Yosi't Ashtray

incubus's picture
|

ipinangako ni Philip ang kanilang muling pagtatagpo

ngunit ang pangako’y pinayuko ng pagkakataon 

ang pag-asa ang nagsisilbing tanglaw

sa nalalapit na kamatayan 

ang panghihina ng isa’y magbubukas ng bintana sa naiwan

sisilip ang ngiti at masisilayan ang tatlong bungi

simbolo ng kapayapaan 

ng panatag na kalooban

at pagtupad sa kasunduan

hindi sisibol ang pighati

sapagkat kapwa sila may binalikan

kapwa bumalik sa pinanggalingan 

 ang paghihintay ay mawawalan ng saysay

kung hindi masasabik.

kung hindi maiinip,

may mararating ba ang pinlanong paglalakbay

ng ibinugang usok? 

hihithitin lang din at ibubuga

…hithit…

…buga…

sabay pagpag

o kaya nama’y hihithitin at ibubuga

at pamamahingahin sa kanlungan ng iba

saka hihintayin ang unti-unting pangungupos

magkakaroon din ng silbi

ang tagasalo ng mga pinagsawaang sarap

ang tanging saksi sa mga tinangkang pagtakas 

lalamunin na naman ng usok na abo ang alaala ko

kelan nga ba magsasalubong ang kahapon at bukas?

kamatayan lang ang makapagbubuklod

incubus

dyeppri's picture

sigarilyo upos at ashtray

galing naman nito!

Yan ang tula,,, may magic, ikinukubli ng mapanlinlang na salita ang totoong kahulugan ng bawat mensahe,,, Hindi ka agad binibigay ang lasa bagkus kelangang lasapin mo maige hangang sa huli bago mo malman ang sarap nito. Hindi kagaya ng alam ng iba na basta pagpapahayag lang ng magkakarugtong na salita at tumutogma ang huling kataga ay poetry na! Ako paborito ko ang ajinomoto na kahit sabihn ng iba na masama at nakakalason ay siya naman talaga ang nagbibigay ng kakaibang lasa na hindi mo madeskrayb,,, sige nga...ano ang lasa ng betsin? Masarap pero di mo alam db?!

Sige po...salamat at e-da-day-dyest ko pa mabuti ang tula mo!Cool

 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

incubus's picture

sigarilyo upos at ashtray

salamat po! may nakapagsabi din sa akin na para daw makagawa ka ng tulang free verse kelangan eh marunong kang gumawa ng tulang may tugma. salamat ulet. 

+ink_yhubos+