Yung PALAYAW..yun PALA ang aYAW

love's picture

“Mommy mommy bakit ba Jolo ako eh Angelo ang totoo kong pangalan?" (Iyan na naman ang mahiwagang tanong ng anak ko.)

“Jha bakit ba Jelo, Jolo at Jalo ang ipinalayaw mo sa mga anak mo, nagkakanda-mali mali na ako ay? Minsan gusto ko talaga tawagin si Jelo pero mababanggit ko muna ay Jalo-jolo tapos eh Jelo” . (Yan naman ang reklamo ng nanay ko.)

Aba naman hirap yata mag-isip ng palayaw sa mga ka-cu-cute na mga anak kong lalaki. Eh walang maisip na kakaiba kaya nauwi sa JeLo, Jolo at Jalo. Ang real name nila- Angelo Jacob, Angelo Jerome at Angelo Joshua.. ang layo noh? Basta ‘yun ang trip ko eh.

At saka nanging patakaran na rin sa aming pamilya na lahat ng nicknames ay dapat nagsisimula sa letter J. Nagsimula sa aking tatay na may palayaw na Junior. Kami naman na magkakapatid ay Jho, Jen, Jha, at Jop. At ang anak ng ate kong si Jho ay sina Jom, Jed, at Jash. Ang mga anak naman ni Ate Jen ay sina Jeff, Jang, at Je-an. At siyempre ang walang katulad at walang kapares na nicknames ng mga anak ko(ako po si jha) na Jelo, Jolo at Jalo. Si Jop ay binata pa sa ngayon at ang syota niya ay si Jo-an (J pa rin hehe..).

Kayo ba? Swak na bakayo sa mga nicknames ninyo? Oh may naghihinagpis din ang kalooban dyan!

 

Nais ko ito ialay kay “Tutong” , kay “Joba” at kay “Patis” . Ikamusta ninyo ako kay “kamatis” at kay “bulate”. Salamat po.

 


jonsdmur's picture

Gusto ko ang palayaw ko na

Gusto ko ang palayaw ko na jojo.. lalo na noong bata pa ako. Ang totoo sa pamilya lang jojo ang tawag sa akin. Sa kaibigan, kaklase at kakilala jons, nath, than, onat, nath ang tawag sa akin. Lahat gusto ko... kasi kahit ano pa ang itawag sa akin... ganito pa rin ako....

Jons

love's picture

Jojo

 

Ang dami mo palang palayaw noh? Ako mas komportable sa "jons".. kakaiba kasi at parang ang cute cute mo hehe..

Jons welcome back sau ..(sa'tin dal'wa ngayon lang ulit nakapagsulat eh). God bless jons. 

jonsdmur's picture

Ako din.. mas gusto ko sa

Ako din.. mas gusto ko sa lahat ang jons... pang shobiz kasi hihihihihi

Mukhang hindi ka busy ngayon ha...

Jons

love's picture

oo ndi na masyado..

 

 

Oo ndi na ako masyado busy kaya heto sulat na naman ..salamat sa time jons.Godbless 

 

P.S.

talaga namang shobiz kang tao at mapapansin ko sa avatar mo 'yon hehe..akala ko nga'y ikaw yun nagkakahawig kayo hihi..  

jonsdmur's picture

maraming nagsabi ng ganyan

maraming nagsabi ng ganyan sa akin pero hindi ako naniniwala hihihihihi

dami dami mong idea ha... lahat okay... keep posting...

jons

love's picture

TNX !

 

 

TNX jons..hindi ako galit ha isang malaking pasasalamat lang 'yan. TNX! talaga promise hehe.. 

prettyfhe's picture

ako nga..

real name ko FILIPINA, ewan ko kung bakit naging FE.. hehehe Laughing 

naalala ko tuloy nung elementary ako.. shyness ako sa real name ko.. kasi kakaiba.. kaya pag nagpapakilala sa harap halos ibulong ko nalang.. kahit may name plate pa hahaha..

pero ngayon.. lab ko na name ko! Wink

 

"figment of my imagination..."

love's picture

hi fe!

Unique ang name mo at alam ko mayroon din ang ngalan ay PIlipinas at Luzviminda kaya hindi ka nag-iisa hehe.. Ok naman din ang "fe" ... "fe"  for fi siguro kya naging fe (bisaya bah ).

 

Salamat sa komento.

 

Godbless.

 

 

tashyrowie26's picture

rowie ang nickname ko

Ako gusto ko naman ng palayaw kong "rowie", bigay ito ng tatay ko... kaya lang minsan napagkakamalang lalaki... pero nagagalit ako sa mga taong tawag sakin ay "weng-weng"...tsk tsk tsk! kasi name ko ay Rowena, so common na tawagin akong weng weng... pero utang na loob wag na wag mo ako tawagin sa pangalang yan,.. di ko alam pero ayaw ko...

 

☼rowie☼

love's picture

sure

Hindi mo kailangang maki-usap rowie kasi ayoko din ng weng-weng eh ..di ko rin lam kung bakit siguro kasi katunog niya'y eng-eng hihihi..joke lang ha.

Rowie nice short name for rowena ..unique din un ha! ang ganda.

 

Tnx sa comment rowie.

Godbless.

talulot's picture

hello ate love

ako nga len-len. heheh pero mas gusto ko ang sani-- pero mas astig pa rin ang talulot. hehehe

 

napadaan lang.... 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

love's picture

salamat sa pagdaan talulot

 

 

talulot ... o kayganda rin naman. tawagin mo nlng din akong ate jha mas komportable ako doon. Janeth talaga ang name ko (with "h" ha take note hehe..)

 

Godbless .