YEMA

Allanjohn Andres's picture

-

Kasingnipis ng balat ng yema
ang gayak nilang kamiseta.

Pagala-gala sila ngayong labasan ng opisina,
tinatawid ang mesa-mesang tumpok
ng mga taong nagpaparaos
ng oras at bagot. Isang liham,
maingat na nakasobre,
ang kanilang pasaporte
papasok sa daungan
ng aking katiwasayan.

Ang kanilang alok:
isang maliit na supot
kuyom ang sangkurot
na pinaghalong asukal na pula
at malapot na kondensada.

Kasinggaspang ng asukal
ang garalgal

sa kanilang lalamunan.
Kasinlagkit ng kondensada

ang kanilang pangungunyapit
sa laylayan ng konsensya

ganitong kailangan nila
ng pambaon sa eskuwela.

Hinahawi ng mga bata
ang tagus-tagusang kurtina,
de-kolor na tabing
sa pagitan ng aking mata
at sa daigdig nilang waring
katiting lamang na yema.

Narinig kong inuusisa
ng babae sa tabing mesa
kung lagda ba ng kurot
ang tuldok-tuldok na asul at pula,
di maitatwa ng brasong namamaga
ng isa sa mga bata.

Narinig kong inuusisa
ng babae sa tabing mesa
kung kaanu-ano nila
yaong isang lola,
kanina pa nakamasid sa sulok,
bakit pareho silang hinampas sa batok?

Kinabukasan sa opisina,
binaon ko ang biniling yema.
Pagsubo na pagsubo ng isa,
binalot ng manipis na pait
ang nalulusaw na umaga.


ilyana's picture

sarap...

Ang ganda naman nito A.A. naglaway tuloy ako....

 

 

Makaluto nga ng yema...

Allanjohn Andres's picture

Kumusta

Maraming salamat sa pagdaan, Ilyana.

Kumusta na ang paghahasa mo sa iyong panulat?

ilyana's picture

Medyo marami akong napupulot

Medyo marami akong napupulot dito kahit paano, pero limited parin ang alam kong tagalog, aminado naman kasi akong di ko linya ang magsulat tulad mo at ng iba pang batikang manunulat dito..

 

Palakwento lang akong tao, hindi rin naman kasi ito ang karerang gusto kong pasukin, kaya siguro di rin ako ganong bothered matuto. Pero nag eenjoy naman ako sa ibang nababasa ko.

 

Lalo na ang mga tula mo...malalalim at me ibang meaning.

 

More power to you...

Allanjohn Andres's picture

hi ;-)

nag-eMAil po ako.

Patrickman's picture

you're now on the list

ang galing! ayus ang rhyming at paggamit ng mga tula!

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Allanjohn Andres's picture

haha!

nakatsamba lang ako dito, sir!

(habang nagpapaka-humble, para lalo yatang nagtutunog mayabang. haha! ang hirap mo pa namang i-please.)

Patrickman's picture

a plain "thank you" would have already sufficed...

mahirap i-please? parang nakakainsulto naman yung sinabi mo...

 

sige, nice tsamba. sana maka-tsamba ka uli sa susunod.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Allanjohn Andres's picture

kaso ayokong masyadong sumikat...

kapag masyado kang sikat at namatay, malaking perhuwisyo sa mga motorista ang mahabang martsa ng makikidalamhati't makikiramay.

jonsdmur's picture

Ganda ng tula!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Ipagpatuloy ang pagsusulat.

Salamat sa pagbahagi...

jonsdmur

Allanjohn Andres's picture

Gayundin...

higit na maraming salamat para sa oras at sa pagbabasa

Rom's picture

.

parang Los baños sa ngayon, dami nang batang kalye na pagala-gala nagbebenta ng sampagita (hindi yema).

magaling ang vivid portrayal mo bok, naaamoy at naririnig kahit ng mga nagibibingi-bingihan.

 

salamat sa pagbabahagi 

 

KarikaTuura

Allanjohn Andres's picture

salamat rin sa oras mo, rom...

Naku, pinaalala mo pa 'yong elbi, naalala ko nga noong panahon ko dati, may ilan kaming mga kakilalang kaybata-bata pa, batikan na sa pagnanakaw. Makailang ulit ang mga umaga, kapag bumibili ako ng diyaryo sa Crossing, na inaabutan ko silang bugbog-sarado. Kesyo napagti-tripan lang raw (nino?). Grupo nina Jepoy itong tinutukoy ko. Ewan ko kung narinig mo na sila at kung ano na nangyari sa kanila ngayon.

(Ababs ka pala dati, bok. hehe) 

 

 

 

Rom's picture

allan

 mukhang nagsilaki na ang mga batang yun na tinutukoy mo. pero kelan lang nilooban ang bahay namin dito natangay ang isang laptop at 3 cellphone ko. ang mga tirador daw ay mga bata sa riles ng tren sa san antonio sabi ng isang tambay dito.

ababs? hehe...basahin mo yung short story ko title: at lumubog ang araw sa kanto ng tramo. search mo dito. 

 

KarikaTuura

Allanjohn Andres's picture

kababasa ko lang...

Ayos 'yong twist, noong biglang nag-prop 'yong taong-grasa sabay mass-d/pagbabasa ng batayan hinggil sa pagpapataw ng parusa. Kumbaga, lahat ng military victories ay nararapat talagang i-translate sa political gain.

Bigyan mo naman ng companion 'yong kuwento. Insights, kunwari, patungkol sa preparasyon (paano ang proseso ng SI at pagkakahon ng target, ano ang mga konsiderasyon sa pagdedesisyon ng ike-carry out na kaparusahan, etc). Gayundin ang post-operation activities (saan nagpapalamig ang mga partisano pagkatapos, o ano ang ginagawa nila kung walang tungkuling militar na isasakatuparan, etc.). Paniwala ko naman na kaya mong i-research ito eh, haha.

May nakasalamuha akong mga lola dati sa Bayanan, Muntinlupa, gayundin  malapit sa boundary ng San Pedro. Hitik rin sila sa mga kaugnay na accounts komo isa raw ang lugar nila sa mga paboritong atrasan ng mga twit-twit noong late 80's to very early  90's (bago iyong '92 split).

Salamat uli dito, bok.

Rom's picture

kwento

 sa bayanan muntinlupa kasi nakatira si Alex, napuntahan ko nga yung libingan nya na muntik nang sakupin ng metropolis mall ni manny villar (kalahati ata ang sinakop) ordinaryo lang ang puntod niya hindi gaya ng mga personaheng mayayaman na inilibing. kaya sigurop hitik sa istorya ang lugar na iyon.

boring kasi para sa ordinaryong mambabasa ang preparasyon ng pagkakahon at ang pagpapasa ng charge sheet kaya hindi ko na isinama sa kwento. marami akong alam na kwento tungkol sa mga "kapalpakan" nila tulad nang pang atras ng sasakyan para sundan ang object, e bigla na lang nalaglag ang bumper kaya kumalampag, di tuloy natuloy ang pagbuntot.

may isa pang ibon na sobrang porma naka white shortpants at white t-shirt with matching scarf pa (disguise) pero nung isukbit yung 9mm biglang pumutok--hindi kasi ni-lock e. butas ang hita e di naman pwedeng magpa doktor. ayun inampon muna. 

maraming kwento bok, pinakatampok yung kay Major P. manila's finest yun minsan gagawan ko ng kwento dito pati yung kay Rey De La Cruz yung baklang talent scout at manager ng mga boldstar (sarsi emmanuel, pepsi paloma etc.) 

parang may naisulat ako dito dati tungkol kay major P. 

http://www.filipinowriter.com/the-assasination-of-major-j-p 

 

 

 

KarikaTuura

Allanjohn Andres's picture

haha. ibang level tayo ngayon!

Si JP ba 'yong JP? 

 

(edited) 

Ah, Time in a Bottle -- siya nga, haha! 

Allanjohn Andres's picture

reminisce, reminisce... hehe

Bok, naintindihan kong baka maging boring nga para sa iba kung dito pa natin kakalkalin 'yong select details ng good old days ng mga ibon, haha.

Pero interesante balikan 'yong mga nabanggit mong "kapalpakan". Kumbaga ang mga ito 'yong "lighter side" ng "hard and arduous struggle", kung hindi man peligrosong yugto sa buhay, ng  mga naging kakilala natin sa MR noong mid 80's-early 90's. Sayang lang kasi kung walang magkukuwento ng mga ito. Kumbaga, kasama na ito sa kayamanan ng mga karanasang naipon sa mahaba-habang ring panahon. 

Kung may oras ka, sana okay lang kung magpasahang-kuwento tayo via eMail. Gamitin mo na lang 'yong address na binigay ko dati. May mga counterparts din ako, siyempre, ng mga ganyan ring kaganapan batay sa salaysay ng ibang mga kakilala sa iba pang mga lugar.

Abangan ko rin 'yong insights kay Rey dela Cruz. Totoo lang,  mabigat ang loob ko noong si Rey dela Cruz na ang pinarusahan. Bigla akong naging concerned doon sa mga alaga niyang biglang naulila (haha, biro lang!)

Rom's picture

.

 sige bok, oks sa akin yun balikan natin yung gud ol' days. simulan natin dito kahit hindi sa email para naman mabasa din ng iba. wala namang masama dun kasi nakalipas na yun. May mga istorya pa akong nasagap first hand tungkol sa Col. James Rowe assasination at sa mga naunang "Sparrow" mid-80's pa ata yun medyo bata pa ako nun hehe...

 

kung kapalpakan dami nun hehe nakakatuwa na nakakaasar. parang pang inuman ang tema natin a.

 

KarikaTuura

Allanjohn Andres's picture

Awright! Banat na, Rom!

abangan natin 'yan dito o sa KarikaTuura. Huwag kakaligtaan ang bus burning noong December 1990, ha!

p.s. nakakulong pa rin ba si Continente at si Itaas?

 

Tantizm's picture

Tanong lang?

 

Taga Muntinlupa ka ba? 

Allanjohn Andres's picture

;-)

negative, sir.

Tantizm's picture

Pwede ba

 

 Pwede ko ba itong ipaskil sa blog ko upang mabasa na mga estudyante ko ang ganda kasi ng personification ng tula.

 

Kung pwede lang.

 

Salamat.

 

Allanjohn Andres's picture

permission granted, sir.

Kaso meron akong updated (revised) version nito sa http://allanandres.blogspot.com. Kung interesado ka, puwedeng iyon na lang ang kunin mo.

Binabati kita sa bokasyon mo.  Saan po ba kayo nagtuturo at anong subject?

Gayundin, maaari ko rin bang malaman 'yong URL ng blog mo :-)

Salamat sa pagbabasa.

Tantizm's picture

Salamat po

 

Public School sa Alabang

4th Year High School

Economics po

 

Salamat ng marami, sige po kunin ko po sa Blog mo.

http://nathan-tantizm.blogspot.com 

alunsina's picture

BLOG. Network.

BLOG. Network. Connect.

 

Si Jepoy. Ahahaha. Asteeg.

Allanjohn Andres's picture

Sana naalala mo pa si Richard...

plus sina Brown, Weweng, Andrew, at Menandro.

Woohoo!

jovieh jayne's picture

nice!...love it!, pede q 

nice!...love it!, pede q  po ba xang i link sa fb q?

Allanjohn Andres's picture

Thanks ;-)

No problem po.

Kaso mayroon akong revised version nito. Kung interesado ka, matatagpuan mo ito sa http://allanandres.blogspot.com/ kung saan naroroon ang iba ko pang mga trabaho.

Maraming salamat uli.