XanctuarYo (story concept for critisism)
XancTuarYo
(ng huling prinsesa)
“Narinig mo na ba ang tungkol sa perya?”
“Anong bang meron sa perya?”
“Andoon ang huling prinsesa---“
“Prinsesa ng alin? Naka-upo sa tasa?”
Katulad niyon ang bulung-bulungan nang unang dumating ang emperyo ni Santi sa Quiapo. Ang kanyang emperyo lamang ang nakapagtayo ng perya sa lugar na iyon.Kinagiliwan ng lahat ang peryang iyon dahil sa kasiyahang kapalit ay ilang barya.
Ngunit tulad ng isang alahas, unti-unting nawalan ng kislap ang emperyo ni Santi. nagsawa na marahil ang mga tao sa kanilang mga palabas.
Gusto nang magwala ni Santi dahil ‘di na niya alam ang gagawin kung paano niya sasagipin ang kanyang emperyo. Nagawa na niya ang lahat; Dinagdagan na niya ang mga sakayan, umupa ng mga bagong payaso, magicians at mga taong kumakain ng apoy,ngunit walang nagpabalik ng dating sigla ng Perya.
Ayaw niyang tuluyang bumagsak ang kanyang emperyo.
Minsan sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang kanyang ampon na si Tala. Nasaksihan nito ang tinatago nitong talento sa pagsayaw. Ngayon lang ito napansin ni Santi.
Si Tala ay inampon ni Santi mula pagkabata. Siya ang nakatoka sa pagbibigay ng mga tiket sa mga tao. At dahil sa hindi ito nakapagsalita ay halos wala itong kaibigan, pero hindi ito malaking problema para sa kanya dahil mayroon siyang sariling mundo ginagalawan kung saan nauunawaan siya ng lahat.At namumuhay sa mundong iyon si Ezra, ang batang tagapag-bantay ni Tala.Ang tanging nakakaalam ng dahilan ng pagkapipi ng dalaga.
Si Ezra lamang ang tanging nakakaunawa kay Tala.
Isang desisyon ang ginawa ni Santi na maaring magpabalik sa kislap ng kanyang emperyo---ang gawin si Tala bilang huling prinsesa ng kanyang emperyo.Isang titulo na binibigay lamang sa mga magiging pinuno ng mga mananayaw.Ang pinakatitingala sa lahat kumbaga.
Nung una’y ayaw pumayag si Tala pero dahil sa pangungumbinsi ni Ezra ay nabago ang desisyon ng dalaga.
At nagsimula na ang pagsayaw ng huling prinsesa. At tulad ng plano ay muling sumikat ang emperyo ni Santi. Napahanga marahil ang lahat sa dalagang para sa kanila’y ipinanganak upang sumayaw. Dal’wa sa mga napahanga ng dalaga ay ang batang si Zacharias at ang maipluwensyang si Dante.
Mula noon ay nakipagkaibigan ang batang si Zacharias sa huling prinsesa.Nakikita niya rito ang kanyang nasirang ina, na tulad niya ay rin sa dating mananayaw ng emperyo.
Si Dante naman ay nanunuyo sa dalaga.Ngunit ‘di tulad ni Zacharias ay madaling napa-ayaw ang dalaga. Pinangakuan nito ang dalaga ng walang hanggang kasikatan, kayamanan at kakayahang ibalik ang boses nito.
Dumating araw na kinatatakutan ni Santi, ang tuluyang pagbagsak ng kanyang emperyo. Kailangan na nilang lisanin ang lugar dahil may nakabili na ng lupang tinatayuan ng perya. Ngunit ‘di sila makapaglipat dahil walang pera ang kanyang Emperyo.
Isa lamang ang solusyon sa problemang iyon. Ang ibenta si Tala kay Dante kapalit ng malaking salapi.Salaping magagamit sa kanilang paglilipat at muling pagsisimula. Pumayag si Dante sa alok ni Santi.
Walang kaalam-alam si Tala. Pinipilit na isama ni Dante si Tala pero ayaw talaga ng dalaga, ngunit walang halaga ang mga panlalaban niyang iyon dahil ‘di makapagsalita. Buti na lamang naroon si Zacharias upang siya’y ipagtanggol.
Ngunit isang bala ng baril ang nagpatigil sa bata.nakabaril si Dante! ‘di niya alam ang gagawin---Sa sobrang kalituhan at sa sobrang kalituhan ay nabaril rin nito si Tala.
Walang magawa si Ezra. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit ‘di man nakapagsalita si Tala, kung bakit ito mahina.
Si Ezra---ang persona ng kabataan ni Tala.
Isang malikot na bata si Ezra.Hindi nakikinig sa pangaral ng mga magulang. Isang araw, ay napalayo si Ezra sa kanyang namamalengkeng ina. ‘Di niya alam kung paano mahahnap ang magulang. Nagpagala-gala ito at inabutan ng gabi sa kung saang eskinita.
Natyempuhan ng mga lasing ang murang katawan ni Ezra habang ito’y natutulog. Pinagsamantalahan nila ito. Hindi nakapanlaban ang bata dahil sa mura at mahinang katawan.
Matapos mapagsamantalahan ay iniwan nalang ito basta sa eskinita.Umiiyak ang bata sa sobrang takot at sa sakit ng dinanas. At natagpuan siya ni Santi, na sa mga oras na iyon ay nagplaplanong magtayo ng sariling empreryo.
Mula noon ay ‘di na nagsalita si Ezra---naging tikom ang bibig sa lahat. ‘Di alam ni Santi ang dahilan kung bakit ito umiiyak sa eskinta o maging kung ano ang kanyang pangalan.
Napansin lamang nito na walang bituin sa kalangitan nang natuagpuan niya ang bata---‘Tala’ ang pinangal ni Santi sa bata.
Si Ezra---ang persona ng kabataan ni Tala.
Phil copyright 2006


