagay na nagpapalungkot sa'yo o nagpapasaya sa iyo depende sa mood mo + ngumiti kasi naisip mo si crush + magkutkot uli ng kuko, kung pudpod na ang daliri sa kamay,sa paa naman + h'wag titingin sa kama,kasi baka hikayatin ka nitong matulog na lang + h'wag muna mag text + umupo sa computer at hala, sulat lang ng sulat = (sa'n nga ba patungo ang lahat) ang iyong sarili lamang ang makakagawa ng daan patungo sa isang akdang literatura.

Para sa akin, ang isang akda ay nagiging pangit lamang kung ang mismong nagsulat nito'y hindi ito kayang panindigan.

 

salamat kuya sa post mo at siguradong marami ang matutulungan nito.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Rom's picture

salamat sinta.

 

 hehe...nakakatuwa naman ang tips mo sinta, pero definitely hinalaw mo nga lang kasi di ka ganyan magsulat e.

onga, music isa sa mga mood setters ng artists o writers. ano ba'ng music ang pinapakinggan nyo kapag nagsusulat? nag-iiba iba ba ito depende sa sinusulat? o yung music mismo ang nagse set ng kung anong genre ang isusulat nyo?

ako definitely black sabbath o led zeppelin. kapag medyo social realist ang atake Bob marley. minsan Linkin Park. pero kung tamang aktibista ang gusto kong dating ng isulat bob dylan, buklod, dong abay o neil young. 

pero kung gusto kong makatapos ng gawa kailangan tahimik ang lahat. mother nature ang music ko daming ibon dito at lagaslas ng dahon sa puno lang oks na.

 

salamat sinta sa pagbahagi.

teka, natanggap mo ba yung email ko? 

 

logo button 1

sinta isaac's picture

kuya

sentimental ako pagdating sa mga kanta. Depende din po sa mga isusulat ko kung anong klase. pero kapag ang isusulat ko po ay isang akdang mas higit na espesyal at talagang mahalaga sa akin, kunwari po'y may pag-aalayan ako o kaya'y hinango ko sa tunay na pangyayari, mas gusto ko pong tahimik at walang ingay. 

hindi ko po natanggap kuya ang email mo...

Bakit kaya? baka natangahan lang ako at nabulagan, iche-check ko na lang po ulit kuya.

 

salamat po.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Rom's picture

.

 sinend ko na ulit yung email sa iyo sinta, sana matanggap mo.

 

 

logo button 1

Allanjohn Andres's picture

kung ayos lang naman sa inyo...

Ok, salamat. Natanggap ko na 'yong reply.

Bale sa weekend po ako magbabato ng rejoinder. Pag-iisipan ko muna nang maigi-ige ang isusulat (para di mo naman mahalatang sinasayang ko lang ang oras mo haha).

Sir, simulang pagpapakilanlan po (kung ayos lang naman sa inyo): ano po ba'ng kurso ang kinuha ninyo? saang pamantasan? at anu-ano pong organisasyon ang inyong nilahukan? 'yong sa teatro, ano po ang pangalan nito? sa ngayon, buong-panahon po ba kayong nagsusulat?

 

Rom's picture

.

 sa email ko na lang sagutin mga info na yan hehe baka mabulatlat ng husto dito e. teka...kailangan pa ba ng bio?

 

 

logo button 1

Allanjohn Andres's picture

hehe, sorry... actually, di naman talaga ganoon necessary

 

Although siyempre 'yong pangangalap ng backgrounder (SI ng mga affiliations, kunwari) kadalasan nakatutulong sa levelling-off ng diskusyon. Kumbaga alam natin -- o at least maaaring mag-facilitate ng isang degree ng assumption -- kung saan ang pinanggagalingan ng mga punto natin. Mas fast-tracked lang ang usapan, kumbaga.

Nasa konteksto po sana ng forum na ito ang pagtatanong ko. Maaari akong mag-expound dito pagsulat ko sa inyo (hehe, dahil ayaw ko ring mabulatlat sa FW). 

Rom's picture

konting BG

 

 oks lang yun AJA, wala naman akong background masyado sa writing 2007 lang ako nagsimulang magsulat ng creatively (short stories at tula) pang personal consumption pa hehe...

animator talaga ako, visual artist, painting murals etc. nag teatro under Ishmael Bernal at Bugkos. tumutugtog ng konti at nangangarap.

nagsususlat ng mga kwento base sa karanasan at pagmamasid. group affiliations? KL e hehe...

o ikaw naman 

 

logo button 1

Allanjohn Andres's picture

Normal 0

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

Wala naman ako masyadong kuwento sa sarili ko.

Pero nanirahan rin ako sa Los Baños bilang estudyante, bahaging ’91-98. Sa buong panahong ito, aktib ako sa LFS. Nasabi ko ito since potential topic, saka-sakali, ng ating kuwentuhan ang LB. Tagal ko nang di napunta diyan eh.

Maliban sa ilang palihan sa pagsusulat na nasalimpusa ako, mas self-taught ang naging pagsasanay ko dito. Matanda-tanda na rin kaya heto, pinipilit ko uli i-organize 'yong mga trabaho ko.  

Rom's picture

.

 

LFS ka pala ako dating YS at nag CNL. tapos ARMAS hehe..revelation ba.

karanasan sa kalsada at pakikisalamuha din ang naitanim kung bakit may mga kwento akong naikukwento sa ngayon--bale inuubos ko pa lang ang tubig sa balon tapos sasalok na ako ng bago gawa ng mga makabagong karanasan.

ganun daw ang manunulat, nagsisimula muna sa mga karanasan sa buhay bago siya makagawa ng tunay na fiction halaw naman sa nakaraan at sa ngayon para sa hinaharap. mag-uubos muna ako ng mga demonyo sa utak ko bago magpapasok muli.

maraming karanasan sa kalye, kailangan lang imulat ang mata nang makita at maibahagi. gusto ko ring makabasa ng maikling kwento mo. 

 

 malamang kilala mo si Benjie Marasigan kung LFS ka sa UPLB magka batch ata kayo e

logo button 1

Allanjohn Andres's picture

Ayan "nagkatukuyan" na sa

Ayan "nagkatukuyan" na sa wakas hehe.

Sige, sir, "panira" tayong dalawa sa thread ng diskusyon dito sa blog mo eh haha.

noelablon's picture

Sana ma-compile ito...

Ang dami na ng comments - nakakaduling at nakakatamad ng basahin hehe! Sana ma-compile ito sa isang thread or website, siguro sa Blog mo na lang kuya rom.

Thanks again.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Sofia's picture

Salamat sa mga ganitong

Salamat sa mga ganitong topic..maraming matututunan...

Tama si noel..andaming inputs..sana maalala ko lahat yan, bilang bagong member ng FW..

 

Rom's picture

compilation

 pwede pa namang balik-balikan ito over time. sige pag may panahon ako baka ma compile ko ito at magawang eBook with credits syempre sa lahat ng nag contribute tapos free download sa lahat.

hmmm... good idea FW writing manual eBook. 

 

 

logo button 1

Hanan's picture

observation.

kung may naobservahan ako sa pagsusulat ko,(actually hindi pa rin tapos ngayon pilitin ko na siyang tapusin) ay tanggalin ang salitang "Mood swing" pag nagsusulat ka na.ikaw kasi ang gagawa talaga ng mood para magsulat. hindi ang mood mo.

*second, sing bilis ng utak ng tao ang bibig niya. napatunayan ko na to.mag-isip ka lang ng isang bagay na nakakatawa, nakangiti ka na. kaya kailangan, may recorder ka para pag nasasaid na ang kamay mo kakasulat at ang bilis ng utak mo sa mga detalye. ganito kasi ako. ang bilis bilis ng utak ko sa posibilidad pero pag nagsusulat na nasasaid ako.paandarin mo na ang bibig mo. since nangagahas ka na rin maging baliw.(basta siguraduhin mo na lang na sarado ang pinto sa kwarto mo pag ginawa mo to.o asa bahay ka pag ginawa mo to, or magisa ka lang talaga.pwede kasing lumabas din ang pag katao mo sa paggawa nito.mabibigla ka baka mag-emote ka na rin kasi nadadala ka na) pag narinig mo kasi ang lahat ng detalye,mas narerefresh pala ang sinabi mo at lalo rin nagkakaemosyon ang mga sinusulat mo.

 

at responsiblidad mo rin patayin ang buwitreng nagsasabi na hindi ka marunong magsulat. kasi kakainin ng buwitreng to ang talento mo hanggang sa wala nang matira.

madalas ko lang talagang problema sa pagsusulat ay pag may nasulat ka at hindi mo naproduce or natapos,mamungkat-mungkat mo after a year or 6 months ginagawa nang pelikula sa hollywood or buo na ang pelikula ipapalabas na nila ang premise mo at minsan sakto pa sa sinulat mo. kaya tamad ka nang gawin. pag ginawa mo kasi, at nabasa ng iba, parang nanggaya ka na.samahan pa ng crabby disposition ng pinoy.

Sana naman tulungan niyo naman ako rito. nakakababa kasi ng self-esteem.Cry

 

-----------------------------------------------------------------------------------------------

 

*nakuha ko ang ideyang ito sa pelikulang"1408" mula sa nobela ni Stephen King.

Rom's picture

.

 

oks itong suggestion mo ng voice recording. pwedeng gamitin ang cellphone sa pag record ng boses. pwede rin naman ang google voice http://googleblog.blogspot.com/2009/03/here-comes-google-voice.html

mas magandang ikulong na agad ang idea bago pa man makawala ito.

 ***sa mga idea mong hindi mo agad maisulat o matapos pwede kang kumuha ng pagtitiwalaan mong ka-buddy para maka discussion mo at malamanan ang ideas mo, pwede rito sa FW. mag-usap kayo over YM or email. pero syempre maganda sana kung personal. kasi minsan may mga insights ang ibang tao sa idea mo na makakapag pa enhance pa dito.

salamat Hanan! 

 

logo button 1

sinta isaac's picture

...

kuya,

salamat ng marami!

Smile

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Rom's picture

.

 

 no prob sinta, anytime.

 

logo button 1

Hanan's picture

ok,doki,

naku, maraming maraming salamat rom. ang laki-laking tulong nito para sa akin.at napakalaking tulong ng blog post na ito para sa mga baguhan at gustong pasukin ang mundo ng pagsusulat. Sana mas marami pa ang magcomment rito.ng mas marami tayong matutunan.

take care always and God bless. :)