Ynvictus

Ureiqn's picture
|

Photobucket

PROLOGUE

Kahit mahina, nakakarindi rin ang bulung-bulungan. Walang paglagyan ang katahimikan sa mga oras na iyon. Makulimlim ang langit at lahat ay nagdadalamhati. Patapos na ang mga supulturero na ibaon sa lupa ang isang nilalang at ngayo’y inaayos ang lapida kung saan nakaukit ang pagkatao ng isang Pilipinong namatay dahil ka kanyang kabayanihan.

Isa isang umalis ang mga tao sa lugar na iyon habang isa-isang nahuhulog sa lupa ang ulang kanina pa pinipigil ng langit. Kabayanihan sa tingin ng lahat, ngunit sa isang inang nawalan ng anak, ang pagdadalamhati at galit ay walang paglagyan. Oo, Bayani siya sa patingin ng kanyang mga kaibigan at guro ngunit isa sya’y isa ring anak, may kahinaan at minsan sa kanyang buhay ay sumandal sa kanyang ina at humangos.

Nanginginig na inilagay ng isang ina ang mga bulaklak na hawak nito sa bagong gawang puntod, alay sa anak na mawawalay sa kanyang habang buhay. Tumingala ito sandali. Nagdasal at nagisip, ilang sandali pa’y nagkrus at pilit na ngumiti sa puntod ng anak at di naglao’y lumisan.

Tahimik lang na pinanuod ni Inyigo ang kanyang ina na lumisan sa kanyang puntod. Mahinahon niyang sinundan ng tingin ang babaeng kanyang pinakamamahal. At bago mawala ng tuluyan ang ina sa paningin ay nagsimula siyang magtipak ng kanyang gitara at inalayan niya ito ng kanta.

KABANTA I : SI INYIGO

Unang araw sa sementeryo. Walang ng pasok sa eskwela, gulo sa kalsada at pagiisip ng kung anu pa mang aalahanin. Tahimik na dina dinadama ni Inyigo ang pagiging kaluluwa. Di na niya iniisip kung paano siya namantay at kanyang mga naiwan. Basta ang impotante ngayon ay malayo na ako sa realidad ng buhay at walang nang proproblemahin.

Ang mahinang ambon ay biglang lumakas at naging ulan. Napangiti siya nang malamang tumatagos ang patak ng ulan sa kanyang katawan. Di narin niya aalahanin ang mabasa, siguro gayon din ang mapaso, makatapak ng bubog o anu pa man, hindi na siya makaramdam ng kahit anong sakit. Ilang oras pa ang tumagal, sa gitna ng ulan, naunawaan na niya nang lubusan ang pakiramdam ng isang kaluluwa. Bigla siyang nalungkot . Iisa lang ang kanyang nabanggit, “Limbo.”

Maingay ang pagpatak ng ulan. Kahit walang kulog o kidlat, tila nakakatakot sa pandinig ang pagulan, tila hindi matatapos ang ulan. Kinuha muli niya ang kanyang gitara at nagsimulang tumugtog. Malumanay ang tono ng kanyang himig. Unit unting nawala ang takot niya sa kung anuman. Pinagmasdan niya ang paligid. Tahimik at tila, siya lang ang nasa lugar na iyon. Malungkot man na tanawain ang sementeryo nakadama si Inyigo ng katahimikan.

Ilang sandali pa’y narinig niyang may mga paparating sa kung saan siya nakaupo. Sa pagaalalang baka Makita siya, siya’y tumakbo sa katabing mosuleyo at nagtago. Mga supolturero, may mga dalang pala. Napaisip siya. “Libing sa gitna ng ulan?” sa isip isip niya, napakalungkot ng senaryo ang isang libing sa gitna ng ulan, tila ang bawat patak ng ulan ang naghuhugas ng iyong mukha, nililinis ang mga nagluluha matang dahil sa mapait na pagkawala.

“Bakit ako nagtatago e ‘di naman nila ako makikita?” napangiti siya sa kanyang katangahan. Sinundan niya ang dalawang supolturero. Nakikilala niya ang isa rito dahil ito ang nagayos ng kanyang lapida. Tila may hinahanap ang dalawa, at ang isa ay malikot, lingon ng lingon sa kanyang harapan. Iniisip ni Inyigo ang pangalan ng isa sa kanila, minsan nang natawag ng kanyang ina ang kanyang pangalan. Dante ‘ata o Berto, di niya matandaan masyado. “Sandali lang, may sumusunod ‘ata sa atin, Putol”sabi ng isa. Sablay ang kanyang hula.

Sinundan niya ang dal’wa patungo sa isang liblib na parte ng sementeryo, kung saan nakatira ang mga mayayamang yumao. Kitang kita na ballot sa lumot at mga ligaw na damo ang mga puntod at mosuleyong gawa sa mga makikintab na granite, ang mga marmol nama’y tila nawalan na ng kinis at unti- unting nilalamon ng baging palatandaan na matagl nang hindi nadadalaw ang mga naririto, siguro dahil sa nasilaw ang mga kamag anak sa kayamanang kanilang naiwan o di kaya nasa iabng bansa at duon na nagkapamilya at namatay.

Tumigil si Putol sa isang malaking mosuleyo,gawa ito sa marmol , tila Pantheon sa Gresya ang pagkakadisenyo rito, ang pinagkaiba lang nito ay ang stained glass sa magkabilang pader sa harapan nito. Isang babaeng anghel na may nakasulat na Zacharias sa paanan sa kaliwa at isang matandang puno na may duyan ang sa kabila. Di na niya makita ang buong detalye ng nasa kanan dahil natatakpan na ito ng mga ligaw na halaman. Binunot ni Putola ang isang itak sa kanyang tagiliran at nagsimula siyang magtagpas ng damo, Ilang sandali pa’y bumungad sa kanila ang maliit na gate sa kanilang harapan. Buong ingat na nagmamasis sa likuran ni Putol ang kanyang kasama, tila takot na may makakita sa kanila, Nilingon ito ni Putol at ngumisi “Duwag.’ Bulong niya sa sarili, dumilim lalo ang langit at bumigat lalo ang ulan , pero di ito napigil ang supolturero, kinapa niya ang gate at maya’t maya’y hawak na niya ang kandado, gamit ang hawakan ng kanyang itak, pinukpok niya iyon at tuluyan na nilang nabuksan ang mosuleyo.

Pumasok ang dal’wa at tinungo ang lapida ng nagiisang puntod duon. Maya’t maya kinapa ni Putol ang gilid nito at hinila. Bumungad ang nakakasulasok na amoy ng bangkay. Mistulang masusuka ang kasama ni Putol, di tulad niya na sanay na sa ganito.

Ilang sandali pa’y nakita ni Inyigo na lumabas ng musoleyo si Putol at ang kasama nito. Inayos ang tarangkahan , nagkrus , nagdasal ng kaunti at naglakad papalayo. Biglang tila ng ulan, ngunit madilim parin ang paligid. Hindi na siguro namalayan ni Inyigo ang oras. Hapon na siguro.

Bumalik siya sa kanyang puntod at nagsimulang magtipak ng kanyang gitara. Maraming tanong ang kanyang naiisip tulad ng “hanggang ditto anlang ba ako?”, “nagiisa ba ako rito, asan ang iba?” “hanggang kalian ako nandito” . Inilabas niya ang kanyang tanong sa isang awit. Di na niya kailangang magisip ng areglo ng kanyang nota. Freeverse ika nga. Kung ano ang itinakda ng puso ang syang tipak ng kanyang gitara.

Photobucket

Madaming beses na niya itong nagawa nung nabubuhay pa. Mas madalas sa mga pagtitipon ng mga magsasaka, tsuper at kung iba’t ibang sector ng masa. Isang tibak si Inyigo. Tangan niya ang sa tingin nya’y malayang pagiisip na kailangang pakinggan ng kung sino ang nakaupo sa gobyerno.

Isa isa pumapasok sa kanyang alaala ang mga labang kanyang hinarap, mga mukha ng mga nakasama niya sa mga rally, mga talumpating humubog sa kanyang pagiisip at ang pakiramdam ng mabombahan ng tubig sa Mendiola. Para sa kanya, iyon ay “blessing in disguise” , masarap sa pakiramdam ang mabasa sa gitna ng tirik na araw, tila tag-ulan sa gitna ng El Niño. At dahil din doon, naging espesyal ang kanyang huling kaarawan, pinagdiwang niya ang kanyang ika-25 kaarawan sa pagsama sa martsa ng mga magsasakang nabiktima ng isang masaker dahil sa usaping patungkol sa lupa.

Sa gitna ng pagtugtog ng gitara ay may napansin siya sa kanyang harapan. Isang Dalagita, sa tantsya niya, mga nasa katorse o desi sais ito. Nakapikit at nakangiti ito, malayang sumasayaw sa himig na tinutugtug ni Inyigo. Tila paru-paro ito kung sumayaw, kahit magaslaw ang pagkumpas ng kanyang braso, makikita mo parin ang pagkamahinhin ng kanyang kabuoang galaw, siguro dahil sa inosente niyang mukha. Hindi tumigil si Inyigo sa pagtugtog. Lalo niyang ginandahan ang himig. Pakiramdam niya nagtatanghal siya sa isang rally kasama ang isang magaling na interpretative dancer.

Ilang sandali pa ang tumagal nang napansin niya na tila nababalutan ng hamog ang buong lugar, ‘di na niya maaninag masyado ang puntod sa malayo, gayon din ang kalsada malapit sa kanyang puntod. Maya’t maya pa’y nakarinig siya ng mga bulung-bulungan, tinigil niya ang pagtugtog at hinanap ng kanyang mga tainga ang pinagmumulan ng bulungan. Tumigil rin ang dalagita sa pagsayaw at nginitian lamang siya sabay turo sa kalsadang nababalutan sa hamog. May namumuong prusisyon ng mga ilaw. Tila papunta sa kanilang lugar. Habang papalapit ang prusisyon ay palakas ng palakas ang bulung-bulungan.

[to be continued : please leave a comment thanks :D]
[amherstureiqn.wordpress.com]

Amherst Ureiqn